kabanata 7

8 2 0
                                    




~sorry



Magaan ang pakiramdam ko ng bumalik ako sa venue. At nag simula nang kumain ang lahat kaya hindi na ako tinanong ni ate Bella patunggkol sa pagka wala ko kanina.


"Alam mo ba Sai, si sir kanina hinahanap ka..." May nag salita sa aking likuran, si Tisay pala to, hindi ko na namalayang nasa likod ko pala sya.



"Hayaang mo na sya, nga pala kamusta ka?
Dapat nakipag palitan ka ng puwesto para di mo na maka incounter yung lalaking yon..."




"Ah, Oo nag palitan na kami ni Lenna"
Wika nya habang sumasabay sa paglakad ko, ngunit habang natatanaw ko ang buong naka upo presidential seats ay naagaw ng paningin ko ang isang lalaki, yung sa rooftop! Teka maaring anak sya ng isa sa ka sosyo nila Mr. Alcazar, kasalakuyan itong naka tingin din saakin,
At bahagyang ngumiti, natataranta ako pero nginitian ko na lang sya kahit nakakahiya. Naiisip ko na puwede akong mapadpad doon at bigyan ko ng serbisyo ngunit ang ilusyonada ko naman na alala ko hindi ko na pala sakop ang lamisa nila...  Kinakabahan ako kaya tinanggal ko ang tingin ko sa kanya at nag patuloy sa aking ginagawa...




Dito sa loob ng venue ay walang comfort room kaya kailangan pang lumabas pero nasa kabilang pintoan lang din naman kaya hindi naman hassle kung pupuntahan kase ilang hakbang lang naman...



Nag paalam muna ako kay ate Bella na iihi muna ako at babalik din agad. Itong pinakamalapit na comfort room dito sa venue ay para naman sa lahat ngunit sabi ni ate Bella sakin noon dapat kami dumistansya sa mga mayayaman kung ayaw naming mapahamak...Ang problema ay nasa kasunod pang floor ang pangalawang banyo , kaya no choice hinintay ko muna na maging bakante ang banyo bago pumasok.



Nasa dulong cubicle ako ng may pumasok na nag hagikhikang mga babae. tapos na akong umihi ngunit hindi ako puwedeng lumabas kung nasa loob pa ng banyo ang mga babae. Malalaman mo talaga na mayayaman sila dahil sa kung paano sila magsalita, kanina pa sila nag uusap sa mga bagay na wala namang kwenta, ngunit sa mga sandaling ito ako na antig sa kanilang paksa, hindi naman sa chismosa pero nandito kase ako sa loob ng cubicle at hindi ko naman kasalanan na puputok na ang pantog ko...



"Hindi ko talaga akalain dito ko pa makikita si Ryle, ang gwapo nya talaga!"
Anang ng babae, at nag hiyawan din ang iba, hindi ko alam kung ilan sila pero may iba ibang boses kase akong na ririnig kaya di ako sigurado...



"Yung pinsan ba ni Yohan ?" Tanong naman ng Isang babae...




"Yes na yes! Hindi mo na pansin! Oh my god! He was sitting near with us!" Paarte namang wika ng isang babae.



"Yung pinaka mataas? Na naka black tuxedo? Na naka clean cut? Oh my ! Pinsan pala sya ng anak ng may ari nitong company!?" Gulat na pasigaw na sabi ng Isa pang babae na parang kinikilig, at nag si hiyawan silang lahat na tila binababad sa asin na mga bulate...



"Yes that guy na naka black tuxedo nga, I didn't expect na makakapunta sya rito eh,
Ang pagkakaalam ko nasa Italy sya..." Itong babae ay masyadong seryoso kung mag salita ngunit kahit gaano sya ka seryoso ang kaibigan nya naman ay napaka daldal at pa kikay panay hiyaw dahil sa kilig...




"Ano naman ang ginagawa nya sa Italy?"
Dapat na laman ko to ng maaga baka Makita ko sya diba? Lagi Kase kami pumupunta sa Italy nila mommy..." Anang ng iba namang babae na napaka kikay ng Boses..




"Ang alam ko nag aaral sya doon sa kursong culinary" wika ulit ng seryoso na babae, at nagsihiyawan ulit ang mga babae ngunit na putol ito ng may isang lalaking boses ang nag salita...




