x1x The start and the ending

67 2 0
                                    

Vote! Fan! Comment!

.~**~.

x1x

(Insert the sound of a harp of heaven) 

Hindi ko alam kung kelan pa ako nagsimulang maging bitter siguro nung itanaboy na ako ng magulang ko. Nakakawalang-gana na kasi... Para saan pa ba ang buhay ko? Ni wala nga akong inspirasyon dahil patay na eh. Psh, pero ngayon lang talaga ako namangha ng bongga. Sobrang laki kasi ng school na ito.... Nga nga ako sa ganda ng kanilang mga facilities habang papunta ako sa classroom namin.

"Kanina ka pa diyan nakanganga pffft..." Boses ng lalake nagsalita sa likod ko na ikinagulat ko.

"!@#@$#%$!" Halos atakihin ako sa puso kaya naging ganun ang reaction ko, masyado akong naaliw at humanga sa mga facilities ng school. Buti na lang at sinwerte ako at nakapasok pa ako dito. Tumawa na lang ang lalake

Pumasok na ako sa classroom.- Teka- Huminga muna ako ng malalim at saka binuksan ang pinto.

Konti pa...

Konti pa...

Kinakabahan ako...

Isang galaw pa... 

"And so as I was discussing- YOU'RE LAAAATE!!!!!" Sigaw ng gurong nakalunok ng megaphone.

"Blah blah blaaah~...." Hindi ko pinansin ko ang mga sinabi niya at kumuha na ako kaagad ng marker at sinulat sa palad ko: 'Talk to the hand. :P' Then ginawa kong parang puppet palad ko habang talak siya ng talak.

(A/N: Wag nyo pong gagayahin, sisihin pa ng guardians nyo na bad influence (~~,) ang wattpad e)

"Woa~~~~~~~~ah..." Reaction po iyan ng mga new classmates. Hindi ko na lang pinansin at tumungo na lang sa pwesto ko.

Umupo na ako sa bakanteng upuan, obvious naman sa likod. Pero bakit ganito, feeling ko ang napakalayo ng teacher, nakakatakot naman dito. Feeling ko may katabi akong multo.

Libre naman sigurong lumingon...

Eeer... May lalake dito sa tabi ko na parang nakasubsub ang mukha sa desk tapos ang dumi dumi ng polo at pants niya. Haggard ang look, magulo ang lahat. At, para siyang napapaligiran ng black aura, nakakatakot naman siya pero kailangan kong magpakatatag.

"Ms. Hara would you mind introducing yourself? Than staring at Mr. Gayson?" Bwiset na sabi sa akin ng teacher. Makikinig naman ako ah! Gayson? ... Gay pffft...

"Kathleen Mai Hara." Maikli kong sabi habang nakaupo pa rin sa pwesto. Hilo na ba siya, papaupuin ako tapos papatayoin agad.  

.~**~. 

Uwian na... Wala namang masyadong maraming nangyari, walang nakipagkilala sa akin--- Er si Hayley pala, idol niya daw ako eh pero I try my best iwasan siya kasi um weird. Kung magiging anime man ito, bawal kilos ko, stars or hearts ang mata niya. Nakakairita, ayoko ng fans! May stalker ka, nakakakilabot kaya yun. Buti na lang nung lunch eh hindi na niya ako hinanap.

After lunch kasi yung mga magkaklaklase sa isang seksyon paghihiwalayin pero yung black aura guy na kaseatmate, kaseatmate ko pa rin. Like other guys na nabasa mo sa wattpad, tulog pa rin siya. Gangster lang?

Palabas na akong ng gate ng makita ko yung gangster-like na kaseatmate ko nakasandal sa pader. Sabi ko na nga ba gangster siya, hindi ko na lang siya pinansin at tumuloy ako.

Nahagip ng atensyon ko ang isang matandang namamalimos na minumura ng bata, grabe na ang mga bata ngayon tsk, tsk, tsk. Parang ako hindi bata...

*Swooooooosh*

Eh?

"Sa susunod na tatawid ka, siguraduhin mo na titingnan mo ang magkabilang daan. Hindi yung matanda lang yung titigan mo.Sinermonan niya ako sa sidewalk ng may maraming taong naglalakad.

Nakakahiya! Ang mas nakakahiya kasi hinila niya ako paatras tapos niyakap patalikod.

"Sorry....." Nakayuko kong sabi, wow nabawasan ang bitterness ko ah. Pero teka lang bakit ayaw niyang bumitaw? "Pwede na ba akong umales?" Tanong ko na nahihiya, eh nakakahiya kasi. "Ay! Oo sorry." Mabilis niya akong binitawan at binilisan ko na ang pag-alis. Weird. Just very weird.

