Dali-dali akong naligo sa amin. Habang naliligo ako, naiisip ko ang mga pwedeng mangyari pag nalaman to ni Sara. Ang laki kong gago. Hindi ko pinigilan ang sarili ko sa tukso. Hindi ko man lang inisip na baka pag nalaman to ni Sara ay masaktan sya at magalit sa akin. Nakalimutan ko ang pangako namin sa isa't isa na malinis kaming haharap sa altar. Lahat ng pagpipigil ko at pagpipigil namin sa loob ng limang taon, nabalewala dahil lang sa isang gabing mapusok. Ang tanga ko. Hindi ako tumupad sa pangako.
Hindi ko alam kung anong muka ang ihaharap ko sa kanya o kung may muka pa ba kong ihaharap. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nangyari dahil paniguradong masasaktan at magagalit yon sa akin. Baka hindi pa matuloy ang kasal. Hindi ko kakayanin kapag hiniwalayan nya ko. Sya na ang buhay ko. Sa kanya na umiiko ang mundo ko. Hindi ko kaya ng wala sya. Hindi ko kaya.
Matapos kong maligo. Nagbihis na ko. Tumingin ako sa salamin. Halata sa aking mga mata na wala pa rin akong tulog buhat kagabi dahil marami akong iniisip. Hindi ako pinapatulog ng konsensya ko.
"Deserving ba ko para sa damit na to?" Tanong ko sa aking sarili. Alam kong kakapalan na lang ng muka kapag pumunta pa ko sa garden wedding namin pero nagpunta pa rin ako. Wala e. Mahal ko sya.
BINABASA MO ANG
Naughty (SPG 18+)
RandomWhat happens in a stag party before the most awaited wedding?