"Are you staying there for good Pauline?
Kayo din girls? Bumalik na kayo kung ayaw nyo mapagalitan ulit kayo ng mga magulang nyo, hindi na kayo na hihiyang nag sihihiyaw rinig na rinig kayo hanggang sa labas ! Sumama na kayo sakin!" May diing sambit ng lalaki na paniguradong tatay ng Isa sa mga babae.




"Susunood kami dad..." Anang ng babaeng seryoso...




Nag silabasan ang lahat at tuloyan ko nang na e flush ang ihi ko at nag hugas agad ng kamay at lumabas ng mabilisan, paniguradong sisiyasaain naman ako nito ni ate Bella...




Pero hindi si ate Bella ang iniisip ko ngayon kundi yung mga pag uusap ng mga babaeng pumasok sa banyo. Maaring haka-haka ko lang ito pero yung lalaking pinag uusapan nila ay parang yung lalaking naka usap ko sa rooftop...




"Natagalan ka ata ah ?" Wika ni ate Bella ng nakarating ako sa loob...




"Antagal kase matapos ng mga babae eh kaya hindi agad ako naka balik, may e hahain pa ba tayo sa mga bisita?..."




"Ah, wala pa namang sinabi na dadalhin ang main corse eh." Sambit ni ate Bella habang umiisim ng kape...



"Ha akala main course na yung dinala namin kanina?" Napakamot ako sa aking batok na tila ba'y naguguluhan...



"Hay bata kang talaga, appetizer ang naihain nyo kanina." Mahinang tawa ni ate Bella, aba malay ko ba sa mga pa appetizer appetizer na yan,basta pareho naman yang pagkain...



Kumagat na ang gabi at sabi at inutosan na akong mag linis sa 20th floor ni ate Bella dahil dessert na lang naman ang e hahain tsaka mga inumin na lang naman at kayang kaya na daw yun nila tsaka papasok na din naman ang mga gabi ang shifts kaya may papalit din sa puwesto ko.




Dala-dala ulit ang cart pang linis nasa 20th floor na ako upang maglinis na. Naka patay rito ang mga ilaw pero naka bukas ang malalaking kurtina kaya ang sinag ng buwan ay pumapasok sa silid, na aakit ako pero minabuti ko na lang na mag linis...




~kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit
Walang lungkot na sumisilip
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik
nang hindi sa panaghinip
Kailan,Kailan
Ang dating tayo ~



Paborito ko itong kantahin kahit wala pa naman akong naging kasintahan pero may may patama ang mga naka saad sa kanta na tila ba ay pinag dudugtong ang mundo ko sa kantang iyon...




"Ang lamig ng boses mo, pero binibigyan mo'ng init ang buong silid." Isang baritonong boses ang sumira sa moment ko ngayon. Pero hindi pa naman tapos diba ang event ah? Bakit nandito sya?




"S-salamat, m-mauna po ako sa inyo." Nauutal kong saad binilisan ang pag dampot ng mga gamit panglinis at nilagay sa cart...




"Sorry nga pala, about kahapon sa ginawa ko, I didn't mean to yell at you..." malumanay niyang saad...


"I s-sincerely sorry" dagdag nya pa, tumango naman ako, marunong ka naman palang humingi ng kapatawaran...




"N-naiintindihan ko po sir. Maiwan ko na po kayo."




Umalis na ako, may kaba sa aking dibdib simula pa kanina ng dumating sya sa silid.
Sana nga tunay ngang sincere sya dahil sa eksenang iyon madali nya akong na paniwala na nag papatawad syang tunay. Isa sa mga pangaral ni mama noon na hindi perpekto ang mga tao walang araw na hindi ito nag kakamali, kaya wag mo'ng I-tanggi ang kapatawaran na hinihingi nila  dahil kahit ang mga puso't kaluluwa natin ay nahihirapan at lagi itong babagabag  saiyo, ika nga mas maganda o mainam daw na matulog na walang hinanakit o galit na nararamdaman ang puso't kaluluwa natin  .



---------------------


Sorry for the late,late,late upload.
Nag fucos muna kase ako sa ganap sa school ngayon lang ulit. At dumating ang katamaran ng eabob na diss. Tsaka na nag update din ako sa au stories ko kaya hindi ko ito na tutukan...




Love you kayong lahat sakin:>




~Niki_legaspi30

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Every Heart Beats Where stories live. Discover now