CHAPTER THIRTEEN

41 4 1
                                    

Nadia's  POV

Alas-nuwebe na ng gabi at bising-busy ako sa pagpili ng damit na susuotin ko para bukas

Jusko! Nahalungkat ko na lahat ng laman ng closet ko pero hindi pa rin ako makapag-decide sa kung ano ba talaga ang susuotin ko para bukas.But I already have top 3 Hehe....

Anyway. hindi na nga pala ako takot. Matapang naman ako,noh. Sadyang nasobrahan lang talaga yung movie na napili ko kanina.

At.... naiinis ako kay Alli. Sobrang lakas ng trip niya, eh. Tuwang-tuwa siya sa pananakot sa akin pero ganoon pa man, masaya ako

Masaya akong napatawa ko siya. Matagal-tagal na rin kasi nung huling beses ko siyang narinig na tumawa ng kasing lakas tulad ng kanina

Medyo nakakalungkot lang...

Sana dumating ang araw na makita ko na ulit yung matatamis niyang ngiti

Yung mga ngiti niya dati

Alli's POV

Rise and Shine,Pilipinas!!

Malakas na usal ni Nadia na nadidinig kong nagsasalita mag-isa sa loob ng kwarto niya. Kumatok ako

Good morning,Alli.Nakangiting bati niya sa akin matapos akong pagbuksan ng pinto. 5:12 na,bumaba ka na.Tulog pa ang mga kapit-bahay,walang may pake sa Rise and Shine,Rise and Shine Pilipinas mo. Saad ko at tinalikuran na siya

Pagbaba ay nagtungo agad ako sa kusina at nagpakulo ng tubig. Pagkatapos ay naupo ako sa couch at naghintay

Sakto namang pagbaba ni Nadia ay kumukulo narin ang tubig.O,nakapag-init ka na agad ng tubig? Tanong niya sa akin habang nagtatali ng buhok. Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla na rin kita. Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya bago sumagot. Sige ba.Haha...Bago 'to,ah.Ipagtitimpla ako ng kape ng nag-iisang Alli. Tatawa-tawa niyang sagot. Umarko ang kilay ko. Nagbago na ang isip ko,ikaw na lang ang magtimpla ng kape mo

Luhh.....Alli,naman,eh.Joke lang kasi. Parang batang pagmamaktol niya matapos marinig ang sinabi ko. Hindi ko siya pinansin at talagang tinotoo ko ang sinabi ko

Nagtimpla ako ng kape pero pang-akin lang

^_^

Anong gusto mong ulam? Tanong ni Nadia na nagka-kalkal ng kung ano ra ref. Ikaw ang bahala. Sagot ko. Ayan ka na naman sa sagot mo,eh. Reklamo niya. Sinamaan ko siya ng tingin

Ang dami mong sinasabi,Nadia. Pagtataray ko.She pout

Itlog na maalat na nga lang.With onion, tomatoes and sili. Bubulong-bulong niyang saad. Nakita kong umirap siya

Naglakad ako palabas ng bahay. Naupo ako sa tabi ng pintuan at nagsindi ng yosi

Nang maubos ko ang yosi kasabay ng kape ay tumayo na ako at bumalik sa loob. Sakto namang naghahain na si Nadia

Nakakainis ka,Alli,talagang 'di mo 'ko pinagtimpla ng kape. Reklamo niya bago maupo. May kamay ka naman 'di ba. Nakangisi kong saad bago sumandok ng kanin. She frown so I laugh

Matapos kumain ay inako ni Nadia ang paghuhugas ng plato. Hinayaan ko siya. Umakyat ako sa itaas at naligo na

Paglabas ko ng banyo matapos maligo ay hindi muna ako nagbihis. Nakasuot naman ako ng robe kaya ayos lang

Naupo ako sa kama katabi ng side table ko at ibinaling ang atensiyon sa nag-iisang picture frame na nakapatong sa ibabaw nito

It's a family picture

OUT OF THE BLUEWhere stories live. Discover now