CHAPTER SEVENTEEN

29 3 2
                                    

Alli's POV

OMG!! Alli!!

Sigaw ni Nadia. Nilingon ko siya at nakitang tumatakbo na silang lahat palapit sa akin

Jusko! Sino 'yong mga 'yon??

Tarantang tanong ni Nadia habang pinupunasan ako gamit ang panyo niya. Para namang may maitutulong ang ginagawa niya, eh basang-basa ako dahil sa mga walang-hiyang estudyanteng jyon na binuhusan ako ng tubig

Ang sosyal nga,eh. Tig-iisang bote sila ng miner water na binuhos sa akin

Mga hayup!

Anong nangyari!? Humahangos na tanong ni Meg na galing sa pagtakbo. Hinawakan niya ako sa braso at tiningnan sa mukha. Naghihintay ng sagot mula sa akin

Tapos ka nang mag C.R? Puwedeng tara na? Late na tayo. Tanong ko

Gusto kong manahimik na lang muna. Sinusubukan ko kasing kontrolin ang galit na gustong-gusto nang sumabog sa loob ko

Alam mo 'yong nananahimik ka lang naman tapos gaganitohin ka

Nakaka-g*go lang

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Meg at nagsimula nang maglakad

Alli!!

Alli!

Wait lang,Alli!!

Rinig kong sigaw nila . Tinatawag at pinapahinto ako sa paglalakad

Alli,ano ba!? Wait lang sabi,eh. Singhal sa akin ni Nadia nang maabutan niya ako sa paglalakad. Bakit ba,ha!? Halos pasigaw na tanong ko

Anong bakit ba, ha ?? Sabihin mo nga, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Tabong niya havang nakapameywang sa harapan ko

Nadia, pwede ba...Wala akong hindi sinasabi, okay!? kaya tumigil ka!

Anong wala ? Eh, bakit parang umiiwas ka!?

Tumigil ka! Hindi ako umiiwas

Hindi! Hindi ako naniniwala... Don't me,Alli,kilala kita

Nadia, ano ba !!?

Sabihin mo na kasi!

Oo na, oo na... Kahapon pagpasok sasakyan na muntik makasagasa sa akin. Ang bibilis mag-drive,akala mo nasa karera,eh pare-pareho kaming nasa loob ng school. Ako galing ng parking at sila papasok ng parking

Mga siraulo!

At mukhang nananadya talaga ang buwiset na tadhana kahapon

Habang naglalakad, hindi sinasadyang may nabangga at natapakan ako. Hulaan mo kung sino. Well, isa lang naman do'n sa tatlong lalaking muntik nang makasagasa sa akin

Nagso-sorry na ako,eh. Nagsasalita na ako pero ang g*go, tinulak ako

Nag-away kami. Minura ko siya. Nilayasan niya ako bigla kaya binato ko siya sa ulo ng papel

Nag-away ulit kami at sinapak ko siya

Pero ang galing dahil nagkamali ako nang akalain kong hanggang do'n na lang 'yon

OUT OF THE BLUEWhere stories live. Discover now