CHAPTER 6: THE PICTURE

4 4 0
                                    

Natapos na ang ritwal na ginawa ng matanda kanina at ngayon ay naghihintay na lamang kami sa pagsikat ng araw. Kasalukuyang nililigpit ng matanda ang mga gamit na ginamit namin kanina sa ritw, inilagay nya sa isang lalagyan ang mga kandila at insinso, at binuhusan nya ito ng tubig.

Isinauli nya naman sa amin ang mga kwentas na hinubad namin kanina, at agad ko itong sinuot uli. May sentimental na halaga ang kwentas na ’to sa akin dahil bigay pa ito ng aking lola. Umupo ulit ako sa sahig at ilang minuto lang ang nakalipas ay sumilip na ang araw sa mga nakasiradong bintana.

“May araw na po, maaari na po ba akong lumabas? Kanina ko pa po kasi gustong mag banyo.” pagpapaalam ko rito.

“Sige iha, maaari mong gamitin ang banyo sa baba na nasa kaliwang bahagi ng bahay. Dumiritso ka lang at makikita mo na ang sala. Bumaba ka ng hagdan, nasa kaliwa ang sinasabi kong banyo.” ani niya at patuloy pa rin sa pagliligpit.

 
Tinutulungan naman sya ni Rheanna habang nagtatanong ito tungkol sa ritwal at mga dapat nyang gawin para makilala nya ang gumawa noon sa kapatid nya.

 
Pinihit ko na ang door knob at lumabas sa kwartong iyon. May iilang kwarto pa akong madadanan bago makarating sa pintuan pababa ng hagdan. Naglakad ako ng dahan-dahan para tingnan ang mga nakasabit sa dingding, mga lumang papel lang na naka frame at nakasulat sa lingguwaheng latin at baybayin. Nang makarating ako sa dulo ay baba na sana ako ngunit napansin ko ang isang lumang pintuan sa kanang bahagi.

 
Lumakas ang tibok ng puso ko na para bang itinutulak akong buksan ang pintuan. Nadala ako ng kuryusidad ko. I twisted the door knob, cheering silently when it actually twisted and the door opened. I slipped out of the door and silently shut it behind me. Natatakot akong malaman ng matanda na pumasok ako rito ngunit hindi ako makakatulog kung hindi ko pagbibigyan ang kuryusidad ko.

 
I was in a dimly lit hallway; there were stairs to my right. They were shaped like an L, not letting me see the bottom.

 
I turn back at tinignan ang pinto na dinaanan ko kanina. I bit my lower lip and waited. I was expecting the old lady to come out any minute and scold me. I inhale and exhale, then continue to walk as quietly as I can; I don’t want to get busted. I stepped on the edges of the stairs, where people normally don't walk slowly, waiting for a minute when it would creak. Once I got to the middle of the L, I peered down the staircase. Nang makababa ako sa madilim na kwarto ay agad kong kinuha ang phone ko na nasa loob ng bulsa ko para sindihan ang torch nito. Hinanap ko ang switch ng ilaw ng kwarto at in-on ito.

 
Beige ang kulay ng dingding na nag-match sa malikabok na kwartong ’to. Punong-puno ito ng mga sulat kamay na halo-halo, may nakasulat sa latin, baybayin at mga random na numero. Lumapit ako para tingnan ng mabuti ang mga nakasulat ngunit, hindi ko talaga ito maintindihan.

I roam my eyes around the room at agad kong napansin ang divider na nasa corner ng kwarto, maalikabuok ito at puno ng litrato na naka frame. Makikita mong lumang-luma na ang divider na ito, may mga iilang libro at papel din na naka display dito.

Lumapit ako para tingnan ang mga litrato at nabigla ako ng makita ang lolo at tatay ko sa isang litrato. Tiningnan ko pa ang ibang mga larawan at may nakita akong larawan ng mga magulang ko, kasama ang isang sanggol na buhat-buhat ng nanay ko.

 
Paano sya nagkaroon ng lumang litrato namin ng mga magulang ko? Sino ba ang matandang ’yun?

 
“Anong ginagawa mo rito? "I almost jump ng marinig ko ang boses na ’yun sa likuran ko.

 
Agad kong nilingon ang matanda na ngayon ay nakasalubong ang kilay. Her eyes made my heart skip once.

 
“Ah-h, naligaw lang ho ako akala ko nandito ang banyo.” palusot ko.

 
Tiningnan nya lang ako ng masama, at binaling nya ang tingin sa frame ng larawan na hawak ko. Agad ko namang ibinaba ito sa divider kung saan ko ito pinulot.

 
“Maaari po ba akong magtanong? "Ani ko ngunit mas tumalim lang ang tingin nya sa akin.

 
“Anong tanong? ” 

 
“Sino po ba kayo? Bakit may mga lumang litrato kayo ng mga magulang ko? ”

 
Mas lalong nandilim ang paningin nya sa tanong ko at tumalikod sa akin. Umakyat sya sa taas at agad naman akong sumunod.

 
“Maaari nyo po bang sabihin sa akin? Ang dami po kasing katanungan ang umiikot sa utak ko” sunod-sunod na ani ko habang sinusundan sya.

 
Nakarating kami sa sala ng bahay at nakita kong naka-upo roon si Rheanna.

 
“Maawa na po kayo,” pangungumbinsi ko sa kanya.
 

“Meron akong litrato ng mga magulang mo dahil dati akong asawa ng tiyuhin mo.” aniya ta umupo sa harap ni Rheanna.

 
Umupo naman ako sa tabi ni Rheanna para maka-usap ang matanda ng maayos.

 
“Dating asawa? Pero hindi ko po naaalalang nagkaroon ng asawa ang tiyuhin ko” naguguluhan na ani ko

 
“Papalit-palit ng asawa ang tiyuhin mo dahil gustong-gusto nyang magka-anak ng isang babae. Kaya noong nalaman nyang lalaki ang pinagbubuntis ko ay iniwanan nya kami. Hindi pa nakakalabas ang bata sa sinapupunan ko ay namatay na ito ng dahil na rin sa sobrang kalungkutan na bumabalot sa akin ng mga panahon na iyun na naka apekto sa bata. Tumigil lamang sa pagpapalit-palit ng asawa ang tiyuhin mo ng ipinanganak ka” mahabang kwento nya.

 
“Bakit po? Anong ibig nyong sabihin? "Naguguluhang tanong ko rito.

 
“Nasabi ko na ang dapat kong sabihin, iyun lang ang pwede kong sabihin sayo. Sa tingin ko ay natulungan ko na kayo, makakaalis na kayo,” ani nya at tumayo.

 
“Pero—” hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita syang muli.

 
“Ayaw ko ng madawit sa pamilya nyo, wala kanang makukuha sa akin na kahit na katiting na impormasyon, umalis na kayo! "Aniya at pilit kaming pinagtutulakan palabas.

 
“Sandali lang ho..."

 
Bago ko pa man sya mapigilin ay agad nya na kaming tuluyang itinulak palabas at isinirado ang pinto. Narinig ko na lamang ang pag-click ng lock sa loob.
 

ODOODEM: The Serdtse PoleWhere stories live. Discover now