VOTE! FAN! COMMENT!
.~**~.
"Good morning class." Bati ng professor namin ng first subject namin papasok ng classroom.
"Good morning Sir Valdez." Tumayo kami at bumati. "Since I'm also your homeroom teacher, I'll teach one tradition of our school... Yun ang pagbow pagkatapos bumati." Nagbow kaming lahat sa kanya. "Sige umupo na kayong lahat." At sinunod namin.
Isasarado na sana ng classmate namin yung pinto pero hindi na niya natuloy. "Sir may tao po..." Turo niya sa labas. Napatawa na lang si Sir. Bumalik yung classmate namin sa upuan niya tapos may pumasok sa classroom namin...
"May bago tayong student class, late enrollment siya kasi kahapon lang siya nag-enroll." Pwede ba yun? Ang bilis naman niyang nakapasok. Tiningnan ko kung sino siya...
Si Hyun Chul Park....
"I'm Johm Vaysler Park short for JV... Hope that you'll be my friends." Pakikilala niya sa sarili niya. Nagpalit siguro siya ng name para hindi malaman ang identity niya. Tapos may binulong siya kay Sir. Valdez.
"Diba dapat nandun siya sa section A?"
"Bat naman?"
"Obvious naman eh, tingnan mo nerdy hahaha..."
"Pero girls tagaSection A talaga siya..."
"Eh bakit kaya siya dito lumipat?"
"Malay mo stalker at may sinusundang babae..."
"Sshhh ka sis kinikilabutan ako sa sinabi mo eh."
"Akala mo naman ikaw yun."
"Malay mo hahaha..."
Rinig na rinig ko yung mga bulungan ng tatlo kong classmates, malapit lang kasi sila sa akin.
"Ms. Dizon bago na ang pwesto mo ngayon, doon ka na sa harapan." Sabi ng guro namin.
"Pero Sir--" Sasagot pa sana yung sinasabi ni Sir na Ms. Dizon, siya kasi yung seatmate ko sa left, sa right yung mystery guy.
"Enough Ms. Dizon, Mr. Park pwede ka na sa pwesto niya." U-u-u-p-po siya sa tabi ko? Sabi na nga ba -_- mukhang tinotoo talaga nila ang deal nila ah.
.~*o(-_- )o~(^u^~ )*~.
Normal lang naman as usual ang mga klase na sumunod, hindi naman din ako pinapansin ni Hyun Chul o JV. Siguro hindi talaga totoo yun, pero imposbleng hindi totoo nalaman ko na eh, pero baka totoo dahil wala silang tiwala sa akin, ang gulo naman.
Kailangan ko nang bumalik sa huwisyon, nagtuturo ang proffesor namin at dapat akong makinig, saka ko na iyon poproblemahin pag tapos na ang klase.
.~*Lunch Break*~.
Tumunog na ang bell at hudyat na para tumigil ang aming guro. Halata sa iba ng mga kaklase ko ay nababagot na, nakakantok kasi magturo ang guro namin ngayon tapos History pa ang tinuturo niya. Pero iba ako, History ang paborito ko dahil interesado talaga ako sa kasaysayan ng mundo.
Bumati na ang guro at lumabas ng klasrum, sumunod na din kami. Tatayo na sana ako sa aking upuan ng may ilagay si Hyun Chul sa lamesa ko, isang sticky note na kulay dilaw. Ito pala yung sinusulat niya kanina at masyadong busy. Titingnan ko sana siya para tanungin kung para saan ngunit nawala na siya. Binasa ko na lang ang nakasulat.
'Magkita tayo sa lugar kung saan huli tayong nagkita :)'
Bakit kaya? Bakit doon pa? Madaming tanong ang lumabas sa aking isip pero pinapaliban ko muna. Kailangan ko siyang makita, masasagot na siguro doon ang mga tanong pag nandoon na ako.
.~**~.
Nasa hallway na ako ng kwartong sa tingin ko ay tinutukoy niya ng makita ang pigura niya sa gilid. "Hyun Chul!" Tawag ko.
._.
Madaming tao at dito pinagtatawanan nila ako. Sa malamang, paano maging sikat na artista siya sa lagay at itsura niya ngayon? Iba pa naman ang pangalan niya. Tiningnan ko siya, akala ko magagalit siya pero nagpipigil pa ng tawa. "Tara na may sasabihin si Mr. Avaley (pronounced as A-Va-Li) tungkol sa plano." Yaya niya sa akin.
"Huh, anong plano?" Bago pa niya ako masagot na una na siyang pumasok, pero bago iyon sinusi niya muna bago makapasok. Sumunod na lang din ako.
Bumungad sa akin ang iba niyang kamiyembro na mayayabang at ang tinutukoy niya siguro na Mr. Avaley.
"Ms. Kathleen Mai Hara-" Bungad niya sa akin pero kinorek ko muna siya dahil mali ang pagkasabi niya ng Mai. "It's Ma-yi Sir, not May."
"Ms. Kathleen Mai Hara, kung naguguluhan ka tungkol dito sasabihin ko ang lahat." Tumahimik lang ako at nagpatuloy sa pagkinig. "Alam lahat ng mga teachers and staff na siya ang isang sikat na artista, nagcooperate sila of course." I know, dahil lang sa pera. Gusto ko sanang sabihin pero makikinig na lang ako. "And ikaw Mai, gusto ko sana magcooperate ka rin dahil nalaman mo na ang sikreto niya." Tumango na lang ako. "Like what I said yesterday, I'll give you a job because I know you got fired because of them. I would treat as an sincere apology gift for you, as you can see, they're just same age as your that's why they acted like that."
"Wala ka na rin pala matitirahan Mai." Napanga-nga ako sa sinabi niya. "May nahire akong detective para imbestigahan ka at nalaman kong huling araw mo na pala doon sa nirerentahan mo. Pwede kang tumira sa amin, alam ko na rin na ayaw sayo ng magulang mo." Napayuko ako ng marinig ko ang magulang, ayoko na rin sa kanila, kung ayaw nila akong repestuhin edi wag.
"I reject your request or suggest that I'll live in their house sir. Pag naka-ipon ako ng pera pwede naman akong makabili ng lote o makarenta." Sagot ko.
"It's better Ms. Hara na sa kanila kamuna magstay, I think pwede mo rin silang tulungan doon." Nainsulto ako sa sinabi niya, so katulong ba ang tinutukoy niya?
"Kung gagawin mo akong katulong, wag na lang. Nag-aaral pa ako, akala ko ba hindi ko lang siya tutulungan?" Sagot ko na naman.
"Sige, sa bagay tama ka rin. Pero mas maganda na doon ka na rin tumira, maayos ang facilities namin habang nag-iipon ka ng pera. And for me, maganda na yung sinabi para sa iyo." Maganda nga ba talaga? Ok sana kung wala sila eh.
"Pag-iisipan ko pero payag na ako natulungan siya."
"Sige, lumabas na kayo ni Hyun Chul at malapit na matapos ang Lunch Break ninyo."
"Salamat po." Bigla na lang yun lumabas sa bibig ng mahina, siguro maswerte nga ko. Kasama ko ay mga artista, pero papahirapan naman ako.
Sige na nga tutulungan ko na sila.
I'll help Hyun Chul keep his secret. Challenge accepted.
BINABASA MO ANG
I'm here to make you smile (HIATUS)
Ficção AdolescenteRevised version. Halos lahat binago pwera lang sa mga twists na magaganap. Mas pinaayos, pinaganda, at matino na po! Si Mai na bitter... Namatay kasi ang bestfriend niyang lalake, na crush niya. :O Kaya ayun nagpakabitter, hindi maka-move-on. Pinagt...