x2x So he is he?

38 1 2
                                    

A/N: Try niyo po tingnan yung gif. sa right! ^^ Nalaman ko kasi yung way na yan kay charotera101! ^O^ BIG THANK YOU SA KANYA! Don't worry guys hindi ko naman gagawin yan sa lahat ng chapters kung sasabihan niyo ko ng gaya-gaya, tinry ko lng po kasi cia at associated kasi yung image sa isang scene ng chapyus na to. (Chapyus - my own way of telling chapters)  

Kung ayaw po magwork sa multimedia, just click the external link, pasensya na po, sorry na patawarin mo na ako ok? XD

VOTE! FAN! COMMENT!

***

x2x

Kinabukasan...

Sa malamang kinabukasan talaga =_=.

   "Wui Mai maggupit ka naman neto hindi yung nakatunganga lang diyan, mukha kang tanga." Asar na utos ng tomboy naming class president. Nagelections na kasi kami nung 1st day or kahapon.

Tiningna ko siya ng masama at tinaasan ngkilay. "Wala kang pakialam." Inirapan ko na rin.

   Inassign kasi kami ang mag-ayos ng bulletin board sa hallway ng room namin, seniors na daw kasi kami. And sad to say, yun ang first group project namin. Eh nanlulumo pa rin ako sa nangyari sa akin eh. Wala na akong magpag-kukunan ng pera. Masyadong gloomy ang aura ko, nanlulumo na nga, tinamad pa.

  "Sige ka, isusumbong kita kay Ma'am o kaya makakaranas ka ng mga suntok sa akin." Pananakot niya sa akin habang pinupokpok niya ang thumbtack para dumikit yung isang picture sa bulletin board. Pinanood ko siya... Isang pukpok lang ng kamao niya, dumikit kaagad. Nasa lunok sa takot.

   "O sige, basta wag mo akong sisihin pag pangit ang gupit ha..." Kinuha ko na yung guntin sa lalagyan ng supplies namin. Hinawakan niya kamay ko, napasmirk ako. "Sige wag na... Umalis ka na lang dahil magmumukha ka lang epal." Siya naman ngayon ang napasmirk. Bwiset, mukhang magkakaroon ako ng kaaway, 2nd day palang ah.

   Umalis na lang ako, lahat kasi sila gumagawa eh, hiyang-hiya kasi ako sa kasipagan nila eh. Pero saan ako pupunta? Hindi naman ako ganoon kapamilyar dito eh, alam ko lang yung mga daan na common na nadadaanan ng mga tao...

   May nadaanan akong library, kung diyan na lang kaya? Hmm... Eh bagot na nga ako, tamad na din ako magbasa.

Canteen? Eh? Bawal pa ako diyan kumain eh... Kahit gusto ko... Wala rin akong pera... :((

Computer Lab? Wala naman din akong magagawa diyan.

Classrooms? Shunga lang? Sa malamang bawal =__=.

Garden? Ano ako hardinera?

   Blangkong room? Hindi eh mukha naman siyang sala - teka may mini kitchen pa ah. Ginawang condo lang ang school?

   Inikot ng mata kung nasaan ako. 0.0 Mukhang yatang malayo ang narating ko ah, hindi ko lang napansin. Tiningnan ko ang label sa taas ng pintuan ng mukhang mini house na room.

"Unauthorized persons, keep out!"

Sus, para namang sila ang may-ari ng school. Papasok na lang sa ayaw o sa gusto nila :P.

   Pumasok nga ako, hmm, maluwag-luwag din pala dito. May kama pa! Pag pinaalis na ako ng landlady ng dorm ko, dito na lang pala ako titira. Libre na nga, sosyal pa!

*monch* *monch*

O.O

   Automatic na nagsilakihan ang mga mata ko. Sino bang hindi matatakot, ang lakas ngumuya ng kung sino man iyon!

*munch* *munch*

   Sinundan ko kung saan galing ang ingay na iyon. Teka may kwarto pa, sa kwarto na ito? Ang laki naman neto, ang lawak na nga ng pagkapasok mong room eh, mas malawak pa sa classroom namin. Pumasok na naman ako sa isang kwarto. Mukhang hallway lang... Napataas ako ng kilay, eh paano ba naman kasi White Speakers' pictures, posters, albums, at kung ano ano pang tungkol sa kanila na nakadisplay sa pader. Tapos meron ding mga wallshelves na nandoon nakalagay ang mga trophies at awards nila.

I'm here to make you smile (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon