4

60 7 0
                                    

"Come on Akaiana Dean, you can do this"

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Kai pagkatapos niyang pabulong na pinakalma ang sarili. Inayos niya ang pagkakahawak sa pagkaing dala bago kumatok sa pintuan. Pagkatapos ng dalawang pagkatok ay agad bumukas ang pinto ng unit at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Vivian.

Hindi na nagulat ang nakatatandang pinsan ni Rebecca nang makita si Kai dahil araw-araw itong pumupunta sa unit niya para maghatid ng pagkain- at hanapin ang pinsan niya. Kahit hindi ito nagtatanong ay alam niyang pumupunta si Kai doon para makita si Rebecca.

Kai was confused when Vivian did not say a word and just gave her a smile. Parati siya nitong binabati gamit ang masiglang boses kapag binubuksan nito ang pinto kaya nagtataka siya dahil nakangiti lang ito ngayon. Lalo siyang nagtaka ng bigla siya nitong hinila ng mabilis papasok sa kusina.

"Rebecca Jane, look who's here!"

Bumilis ang pagtikbok ng puso ni Kai at tila napako siya sa kinatatayuan nang lumingon ang babaeng dalawang linggo niya nang hindi nakikita. Nagtama ang mga mata nila at tinitigan siya nito ng walang emosyon. Parang wala lang dito ang presensya niya na kabaliktaran naman sa kanyang nararamdaman. Dalawang linggo niyang hindi nakita ang babae. After she asked her for a date that day, she never saw her again. Naghintay siyang matapos ang tennis practice nito at siguro sa mga panahong kausap niya ang kaibigan niyang si Lualhati ay saka ito umalis ng hindi niya namamalayan.

The girl disappeared. She heard nothing about Rebecca, haven't seen her in school and her cousin's apartment. Araw-araw ay nagdadasal si Kai na sana sa pagkatok niya sa pintuan ni Vivian ay masisilayan niya ulit si Rebecca. She never bothered to ask the girl's cousins as well, kahit pa nakikita niya sina Zandro paminsan-minsan sa unit ni Vivian. She felt like she's not in the right place to ask.

And finally after two weeks, here she is. Still beautiful but she seems pale, cold and distant now.

"Good morning"

Kahit nararamdaman niya ang pagiging malamig nito ay hindi natinag si Kai at nginitian ito pagkatapos batiin, sapat nang makita niya ulit ang taong hinahangaan.

"Ganyan talaga yan, grumpy sa umaga" bulong sa kanya ni Vivian pero alam niyang narinig ito ng babaeng kumakain sa hapag dahil tumigil ito sandali bago muling bumalik sa pagkain "Iiwan ko muna kayo, aalis pa kami ng ate Alison mo Kai. Rebecca, please be nice!"

Hindi sumagot si Rebecca at patuloy lang sa pagkain. Umalis naman sa tabi ni Kai si Vivian at narinig niya ang pagsarado ng pinto, hudyat na nakalabas na ito ng unit. Pinakiramdaman ni Kai ang paligid, wala siyang ibang naririnig sa loob kaya marahil ay wala ang mga lalaking pinsan nina Rebecca.

Kai sat in front of the blonde girl who's not looking at her. Nagpatuloy lang ito sa pagkain na parang walang ibang taong kasama. Maingat na nilapag ni Kai sa mesa ang pagkaing dala. Pakiramdam niya ay maiistorbo niya ang babaeng kaharap kung gagawa siya ng ingay.

It's like she's walking on eggshells. One wrong move and Rebecca will snap.

Tumikhim siya at nag-ipon ng lakas bago nagsalita.

"Do you want adobo?"

Kai softly asked. She also wanted to point out that Rebecca lost weight but she stopped herself. The girl might get mad or offended. Ayaw niya ring isipin nitong bina-body shame niya ito. Saka sa tingin niya ang pagiging payat ni Rebecca ay hindi sa kagustuhan nito, parang pumayat ito dahil sa sakit.

Nagkasakit ba siya sa loob ng dalawang linggong hindi ko siya nakita?

"I'm good"

Napatigil si Kai sa pag-iisip nang sumagot ito. Kahit nangangayayat ay maganda pa rin ito. She suddenly remembered how she missed the girl. Napagsabihan pa nga siya ng ate Alison niya na huwag parating nagpupunta sa unit Vivian at baka maistorbo ito. She can't help it, she wanted to see this girl and talk to her again. Kaya matigas ang ulo niyang binalewala ang sinabi ng kapatid at nagpatuloy sa pagpunta sa unit ni Vivian.

MAROONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon