Ang mabuhay sa dilim
Ay sadyang nakakatakot kung iyong titignan
Ngunit ang mabuhay sa katahimikan
Ay mas nakakatakot pakinggan
Mag masid at iyong mararating
Liwanag na nais makamit
Making at iyong maririnig
Katahimikan nananaig
Katahimikan nakakatakot pakinggan
Pakiramdam na Hindi mapigilan
Nag ngangaling humiyaw, sumigaw, at sabihin
Katahimikan nais basagin at tapusin
Ngunit sa oras na magsalita
Mga tenga di maabot mata
Boses nawala ng kusa
Dahil sa mga taong mapanghusga
Katahimikan nais basagin
B
oses na may nais iparating
Tengang nag iwas upang walang madinig
Taong walang pakialam kundi magpakabingi
Kaya minarapat na lamang
Bibig ay isara ng mainam
Ni katiting na boses di makalabas
Katahimikan nais iparamdam
Walang katapusang katahimikan
Sa mundong puno ng kasakiman
Katahimikang walang nais bumasag
Katahimikang nag pahamak sa sanlibutan
YOU ARE READING
Midnight Thoughts (Prose And Poetry)
PuisiA life that is written For every letter that is given There's a corresponding pain And a Heart that is broken. ------ I will now share a life that once mine A life of my past As how it struggles in time ------ makatangstupida
