CHAPTER THREE

30 6 2
                                    

Alli's POV

Yung nakakatamad pumasok...... Haisst...

Nadia!!Hoy!Ano ba? Wala ka bang balak sa buhay,ha!??Paulit-ulit na sigaw ko mula sa labas ng kwarto ni Nadia.Dati-rati naman maaga siyang magising at nag-iingay na sa baba.

>⁠.⁠< Nakakainis na,ha

Maya-maya'y dahan-dahang bumukas ang pinto at iniluwal si Nadia na mukhang.....ginahasa

O_o

Yung magulo at tayo-tayo niyang mga buhok lalo na yung damit niyang wala na sa ayos ay punagmukha siyang ginahasa

Tch!

Ano bang nangyayari sa'yo?Ang tagal mong magising. Tanong ko sabay pubdot sa switch ng ilaw ng kwarto niya.Pagkatapos ay dere-deretso akong pumasok sa loob

Ayusin mo nga ang damit mo.Asik ko pero hindi man lang siya nag-react.Nakatayo lang siya na parang sabog

Nainis ako kaya ako na ang kumilos.Inangat ko ang manggas
ng suot niyang pantulog.At dahil do'n ay hindi ko sinadsayang mahawakan ang balat niya.Nagulat ako

Ang init niya....

Teka,may sakit ka ba?! Medyo natarantang tanong ko.E-Ewan ko.Matamlay niyang sagot.Pinaupo ko siya sa isang silya

Hinawakan ko siya sa leeg at pinakiramdamang mabuti.Ang init niya talaga.Paniguradong may lagnat siya.At sa tantiya ko,mga nasa above 37.7° celsius ang temperatura niya

May thermometer ka di'ba?Saan 'yon nakalagayTanong ko.Doon,sa unang drawer.Turo niya sa puting side table na katabi ng kama niya

Matapos kunin yung thermometer ay ginamit ko agad ito sa kaniya.At 37.9° celsius ang resulta

Ang galing ko talagang tumantiya ,Tss

O,ayan.Nilalagnat ka.Naku,Nadia.Sermon ko.O,sa'n ka pupunta!?Tanong ko nang bigla siyang tumayo.Sa C.R.Maliligo.May pasok tayo hindi ba? Mangiyak-ngiyak na sagot niya

Luhh...

Sira ka ba!? Eh,nilalagnat ka nga di'ba? Galit kong sabi sabay lapit sa kaniya.Inalalayan ko siyang mahiga sa kama

'Wag ka munang pumasok kung gusto mo pang mabuhay.Mahinahong suhestiyon ko habang kinukumutan siya.At hindi na rin muna ako papasok,kailangang mayroong magbantay sa'yo.Dugtong ko

H-Hah? Eh,first day ngayon di'ba? Pag-alma niya.O,tapos? Inosenteng tanong ko.Hindi siya sumagot

Sige,papasok ako.Mag-isa ka dito,ha.Saad ko bago siya talikuran.Palabas na sana ako ng pinto nang bigla siyang magsalita

Alli....huwag ka munang pumasok,please? Samahan mo ako.Nanghihina niyang sabi.I gave her a simple nod

Pagbaba ko ay naghanap ako ng puwedeng ipakain sa kaniya.At dahil sa hindi ako marunong magluto ay yung cup noodles na lang ang napili ko.

Easy...Teka,ano nga ulit ang nilalagay do'n?

Pagkatapos kong lagyan ng mainit na tubig yung cup noodles ay iniakyat ko agad ito kay Nadia para makakain na siya

Dinalahan ko rin siya ng isang pitsel ng tubig at mga gamot

***

Nagising ako sa pagkakatulog nang may maramdaman akong gumalaw

Naka-idlip pala ako sa pagbabantay kay Nadia

Napahawak ako bigla sa leeg ko.Ang sakit.Mali kasi yung pwesto ko.Nakatulog akong nakasandal lang sa kama ni Nadia

Tch! Nagka-stiff neck pa yata ako,ah...

Dad, I'm sorry.... Hindi ko po sinasadya....

I promise mag-aaral na po akong mabuti ..just don't take Alli away from me,Dad...

She's my best---

Napatitig ako bigla kay Nadia nang bigla siyang magsalita.Nananaginip siya

Parang kinurot ang puso ko nang may luhang tumulo mula sa mga mata niyang nakapikit

Everyone knows Nadia for being sweet,bubbly, funny,and happy person but I know one thing about her that maybe only few knows.Her smile often masked the vulnerability that lay just beneath the surface

Hindi ko maisip kung bakit nakaka-ngiti pa rin siya sa akin nang napaka-tamis at pinili niya pa rin akong samahan kahit sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya

She suffered a lot 2 years ago.And I'm the freaking reason...

She failed her studies because of me.Hindi niya na dapat ako nakilala..I almost ruined her whole life

She may be not lucky for having me but I'm so lucky to have her

She's my friend.A best friend I guess..

She defend me from her Dad that night....'Yong araw na 'yon hanggang gabi ay maituturing kong isa sa pinakamasakit at hinding-hindi ko makakalimutang araw ng buhay ko

Parang isinumpa ako that day at dahil sa parte na si Nadia ng buhay ko sa pagiging magkaibigan namin,nadamay siya sa kamalasan ko

That day .....nalaman naming pareho pala kaming hindi makaka-move to another grade level because of me...

P*ta, broken hearted na nga,bumagsak pa ako at dinamay ko pa ang kaibigan ko


Stranger_Ada

OUT OF THE BLUEWhere stories live. Discover now