7

52 3 0
                                    

"Hey, you! You have a lot of explaining to do!"

Tumawa ng mahina si Kai. Iyan agad ang sabay-sabay na bungad ng tatlo niyang kaibigan pagkababa niya sa kanyang sasakyan sa parking lot ng University nila.

"Do not laugh at us, Akaiana Dean"

Her friend, Sandra, annoyingly said. Puno ng pagkairita ang mukha nito dahil sa pagtawa niya. Even though Kai is introverted, she was able to connect with these three outgoing girls after she started her studies in Manila. All four of them are enrolled in the Fine Arts program. Hindi nga malaman ni Kai ang dahilan kung bakit sila naging magkaibigan gayong malayo naman ang pag-uugali niya sa mga ito.

Probably because she knew they were the friends that she needed. The ones she can always count on.

"Masyado pang maaga para mag ingay kayo, girls"

"Bebe Kai, iyong mga marites naming kapitbahay ay ganitong oras din nagchi-chismis sa labas kaya tamang oras lang ito para magmarites kami"

Lue pointed out, justifying their behavior. Tumango-tango naman si Ali na nasa tabi nito bilang pagsang-ayon. Ali short for Alejandro. Alam niyo na kung bakit.

"Friend, lovelife mo ang nakataya rito. Kaya mag ispluk ka na"

Bago pa man siya magsalita ay naagaw na ang atensyon nila dahil sa motor na papasok sa parking lot. It's a motorbike and Kai surely knows whose bike is that. Tumigil ito sa paradahan ng mga motorsiklo na nasa kabilang banda ng kalsadang kinatatayuan nila.

Nang mamatay ang makina ay bumaba ng dahan-dahan ang driver nito. When she took her helmet off, Kai felt butterflies in her stomach. Parang nagslow-mo na naman ang paligid dahil sa babaeng laging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.

Despite the ruggedness of her attire, there was grace in the way Rebecca moved. Her leather jacket hugged her frame snuggly while she wore a black shirt beneath it. Her lower half was shielded by faded denim jeans, and she was wearing a pair of Nike Air Force 1.

Halos malaglag na naman ang puso ni Kai habang nakikita niya itong nagsusuklay ng magulong buhok gamit ang mga daliri.

"Hulog na hulog ka na, friend"

Mahinang bulong ni Cassandra sa kanya. Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lang ang pagtitig sa babaeng hinahangaan niya. When it comes to getting her attention, Rebecca is unparalleled. Handang-handa siyang ibigay ang atensyon niya rito ng buong-buo.

"It's too early for you to drift off, Romualdez"

Natigil siya sa pagkakatulala nang maramdaman ang pagsiko ni Ali.

"Friend kanina ka pa tinatawag, minsan nakakahiya ka na maging kaibigan. Masyado kang halata, bading"

Mahina niya itong kinurot dahil sa binulong nito. Kanina pa pala nasa harapan nila si Rebecca at kinakausap siya.

"S-sorry. Ano nga ulit yun?"

"I was asking if you had breakfast already?"

Malamig na tugon nito. Rebecca is talking to her as if no one exist around them, not even her friends. Sa kanya lang nakatuon ang mga mata nito. Her intense gaze compels Kai's knees to weaken.

"I-I was thinking of having breakfast with my friends"

"So you haven't had breakfast yet? Yes or no?"

Lalong nanginig ang mga tuhod niya dahil sa tono nito. Rebecca's tone suggests she's on the verge of getting pissed.

Ang ikli talaga ng pasensya Lord, pero mamahalin, aalagaan at pasasayahin pa rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAROONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon