Pangarap ( A very Short Story )

1 0 0
                                    


~~~~~~°~~~~~~~

Tingnan mo sila oh, tuwang-tuwa sa pagakapanalo nila.

Sinabi mo pa, nanalo lang akala mo kung sino na, mga bobo naman

hahahahahahahahahahahahahaha

~~~~~~~~~•~~~~~~~~

Malinaw pa sa aking isipan, ang pang mamaliit na dinanas naming ng aking mga kaklse noong kami ay nasa senior high. Ang pag-trato nila sa amin bilang worst section sa aming batch at pinaka iresponsableng mga estudayante ay hinding hindi ko malilimutan.

Jane!

napabalik ako sa aking sarili ng tawagin ako ng aking kaibigan na si Clarisse.

Tulala kana naman, ano na naman bang iniisip mo?

Wala naalala ko lang noong high school tayo, kung paano tayo maliitin ng mga ka batch mates natin. saad ko

Ano ka ba naman kalimutan mo na yun ang mahalaga napatunayan natin na mali sila, na hindi patapon ang mga buhay natin at may mararating tayo. sagot naman ni Clarisse habang matamis ang ngiti na nag papahiwatig na matagumpay na ang narating namin

Tama ka , by the way nasan na ba sila Joan malelate na tayo sa kasal. usal ko hanbang palinga - linga at hinahanap ang iba naming kasama

Oy! Ano pang ginagawa nyo dyang dalawa tara na male-late na tayo saad ng kararating lang na si Joan.

wow Joan ikaw kayo itong late

sorry naman ha, nag close pa kasi ako ng deal sa bago kong business partner, and by the way pumunta kayo sa opening ng bago kong business ha! masayang balita nya

Syempre naman, hindi kami pwedeng mawala dun! Pag sagot naman ni Clarisse

oo nga at hindi din tayo pwedeng mawala sa kasal kaya bilisan na natin putol ko sa usapan nila

beep,beep busina ng saksayang papalapit sa amin.

bakit ba ang tagal nyo lumabas, tara na sambit ng may ari na sasakyan si Kobi, na ngayon ay isa ng Engineer kasama nya si Niel na nasa passenger seat. Si Markniel, kung talino ang pag- uusapan, oo walang duda na sya na yun.


Sayang talino mo, bigay mo nalang sa akin sabi sa kanya ng isa sa mga kaklase ko,

paano ba naman, may klase tulog, pasahan ng project walang project, matino pa ba sya. Pero nakakatuwa dahil hindi nya tuluyang sinayang ang talino nya, dahil ngayon isa sya sa pinaka in demand na engineer sa bansa.

Sumakay na kami sa sasakyan at nag tungo na sa aming destinasyon. Katabi ko si Clarisse sa upuan at doon ay naalala ko ang aming kabataan.

Si Clarisse na nooy pinka kikay sa aming mag kakaibigan, kilay doon, kilay ditto kilay is life ika nga nya, ngunit ngayon hindi na lang sya taga make ng barkada dahil isa na syang sikat na make-up artist sa bansa.

Midnight Thoughts (Prose And Poetry)Where stories live. Discover now