.~**~.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako magkapag-move-on sa nangyari kanina. Naalala ko yung scene na may yumakap sa akin patalikod sa rooftop ng hospital. (A/N: Yung prologue po yung tinutukoy niya.) Actually, halos siya na yung inspiration ko, kasi hinahanap ko siya. Alam kong baduy pakinggan pero feeling may something akong nafifeel sa kanya, pero deep inside sa akin umaasa pa rin ako na buhay si Khyle, oo alam ko matagal na iyon.

Napapangiti na lang ako sa nangyayari sa akin.

"Hoy Mai anong ningitingiti mo dyan? Hindi ka pa nagbibihis ng suot mong pang-waitress, nakuu marami pa naman tayong costumers." Sabi sa akin ni Joyce na katrabaho ko, na ikinagulat ko.

"Ay ang namatay nabuhay!" And of course sino bang hindi mapapasigaw sa gulat? "Ano ba, hilig niyo na ba ngayon manggulat?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Shunga, subconcious ka kasi." Wow nag-english, lumevel up. "Whatever." At nagbihis na ako ng pang-waitress. Nakalimutan ko nga pala sabihin, may part-time-job ako, diba nga mag-isa na akong nabubuhay?

Lumabas na ako ng locker room ng napagandang restaurant. Panghigh-class kasi dito, kaya maganda. "Hui Mai!" Tinawag na naman ako ni Joyce. "Ikaw na lang mag-serve doon oh! Nakakahiya baka mapahiya ako! Ang gwagwafuu kasi eh!" Nakakahiya eh hindi pa nga siya napapahiya Gwapo? Sus naman, parepareho lang naman silang lalake eh, na tao.

Pumunta na ako sa table na tinuturo niya. Anong gwapo dito? Eh mga grupo lang ng lalake na mukhang naghaharutan eh, apat sila. Kung gwapo sila, saan banda? "Hello po and welcome to Jacey Go's, ano po ang order nila?" Tanong ko, pero hindi ako nakangiti, hindi ko yun gawi mas lalo na at ano ba ang magiging rason ng ngiti na ito? Magmumukha lang akong plastic.

"Um ano na po?" Ang awkward ng situation namin. Makatitig naman sila sa akin wagas, mukha ba akong criminal? Porket nakasimangot, criminal agad? Diba pwedeng hindi ka karapatdapat ngitian? "Kilala mo ba kami?" Tanong nung lalaking mukhang siga. Bakit, mukha ba silang sikat? "Hindi po.---"

"Teka hindi?" Sumabat naman yung mukhang lagi ding nakasimangot. Naiinis na ako ha..."Hindi nga eh-----" "Sa itsura naming ito?!" Tumaas na yung tono nung unang lalakeng nagtanong, na parang nagugulat. 5, 4, 3, 2, ----

"Sure ka talaga na hindi mo kami kilala?" Tanong naman nung lalaking maliit ang mata, gay detected. "Ano po ba order niyo para matapos na?" Tumaas ng konti yung tono ng boses ko, halata na naiinis na ako. Pigilan mo ako Joyce, baka masisante ako nito....

"Kami nga po pala yung White Speakers, sikat po kami, siguro hindi kayo nanonood ng T.V." Sabi ng mukhang bakla. Ang yabang naman nila! Haist! Napuno na ako! "MAG-OORDER BA KAYO O MAGPAPAKILALA!? HINDI ADVERTISE ITONG RESTO NAMIN, KUNDI KAINAN!!!!!" Ok napasigaw ako.

O_O

O_O

O_O

O_O

In short, tameme silang apat.

.~**~.

"DID YOU KNOW MS. HARA NA SILA ANG FIRST CELEBRITY COSTUMERS NATIN?! PINAALIS MO LANG SILA NG BASTA BASTA! PWEDE ITONG MABALITA SA T.V., AT MAS LALO NA IKAW! GUMAWA KA NG ISKANDALO NA NAMAN! PASALAMAT KA AT BESTFRIEND AKO NG MAGULANG MO KUNDI MATAGAL NA KITANG SISISANTIHIN!" Nakayuko akong nakikinig sa may-ari ng restaurant. Oo, aaminin ko, kahit ngayon hindi pa rin maayos ang buhay ko. Tulad nito mga panglima na siguro ito nangyari.

"PERO DAHIL SA GINAWA MO, YOU'RE FIRED!!!!"

Bakit ganito! Kung kelan nagsimula na ang school year, saka nila sisisantihin? Wala na akong trabaho, wala na akong pambayad sa mga needs ko! Paano na yan!?

P.S.

I hate White Speakers. Mayabang.

I'm here to make you smile (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon