Tinext ko na si future misis na pupunta lang ako kila pareng Mark. Sabi ko pa, wag syang mag-alala, darating ako bukas ng hindi late dahil panigurado di naman ako makakatulog. Hahahaha!
Reply nya, mag-behave daw ako kung ayaw ko raw mawalan ng bride. Sabi ko naman, syempre naman, takot ko lang di ba?
Wala akong balak magloko at gumawa ng kababalaghan mamaya lalo pa't kasal na namin bukas. Ayokong masayang yung 5 years namin ng dahil lang sa isang gabi.
At tiwala rin naman ako sa mga kumpare ko na walang ihahandang kalokohan yung mga yun. Alam nila kung gaano ako kaseryoso sa magiging misis ko at kung gaano ko ito kamahal. Alam nila yun dahil minsan ko na silang iniwasan dahil medyo di maganda ung impluwensya nila sa akin noon. E para sa magiging misis ko, nagbago ako. Ginawa ko ang lahat. Konting sacrifice lang yun, at naintindihan naman ng mga kabarkada ko. Kaya malaki ang utang na loob ko sa mga kabarkada ko kasi kahit ganun, andyan pa rin sila para sa akin, walang iwanan.
BINABASA MO ANG
Naughty (SPG 18+)
RandomWhat happens in a stag party before the most awaited wedding?