"Saan ba tayo pupunta, Mr. Siraulo?" tanong ni Sheah sa nagmamanehong si Azrel
Umingos naman ang katabi "I'm not gonna tell you, it's a surprise madam"
Hindi nalang siya umimik dahil wala naman balak sumagot ang siraulo niyang kasama. It's been a long ride kaso hindi pa din sila dumarating sa pupuntahan nila.
"Malayo pa ba tayo Azrel?" tanong nito hanggang sa napamura nalang si Azrel, at biglang huminto ang kotse nila.
"Holyshit!"
"Anong nangyayari?" Bigla siyang nilukob ng kaba, dahil may mga papalapit na armadong lalaki sa sasakyan nila.
"We've been trapped, f*CK!" ani Azrel na nanggagalaiti sa galit at nilulukob na siya ng takot
"What? anong gagawin natin, Azrel mag-isip ka ng paraan, para makatakas tayo sa kanila, Azrel please!, Si Bleckiell? tawagan mo siya! " nagsisimula nang manginig ang mga kalamnan niya sa takot na baka sa kahit anong oras pwede silang mamatay.
"I can't contact him, walang signal ang lugar na ito!, And there's no way out Ma'am" ani Azrel
Tama nga si Azrel wala na silang takas dahil napapalibutan na sila ng mga armadong kalalakihan
"Ano ba! bitiwan mo ako!" kinaladkad siya ng mga ito at maging si Azrel walang nagawa.
"Tumahimik ka o pasasabugin ko yang bungo mo!" mas lalo pang dinidiinan ang paghawak ng mga ito sa braso niya at nagdulot ito ng sakit sa manipis niyang balat.
Bigla naman sumagot si Azrel sa lalaking may hawak sa kaniya "Bago mo magawa yan, dumaan ka muna kay Mr. Daffwarltz, at sigurado akong bungo mo ang pasasabugin niya"
"Tumahimik ka!" inis na sigaw nito at binigyan siya Ng Isang suntok sa tiyan, pero ngising aso lng Ang tinugun ni Azrel sa lalaki.
"Ano bang kailangan niyo?" sigaw ni Sheah habang nagpupumiglas
Sinapo-sapo nito Ang hawak niyang baril sa pisngi niya, at naninigas na siya sa takot "Relax Mrs. Daffwarltz, wag kang nagmamadali, madami pa tayong lalaruin, masyado ka namang atat"
"Dalhin na ang mga yan!" utos nito sa mga kasamahan at may kung ano mang bagay ang itinakip sa mukha niya at bigla nalang siya nawalan Ng malay.
"Please Red! pakawalan mo na ako, parang awa mo na, let me go please!"
Isang boses ng babae na nagmamakaawa ang nakagising kay Sheah, at laking gulat niya kung saan siya naroroon. Sa isang silid na napapalibutan ng Rehas.
"Nasaan Ako?" pilit niya parin binabaklas Ang pagkakatali sa kamay niya, nauubosan narin siya ng lakas. I need to get out of here
"Tulong! please, may nakakarinig ba Jan, tulungan niyo ako! sigaw ni Sheah pero tila bang walang pag-asang may makakatulong pa sa kaniya maging si Azrel ay hindi na niya ito nakikita.
"Inuubos mo lang ang lakas mo Miss, dahil kahit anong sigaw mo walang makakatulong sayo dito, I've been here for years, living in this room" aniya sa kabilang silid
"I know makakalabas tayo dito, tiwala lang, alam kong hahanapin ako ng asawa ko, at pag nangyari Yun isasama kita" sabi niya, alam niyang darating si Bleckiell at ililigtas siya nito.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by A Mafia Boss (Under Editing)
Mystery / ThrillerKidnapped by A Mafia Boss