6

43 4 0
                                    

Nang magising si Kai ay agad niyang tiningnan ang oras sa cellphone.

"4AM, tamang-tama lang"

Bumangon siya at agad nagtungo sa banyo pagkatapos ayusin ang higaan. She took a bath and freshen up for 30 minutes. Nang matapos ay agad niyang inayos ang bag at mga gamit na dadalhin. It's Sunday and their first day in La Union so she wants to make the best out of it.

Pagkatapos masigurado na okay na ang mga dadalhin ay agad niyang nilapitan si Rebecca na natutulog sa kabilang kama. Sharing a room with her was not an issue for Kai. Nagulat lang siya nang bigla-bigla itong sumisigaw dahil binabangungot. She woke up twice in the middle of her sleep because of that. Ni hindi ito nagigising kaya nilalapitan niya nalang at hinahaplos ang buhok nito para kumalma, kahit nagdadalawang-isip siya dahil wala siyang pahintulot na hawakan ito.

She was feeling sad for the girl. Pagkatapos nitong aminin ang rason kung bakit ito nawala ng ilang linggo ay lalong umigting ang kagustuhan niyang mapalapit dito. She wants to take care of the girl.

She wants her to be happy, genuinely happy.

"Rebecca, hey, wake up"

She gently shook her. Marahan lang ang pagkakahawak niya sa braso nito dahil ayaw niyang magalit ito. As much as possible, she wants to respect Rebecca's space.

Hindi ito mahirap gisingin kahit pa napakalalim ng tulog nito buong gabi, pagkatapos ng ilang pagtawag ni Kai ay dahan-dahan na nitong ibinukas ang mga mata.

Napakaganda.

Kai whispered inside her mind. Hindi talaga siya magsasawang sabihing maganda ito.

"W-what time is it?"

Tanong nito habang kinakapa ang cellphone sa ilalim ng unan.

"4:45, sorry for waking you up this early. We need to go somewhere"

Dahan-dahan na bumangon si Rebecca mula sa pagkakahiga. She's fixing her hair using her fingers and Kai did not know what to do because of that. Masyado itong sexy sa ginagawa kaya iniwas niya ang tingin.

"Mamaya pang 7AM ang plano kong mag surf, napakaaga pa Kai"

"I-I know, but we'll go somewhere. Pwede bang mamayang hapon ka nalang mag surf? Pwede pa naman di ba? Promise sasamahan kita"

Itinuon niya na ang atensyon sa mga kamay na nasa hita niya habang nakaupo siya sa kama niya. She's silently wishing that the girl will agree. Ayaw niyang masayang ang inihanda niya.

"Okay fine. Just make sure it'll be worth it"

Nagliwanag ang mukha ni Kai dahil sa sinabi nito kaya agad niyang inangat ang paningin at binigyan ito ng napakalapad na ngiti. She's feeling giddy.

"I swear it'll be worth it"

Itinaas niya pa ang kanang kamay na tila nangangako. Tumayo na si Rebecca at kinuha ang towel at nagtungo sa banyo. Rebecca took a bath for almost 30 minutes.

Lumabas ito ng nakarobe lang kaya bigla na namang nagwala ang sistema ni Kai. Agad niyang inalis ang atensyon dito at kaagad nagpunta sa bintana para kunwari ay tumitingin siya sa dagat kahit ang totoo ay pinipigilan niya ang pagririgodon ng puso niya.

"What should I wear?"

Tanong ng babaeng kasama.

"Wear something comfortable"

Sagot niya nang hindi ito tinitingnan, buti nga ay napigilan niya pang pumiyok. Nang marinig niya ang muling pagsara ng pinto ng banyo ay napahinga siya ng maluwag.

MAROONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon