"You may now kiss the bride." Nakangiting sabi ng pari matapos ang wedding ceremony. Tumingin ako sa babaeng kaharap ko. Di ako makapaniwala na asawa ko na ang pinakamamahal ko. Sa wakas, naabot ko na ang pinapangarap ko. "Kiss! Kiss!" Sigaw ng mga bisita namin kaya naman iniangat ko na ang kanyang belo, at hinalikan ko sya. Ang saya dahil mula ngayon, magkasama na kaming maglalakbay sa buhay. Magkasama na naming haharapin ang mga pagsubok na darating.
Lubos akong nagpapasalamat dahil binigyan pa rin nya ko ng second chance. "Pinapangako ko na sisikapin kong hindi na muling magkasala sayo dahil kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako." Bulong ko sa kanya. "Siguraduhin mo lang ha." Natatawang sabi nya. "Oo naman." Sabay kindat ko sa kanya. "Sus. Tara na nga!" Humarap kami sa mga bisita at sila'y nagpalakpakan. Sobrang saya naming lumabas na ng simbahan upang pumunta na kami sa reception.
BINABASA MO ANG
Naughty (SPG 18+)
RandomWhat happens in a stag party before the most awaited wedding?