Excited na excited ako dahil sa wakas, matutupad na rin ang matagal ko ng pinapangarap.
Walong buwan din namin tong pinaghandaan, pinagpaguran, at pinagkagastusan. Tinutukan ko talaga ito ng mabuti, kahit ang maliliit na detalye hindi ko pinalalagpas. Gusto kong maging perpekto ang lahat. At eto na nga, bukas na mangyayari ang araw na pinakikihintay namin. Ang aming kasal.
Kapag naiisip ko na bukas talaga ang big day namin, napapangiti na lang ako. Sobrang saya pala talaga. Haharap na ko sa altar na ang katabi ko pa ang pinakamamahal kong babae na gusto kong makasama habang buhay. Mahal na mahal ko sya at hindi na ako makapaghintay para bukas.
Umaga noon, umiinom ako ng kape at tinitingnan ko ang wedding invitation namin ng biglang nagtext ang kumpare ko. Pumunta raw ako sa bahay nila mamayang gabi 7pm. Tinanong ko kung bakit, ang sabi naman nya, gusto lang naman daw nila na makainuman ako sa huling araw ng pagiging binata ko. Natawa na lang ako sa reply nya.
Pumayag naman ako, dahil bihira lang naman mangyari na mabubuo ang barkada namin. At bilang pasasalamat na rin sa kanila na andyan sila lagi para sa aming mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Naughty (SPG 18+)
RandomWhat happens in a stag party before the most awaited wedding?