Hello fellow readers! This story may contain unexpected scenes and if you are 18 below you should don't proceed reading after you read this.
Also I am sorry if you see some grammatical errors, misspelled,and capitalization, etc .Please leave a message or comment so that I can correct it... thank you hope you'll
Enjoy and reach at the end of the story...----------
"Nako naman crisanta!" Padabog na pumasok si tiya sa kanilang kwarto.
"Sige na po, uuwi naman po ako rito,
Tsaka hindi pa naman sigurado na matatanggap ako..."lumapit ako sa kwarto nila tiya at agad naman siyang lumabas ng kwarto at pumunta naman siya sa sala.."Alam mo crisanta! Nanririndi na ako sa pa balik-balik mong pag paparinig..."
Umupo si tiya sa kawayang upuan kaharap ang maliit na tv kasabay ang pag upo nag sindi Siya ng sigarilyo..."Sus! Pag natanggap ka hindi ka na uuwi non...sus utak mo rin no?" Singit ni Eunice
anak ni tiya."Alam niyo ang sakit niyo sa ulo! Pagod na ako sa trabaho tigilan mo na yan crisanta...
At ikaw Eunice tumahimik ka!"ibinuga ni tiya ang usok ng kanyang sigarilyo..."Pero tiya! Tutulong naman ako-"
Pinutol niya ako."Mag tra-trabaho ka? Walang maiiwan dito
alangan naman na si Eunice na walang alam sa buhay kundi humilata buong Araw.."nag taas ng kilay si tiya at tumayo"S'ya mag papahinga Muna ako at may trabaho pa ako mamayang gabi, crisanta
Mag luto kana at hugasan mo ang mga plato at baka dumating ang tiyo mo mabasag pa mga gamit ko...""Pero tiya!"
"Crisanta tigilan mo na yan!"
Umalis na silang dalawa at ako na Lang ang na iwan ...Na gising ako ala-sais y medya upang mag luto ng almusal, maaga Sana akong na gising kung hindi ako natagalan sa pag tulog kagabi ewan ko hindi Kasi ako makatulog kagabi ,maaga akong pupunta sa aking kaibigan para mag tanong kung may bakante bang trabaho sakin...ngunit Umaga sa aking pag gising tinig na ni tiya at tiyo ang na ririnig ko...
"Alam mo Janice! Hindi ka ba nag sasawa sa batang iyan tamad at pabigat pa!"
Pasigaw na sambit ni tiyo Lando.."Tumahimik ka nga lando!maririnig ka ng bata! Bakit Ikaw hindi ka ba pabigat?"
-mahinahong sambit ni tiya ng aking datnan kaya't na patingin ang dalawa sa aakin..."Gising naman Pala ang prinsesa !"
Nag taas ng kilay si tiyo.."Ano ba lando tumahimik ka nga ...!"
Tumaas ang mga kilay ni tiya.."P*tang ina! Kinakampihan mo pa yang bastardang Yan?kisa sa Asawa mo Janice?"
Nilapitan ako ni tiyo at tinulak ang balikat ko sa kanan ng dalawang niyang darili..."Hoy crisanta sapat naman siguro ang sampong taon sa pag bantay sa iyo..."
Mamula ang mga mata ni tiyo habang naka tingin sa akin.."Ano ba Lando!"
Hinarap ni tiya si tiyo Lando"Bakit ba! p*ste!ang landi-landi Kasi ng nanay mo!Sana hindi na Lang namatay ang nanay mo para hindi kami nag nag hirap!" Sigaw ni tiyo sa akin...
"Lando hindi naman kasalanan ng bata!"
Pinipigilan ni tiya si tiyo na harapin ako kaso nag mamatigas si tiyo..."Hindi naman kasalanan ni mama tiyo grabe naman kayo makapag salita "
Namumuo na Ang mga luha ko sa aking mga mata gusto kong pigilan ngunit tumutulo ito ng kusa..."Oh! Kung ganon sino dapat ang sisihin?
Ang tatay mo? Ay Siya nga pala dapat!"
Umismid si tiyo ."Tumigil kana lando! Hindi alam ng bata"
Mahinahon na sambit ni tiya at tinignan ako na parang gripo ang mga mata..."Anong pake ko!"
Tumaas ang boses ni tiyo...
Hindi ko alam kung saan ang tatay ko
Ni hindi pinakilala sakin ni mama noong na bubuhay pa siya..."Oh! Anong hinihikbi-hikbi mo jan?
Gusto mong puntahan ang tatay mo?
Bukas ang pintuan ! Lumayas ka na!"
Umalis sa harapan namin si tiyo ,Ngayon ina alu ako ni tiya. Alam kong noon pa lang malaki na Ang galit ni tiyo saakin kahit noong bata pa lang ako...Sana hindi si mama ang namatay Sana ako na lang..."Crisanta, hindi mo naman kailangan na umalis. kakausapin ko si tiyo mo-"
Pinutol ko si tiya"Wag na po tiya! Tsaka buo na po ang desisyon ko...wag na po nating pilitin..."
