x4x New Home

19 0 0
                                    

VOTE! FAN! COMMENT!

.~**~.

Chapter 4

Mai's Part on view

Naglalakad ako sa isang eskinita ng may marinig akong tumatawag sa akin na lalake mula sa likod.

"Mai..."

Hindi ko muna pinansin at pinagpatuloy ang lakad ko.

"Mai..."

Nagdikit halos ang kilay ko sa pagtataka. Nakaramdam na din ako ng takot dahil hindi ko kilala ang boses na iyon.

"Mai!"

Tumakbo ako ng mabilis at nakalayo sa lalakeng iyon. Phew, ligtas na ako.

"Pssst gumising ka na!"

"Naku ayaw magising... No choice na ako... 1, 2, 3..."

*Chuuuuuup*

"Ay pagong na natae!" Napasigaw ako ng may maramdaman akong basa at malambot na bagay sa labi ko. Parang may humalik sa akin...

Minulat ko ang mata ko at...

Panaginip ko lang pala ang kanina...

Tiningnan ko kung nasaan ako, nandito pa rin naman ako sa kwarto.

"Hay buti naman gising ka na..."

Lumaki ang mata ng marinig ko na naman ang boses ng lalake.

Lalake...

May LALAKE?!

Tiningnan ko kung sino siya at hulaan ninyo kung sino...

Mali kayo, syempre hindi sa Hyun Chul... =_=

Siya si...

Yung lalakeng tawa ng tawa ng wagasan.

(A/N: Si Jung Yong Hwa po tinutukoy niya ^^ )

"H-hinalikan mo ba a-ako?" Nauutal kong derestahang tanong sa kanya.

"Ah eh oo... Ayaw mo kasing magising eh.. Ehehehe..." Sagot niya na nahihiya tapos kinakamot ang ulo.

Bigla akong namula, oo na, kinilig ako pero mas malaki ang rason ng galit. Eh sa first kiss ko yun eh!

*slap*

Nasampal ko siya bigla. Naiinis ako... Kahit nung si Khyle pa lang kasama ko hindi ako nakahingi o nakatanggap ng kiss sa kanya kasi alam ko na bata pa kami.

"Aray, ang sakit nun ah." Reklamo niya habang nakahawak sa pisngi niyang sinampal ko. Hindi ko iyon pinansin at nagtanong ako.

"Bakit ka nga pala nandito?" Mataray kong tanong.

"Lilipat ka na-" Naputol ang sasabihin niya ng mag-react ako. "Ano?!"

"PWUAHAHAHAHAHAHAHA!" Bigla na lang siyang tumawa ng malakas. "Akala mo siguro magkasama tayong lahat sa iisang bubong no?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakakahiya. "Eh ano naman kung iyon naisip ko? agjaovpafqbqpcjrg..." Tinakpan niya ang bibig ko.

"Ang daldal mo, nalaman ko tuloy na may interest ka sa akin. Mag-impake ka na at naghihintay diyan ang lady dormant niyo." Nagwink siya sa akin at ngumuso kung nasaan ang lady dormant namin. Nasa gilid siya ng pinto nanonood sa amin na parang may palabas.

Tinanggal ko ang kamay niya. "Kanina pa siya nandyan?!" Gulat kong tanong.

"Ehehehe ganun na nga..." Sagot niya na nakalagay ang kamay niya sa batok niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm here to make you smile (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon