Hello readers!
I just want to say thank you sa mga nagbabasa parin ng👉 KBAMB especially @backmary and @AvekiePollos thank you ❤😘. And patience po if ang tagal kong nakakupdate, I'm just busy sa online class, I'm in a third year college that's why sobrang hassle. If may mga wrong spelling sa bawat chap. don't hesitate to correct me, minsan si keyboard ang nagkakamali😊.
Stay tune lang po tayo, marami pa pong kaganapan na mangyayari sa bawat chapter. Adios!❤
______________________________________
Enjoy reading!❤
Isang linggo na ang nakalipas simula nung umalis siya sa bahay, walang Bleckiell na nagpakita sa kaniya ni anino nito wala, pero sa pitong araw na iyon may taong nakamasid sa kaniya sa malayo nararamdaman niya iyon. It could be Bleckiell or ang mga tauhan niya.
Walang araw na hindi siya umiyak dahil hindi man lang siya sinundan nito at pinigilan, may mga sagot na namumuo sa isip niya, na talagang ginamit lang siya nito at hindi minahal. At sobrang sakit yun, dahil mahal na niya ang asawa, sa unang pagkakataon ngayon lang siya nasaktan ng ganito.
"Frenny nagleave ako sa trabaho, bisitahin natin si mama sa Pasig what do you think?" Ani fern
Tumango nalang siya bilang sagot
"Para naman makapagrelax ka, sobra ka ng stress tingnan mo nga yang mukha mo, nagmumukha ka ng Panda"
Napahagikgik siya nung huli, at niyakap ang kaibigan.
"Fern"
"Hmm"
"Thank you sa lahat, you're always here para samahan ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka"
Sinapo nito ang buhok niya "We're not siblings by blood but in heart we are, I will always be there for you She hindi kita iiwan" napangiti siya sa tinuran ng kaibigan.
"Oh siya no more drama na magready na tayo, para maabutan pa natin ang Van na bibiyahe sa Pasig"
Nagbihis na siya, She’s wearing cheetah printed heels with her black joggers and a lace trimmed tank tucked inㄧso dainty, yet fierce! and paired with her Satchel bag, at lumabas na siya ng kwarto at tamang tama din palabas si Fern sa kwarto nito.
"Let's go" sabi niya at nagpatiuna nang naglakad palabas
And suddenly a Mustang parked in front of their appartment building. Magkasalubong naman ang kilay niya nung iniluwa dito si Azrel, ang gwapo nito sa suot niyang puting v-neck shirt paired with denim jacket and rugged jeans, and rubber shoes on. At ang buhok niya ay tapered sides with blowout top. Depinisyon ng salitang perpekto.
"Ako na ang maghahatid sa inyo" aniya at binuksan ang pinto ng kotse
Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib at si Fern nagpatiuna nang pumasok ng kotse, Walanghiya!
"No thanks Azrel magbavan kami ni Fern"
"But Mrs. Daffwarltz"
Tinaasan niya ito ng kilay "kung inutusan ka ng boss mo para pumunta dito at pagsilbihan ako, salamat nalang"
Bumulong naman ito sa earpiece na suot, "I told you boss, ikaw dapat ang nandito eh"
"I volunteered at walang kinalaman dito si Boss, I heard from Fern na may pupuntahan kayo" bakas ang pagsisinungaling sa mukha nito, boys is boys yung huling huli na gumagawa pa ng kwento, tsk!
![](https://img.wattpad.com/cover/162005508-288-k293602.jpg)
BINABASA MO ANG
Kidnapped by A Mafia Boss (Under Editing)
Mistero / ThrillerKidnapped by A Mafia Boss