Larawan

0 0 0
                                    

  

     Pangako ko sa iyo na ako ay manantili, kung sa tingin mo lahat ay nag bago na at ikaw ay kinalimutan lagi mong tatandaan na hindi kita iiwan. Ang mga nakaraang lumipas ay patuloy kong pang- hahawakan at hindi ko kailan man bibitawan. Ang mga ngiti ng kahapong lumipas na ngayon ay napalitan na ng hikbi ay sa iyo aking ipapaalala. Pangako na bibigyan kita ng halaga at pipilitin kong hindi kumupas ang makukulay mong alaala.

  
      Pangako ko sa iyo na ako ay mananatili, kung sa palagay mo nag- iiba na ang takbo ng iyong buhay, tandaan mo na ako parin ay naririto. Ang nakaraan ay patuloy ko sa iyo na ipakikita upang wag kang malihis ng landas. Ang masasaya mong nakaraan ay patuloy kong ilalarawan upang makamit mo ang makulay mong kinabukasan. Pangako na sa bawat  kulay na kumukupas isang bagong kulay ang sa iyo mag- bibigay buhay.

     Pangako ko sa iyo na ako ay mananatili, kung pakiramdam mo na ikaw muli ay nag- iisa, lagi mong tatandaan na ako ay nag- iintay lamang sa ilalim ng iyong kama. Ang mga nakaraan at alaala mo na dati ay makulay, ipagpaumanhin mo kung ngayon ay kumupas na. Ang pangako ko na pipiliting hindi kumupas ay aking lubos na inihihingi ng tawad, ngunit wag ka mag- alala sapagkat kulay ko man ay nawala damdamin ko naman ay patuloy na nanariwa.  Pangako na patuloy pa rin ako na manantili hanggang sa iyong pag- tanda kahit pa hindi mo na ako maalala.




Midnight Thoughts (Prose And Poetry)Where stories live. Discover now