Tiningala ko si tiya'ng naka tayu habang ako ay nag iimpake ng mga damit ko sa aking kama..."Pero crisanta! nangako ako sa mama mo na aalagaan kita !"
Tumayo ako at kinuha ang mga iba pang damit sa maliit ko na aparador na gawa sa kahoy."Tiya, nangako ka at tinupad mo naman,
Kaya sigurado akong Masaya si mama. Tama rin naman ang sabi ni tiyo, sapat na ang sampong taon na pag aalaga sa akin, at nag papasalamat ako para don..."
Umupo ako sa dulo ng maliit kong higaang gawa sa kahoy at tinabihan ako ni tiya..."Hay nako crisanta! hindi ko na alam ang gagawin!bakit pa kasi si tiyo lando mo pa ang napa-ngasawa ko wala namang kwenta."
Tinignan kong mabuti ang mukha ni tiya hindi ko makakaila na napaka - ganda niya talaga...siguro kung nakapag asawa ito ng mayaman gaganda to, pero satingin ko ang tadhana para sa kanya ay hindi bukas ...Kaunti lang ang dala kong mga gamit at damit ,kapag makaluwag-luwag ako kukuha ako ng isang apartment o kahit bedspace na lang tapos kukunin ko Ang iba kong gamit rito...
Sa totoo lang pangarap ko talagang umalis sa Lugar nato ,siguro dahil sa mga tao rito .
Okay ako Kila tiya at Eunice pero Yung asawa ni tiya ang hindi ko na talaga kaya at sa mga tao rito ang toxic kaya isang malaking hakbang ang gagawin kong ito...dahil sa pag alis ko rito mamumuhay ako ng mag isa na walang nag didikta. At tsaka kapag naka pag-ipon ako mag aaral ako sa kolehiyo . Mas mabuti nga ito ,mag sasakripisyo ako para sa sarili ko ,hindi para kanino man..."Aalis ka talaga?"
Wika ni tiya ng nasa pintuan na kami ng Bahay."Salamat tiya sa lahat, hindi ko man ito gusto pero siguro ayaw talaga ng tadhana
Na pigilan ako .."
Nilapitan ako ni tiya at niyakap
Hindi naman ako minaltrato ni tiya, sa katunayan sa lahat ng Kasama ko rito sa Bahay ay si tiya lang ang maituturing kong sumbungan at kanlugan..."Wala na talagang makakapigil sayo?
Mag ingat ka Crisanta-"
Napa hinto Siya ng sumingit si tiyo"Sus ang dra-drama niyo!umalis kana rito!" Ibinuga Niya ang usok galing sa sigarilyo at sinabing "At wag kanang bumalik" umalis Siya sa likod namin pumunta kami ni tiya sa labas ayaw ko Sana siyang Iwan Kaso alam kong hindi papayag si tiyo na manatili pa ako rito...
"Mag ingat ka Crisanta,isang libo lang ang kaya kong ibigay sayo na ka pamalingke na Kasi ako kahapon " nilagay ni tiya sa kamay kamay ko Ang Pera
"Nako tiya!wag na po mag tra-trabaho naman po ako para magka Pera..."
Ibabalik ko Sana ang pera sa mga kamay niya pero hindi niya tinanggap."Ay bata ka hanggang ngayon ganyan pa rin ang ugali mo Minsan na nga lang kita mabigyan ng ganyan tatangihan mo pa.
Manang-mana ka talaga sa nanay mo..."
Wala akong nagawa tinago ko na lang Ang Pera bakasakaling Makita ako ni tiyo na binigyan ako ni tiya ng Pera at baka si tiya pa ang mapagalitan...Umalis ako sa Lugar kung saan ako lumaki,nag kaisip,na mulat sa katutuhanan .Sa Lugar kung saan ang liwanag ay ayaw pang mag pakita sa akin
Ang tadhana ko noon ay dinala ako sa pinaka madilim na sulok, laking pasasalamat ko na unti unti ko nang makikita ang liwanag na pinagkait noon sakin ng tadhana...Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan si tiya hindi man naipapakita ang pag mamahal noon sakin ni tiya pero nararamdaman ko . Hindi ko alam kung paano Siya pasasalamatan sa pag kupkup sakin ng sampong taon at sa pag puno ng mga pagkukulang ng aking ina...Ngayon mag isa kong tatahakin bago kong landas...
Niki_legaspi30
YOU ARE READING
Every Heart Beats
RomanceA girl looking for her freedom and luck in a big city ,but going to a big city will find her luck?.Not until she meet the boy will help her, A boy has got everything in life ; money,fame, girls,and everything he wants...But this girl will change hi...