CHAPTER TWO

41 6 0
                                    

Alli's POV

Naiinis akong bumangon nang magising ako dahil sa malakas na tugtog sa baba

Putek! Nadia ...

Mas nainis ako nang pagbangon ko ay nakita kong 5:59 a.m pa lang ang oras sa wall clock

>_< Nice..

Nag-inat inat ako ng kaunti bago naupo sa tabi ng bintana.Dumungaw ako at marahang nilanghap ang sariwang simoy ng hangin sa labas

Kapansin-pansing maaga pa dahil medyo madilim pa ang langit.Pero sa kabilang banda parang pa-ulan din kasi

Dali-dali akong nag-toothbrush at naghilamos bago bumaba

O,gising ka na?Nagulat na tanong sa akin ni Nadia.

Hindi ba halata? Naiirita kong sagot.OMG!!! Hala! Don't tell me nagising ka dahil sa tugtog ko.....Tch! Sorry,Alli.Nagulat niyang sabi na ikina-gulat ko din dahil ang lakas ng boses niya at may patakip-takip pa siyang nalalaman sa bibig

Gutom ka na ba? Anong gusto mong lutuin ko? Tanong niya bigla.Anything.Tipid kong sagot bago maupo sa sofa

Nakakunot ang noo niya nang iabot niya sa akin ang isang tasang kape

Anything?? Tanong niya.Anything,kahit ano,ikaw ang bahalaPaliwanag ko sabay simsim ng kape

Ahh....yung anything ba na 'yan gusto mong may Ketchup o Mang Tomas? Magluluto din ba ako ng fried rice para maging ka-partner niyang anything? At saka,lutong-luto ba 'yang anything na 'yan o sakto lang? Sunod-sunod niyang tanong

P*ta!

Kamuntik ko pang maibuga yung hinigop kong kape nang marinig ko ang lahat ng tanong niya

Seryoso akong tumingin sa kaniya nang walang sinasabing kahit na ano

Ah....hahehehe...Jowk lang,Alli.Hindi ka naman mabiro.Sige na,diyan ka na, magluluto na lang ako

Matapos niyang sabihin 'yon ay kumaripas siya ng takbo papuntang kusina.Napa-iling na lang ako

Tumayo ako saglit para buksan yung TV bago muling naupo.Pero limang minuto pa lang yata ang nakakalipas ay pinatay ko agad yung TV

Ang boring nung mga palabas.....mas boring pa sa buhay ko

Nga pala,nag-text kagabi sa akin si Alex.Tinatanong niya kung nag-enroll na tayo.Litanya ni Nadia habang kumakain kami.O,anong sabi mo? Tanong ko.Ang sabi ko,oo, nag-enroll na tayo at saka sinabi ko na rin pala sa kaniya kung saan tayo mag-aaral.Nakangiting sagot niya bago sumandok ng pagkain at astang isusubo ito

Nadia!! Sigaw ko at literal na nahulog yung kutsara niya na may lamang pagkain bago pa man niya ito maisubo sa bibig.Nagulat siya

Tatawa sana ako kaso mas nangingibabaw yung inis ko

B-Bakit??Nauutal niyang tanong.Talagang sinabi mo sa kaniya!?? Pasigaw na tanong ko.Oo nga,bakit ba? Ang O.A mo ,ha.Tanong niya.Napa-awang ang bibig ko

WALA.Kumain ka na lang.Pigil inis na sagot ko

Pagkatapos kumain ay gumayak na kami papasok sa trabaho

An everyday routine of our life but not until tomorrow.Because starting tomorrow may pasok na kami sa school

Pagkatapos ng napaka-haba at nakakapagod na araw sa pagtatrabaho ay oras na para magpahinga

Sa wakas!

Pagka-uwi ng bahay ay deretso agad ako sa taas,sa kwarto ko.Hindi na ako nag-abalang kumain dahil busog pa naman ako

Pakiramdam ko ay langit nang makahiga ako sa kama.Nakakapagod mabuhay na mahirap ka.Ang hirap maging mahirap

Alli!!

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

Tss,kung kailan namang patulog na,eh!

O, bakit? Naiinis na tanong ko matapos pagbuksan ng pinto si Nadia.Si Alex,kanina ka pa hanap neto.Sagot niya sabay abot sa akin ng cellphone niya

Kinuha ko ang cellphone at tinitigan ang naka-flash na pangalan ni Alex.Tinamad ako bigla na pindutin yung green button kaya yung red button na end call yung pinindot ko

Alli.Sita ni Nadia.Tiningnan ko siya sabay abot sa kaniya nung cellphone.Hayaan mo siya.Matulog Ka na dahil may pasok na tayo bukas.Saad ko

P-Pero...Pag-alma niya.Kapag tumawag ulit,'wag mong sagutin.Matulog ka na.Utos ko sabay sara ng pinto




Stranger_Ada

OUT OF THE BLUEWhere stories live. Discover now