Episode 6.

14 6 2
                                        


Episode 6: Shadows of Fate


NAKAUPO ako sa swivel chair ko habang nakatingin sa kisame. Halos masiraan na ako nang bait kakaisip kung ano ba ang dapat kong gawin para mailigtas ang kompanya. Pinilit kong mag focus sa trabaho, I keep myself busy but it's still useless. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kapalpakan na ginawa nang Stacy na 'yon isama mo pa ang nanay niyang kasing bobo niya rin. Gusto ko silang sugurin at sabihan nang masasakit na salita, but I force myself not to do that thing. Kahit naman sabunutan ko ang mag-inang 'yon, kahit pa tanggalan ko sila ng esophagus ay walang mangyayari. Hindi na maibabalik ang Diamond Stone na nawala.

I am now worried about my Papa Uncle. I know that he is just acting calm and normal so that his employees won't worry too much. Mr. Laurente is the kind of man who, even when he has problems, will still think more about other people than himself. Nagkaroon kami ng meeting lahat, together with Mr. Laurente, sinabi niya ang nangyari and he fired Stacy, si Manager Kim naman ay na suspend sa trabaho niya nang one month. Gusto ko sana sumigaw na sibakin na dapat siya tuluyan but I can't do that, matagal na din si Manager Kim, sa kompanya na ito kaya alam kong hindi madali kay Papa Uncle, na tanggalin siya ng ganun ganun na lamang. At saka wala naman may kagustuhan sa nangyari, marami ang nagalit sa mag-ina but Mr. Laurente told us that we shouldn't blame each other, it's a part of life that there are really heavy challenges that suddenly come. But still, I'm fucking mad to that two bobita's, sana nga ay hindi na sila bumalik dito kahit sana mahiya nalang sila sa katangahan na ginawa nila.

Bahagya kong inabot ang mug ko na may laman na kape at uminom. Sumandal muli ako saka pumikit. Unti unti nang sumasakit ang ulo ko, dahil sa stress na nararamdaman ko. I want to help, Mr. Laurente, pero hindi ko alam kung papaano. Kapag nag tatanong naman ako about that situation ay hindi naman niya ako sinasagot, He just keeps telling me not to interfere, because no matter what we do, we can't change the mind of the investor. The investor has already decided to pull out his shares.

Kinuyom ko ang aking palad saka mahinang hinampas ito sa table ko. Dahil sa stress na nararanasan ko ay napasabunot ako sa buhok ko. Damn it! Ano ba ang pwede kong gawin!? I really want to talk that investor. Hindi ako papayag na nganganga lamang ako dito and do nothing, while my Papa Uncle is suffering alone. Napaka walang kwentang anak ko naman kung ganon.

Kailangan kong mag isip nang paraan para maisalba ang kompanya. No! Hindi ko hahayaang mawala o bumagsak ang Laurente Jewels. I can do everything for this company not because it's my job but because I value him. I value the relationship that we have and as his family, I will do my best to save the company. I don't want to see him in sadness.

"Everyone, you can now log out of your work and go home. Because of the situation we have right now, our boss decided that you will have a half day today. Rest for tomorrow.” Sabi ni Miss. Ella, our boss secretary.

Sumang-ayon ang lahat, at nag kanya kanya silang ligpit ng mga gamit ang iba ay umalis na, ang iba naman ay nag pa iwan, hindi ko alam ang dahilan nila but like them wala pa akong gana umuwi.

Bahagya akong tutungo sa aking table, nang bigla akong tawagin ni Miss Ella. Tumayo ako saka tumingin sa kanya. "Our boss is calling you, he said he has something to discuss. He's in his office waiting for you there.” Nakangiting sabi nito. Tumango na lamang ako sa kanya, tumalikod na ito at umalis sa working area namin.

I heaved sigh. I turn off my computer, inayos ko ang mga gamit ko sa table ko, dinampot ko ang sling bag ko saka lumabas na sa aming working place.

Lumakad ako sa hallway, at napansin kong kakaunti na lamang ang tao. Siguro ay nag siuwian na talaga ang karamihan. Sumakay na ako nang elevator at pinindot ang 10th floor, maya maya pa ay nakarating na din ako. Dumeretso ako sa private office ni Mr. Laurente, kumatok ako at tuluyan ko nang binuksan ang pinto saka pumasok sa loob.

Unveiling Shadows Where stories live. Discover now