CHAPTER EIGHT

30 6 0
                                    

Nadia's POV

Hwaahh!!

I hate it! Bakit naman kasi nagkasakit pa ako

Hwahh! Gusto ko nang pumasok sa school...

Bored na bored na bored na bored ako sa bahay kaya lumabas ako para maglakad - lakad ng kaunti hanggang sa hindi ko namalayang nasa wet market na ako

Pero tutal nasa palengke na rin naman ako ay minabuti ko nang mamalengke ng mga kulang sa bahay at kung anong pwedeng lutuin para sa hapunan

Nakakasuka na kaya yung cup noodles, mag-hapon ko na kaya 'yong kinakain

Pagka-uwing pagka-uwi ko ng bahay ay niluto ko agad yung ulam na napamili ko. Pagkatapos ay kumain na rin ako

Matapos kong kumain ay uminom ulit ako ng gamot para makasigurado baka kasi biglang bumalik yung lagnat ko

Alli's POV

P*tcha! Daig ko pa ang virus kung iwasan ng mga estudyanteng nakakasalubong ko

Ano bang problema nila??

Habang naglalakad ay awtomatikong parang red sea na nahahati sa gitna ang kumpulan ng mga taong nakakasalubong ko na siyang dahilan para magkaroon ako ng daan sa gitna

And at the same time ay parang pinapatay ako ng mga tingin nila. Nakakairita rin yung bulungan nila

Buwiset!

Room 305.... Room 305....

Putek! Nasaan na ba kasi 'yang room 305 na 'yan!?

Male late na ako ieh...

Parang kanina lang 6:05 a.m pa lang pero ngayon 7:03 a.m na.3 minutes na akong late sa first sub

Kanina pa ako sa kakahanap sa pisting room 305 na 'yan

Takte! Kapag mali talaga yung ibinigay ni Nadia na description at direction ng bwiset na room 305 na 'yan ay mayayari talaga siya sa akin mamaya

Unti-unting nawala sa paligid yung mga estudyante. Marahil ay nagsi-pasok na sila sa mga klase nila

Mabuti na rin yon para wala nang mga epal sa landas ko habang naghahanap pa rin ako ng room 305 na hindi ko alam kung meron nga ba talaga....

Nabuhayan naman ako ng loob nang mabasa ko ang word na "Room 302" sa harapan ko

Mukhang makikita ko na sa wakas ang pisting room 305 na kanina ko pa hinahanap

Halos takbuhin ko ang pasilyo ng third flor para long makapunta na sa room 305 na 'yan....at ayun na nga

BLLAGG!!

Nadapa ako dahil sa sobrang pagmamadali

Putang*na talaga!

Napaka-panget ng umagang 'to at napaka-malas pa,siguro may balat sa puwet yung batang nakaaway ko kanina

Tch!

Nagmamadali akong tumayo sabay takbo papuntang room 305,wala akong pake kung may nakakita sa nangyari basta isa lang ang alam ko...late na late na ako

Hindi ko na ininda ang pagkaka-dapa ko tutal hindi naman masakit at wala rin naman akong pakialam

Hindi ako ganoon kahina noh...

Nang makarating ako sa room 305 ay dere-deretso akong pumasok sa loob. Naupo ako sa isa sa mga bakanteng upuan sa likurang bahagi ng classroom

Nang makaupo ay saka ko lang napansin na nakatingin pala sa akin ang lahat.

OUT OF THE BLUEWhere stories live. Discover now