FOUR

3 0 0
                                    

***

sinubukan naming ayusin yung sasakyan pero wala talaga.. medyo dumidilim na din.. kaya baka dito na kami matutulog. bukas nalang kami ng umaga aalis, magba-bus nalang siguro kami tapos ipapahatak nalang daw ni Eduard yung pick up niya. babantayan nalang namin si Gregy.. baka mawala nanaman kasi siya eh.. saka medyo wierd na din kasi yung mga kinikilos niya..

***

natutulog ba ko o hindi?? pakiramdam ko tulog ako pero nakadilat yung mata ko.. nakikita ko yung paligid ko.. ang wierd.. mukang tulog na tulog silang lahat..

teka.. may tao sa may pinto.. tinignan kong mabuti..

hindi ko kilala..

malaking lalaki..

wala siyang suot na pang itaas tapos naka maong na pantalon..

medyo malaki yung katawan niya..

nakatingin lang siya samin..

masama yung tingin niya samin..

nakakatakot..

pero hindi siya kumikilos..

ginising ko yung katabi ko, si Jano..

pero hindi ako makakilos.. sumisigaw na ako pero walang lumalabas na boses sa bibig ko..

biglang kumilos yung taong nasa may pinto.. naglalakad siya papunta samin..

lalo kong pinilit na sumigaw. pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. tang ina!

papalapit na siya ng papalapit..

ahhhhhh! ahhhhhhhh! putang ina niyo! gumising kayo para niyo nang awa!!

unti unti na siyang lumalapit samin.. nanlilisik yung mga mata niya.. na parang gustong gusto niya kaming patayin.

Daniel Gunon's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon