1 hour after

2.3K 1 0
                                    






"Dad wala pa ba?" Kanina pa ko paikot-ikot dito. "Anak, umayos ka nga. Darating yun." Sana nga Dad. Sana nga.








Lumipas ang isang oras. Late na sya. At ang isa pang nakakapagtaka, wala pa yung magkakasal sa amin at yung mga bisita namin. Hindi ko na lang pinansin yun at nag-desisyon akong puntahan si Sara sa bahay nila pero wala sya roon. Tinanong ko naman ang mama nya, sabi raw umiiyak na umalis. Nag-aalala na nga raw sya e.








Pumunta ko sa lugar kung saan lagi syang namamalagi kapag nalulungkot sya. Sa playground, sa likod ng school namin noong High School.







At doon nakita ko ang isang magandang babae sa kanyang white gown na umiiyak. Napansin ko rin na blonde ang kanyang buhok. Bigla tuloy kumabog ang dibdib ko. Naalala ko ang nangyari kagabi. Alam na kaya nya? Siguro alam na nya. At para makabawi ako sa kanya, sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Ayaw na ayaw pa naman nya na nagsisikreto kami sa isa't isa. Para saan pa raw kasi ang isang relasyon kung puro kasinungalingan at sikreto lang.








Nilapitan ko sya at inabutan ng panyo. "I'm sorry." Tumingin sya sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang sakit at galit. "I'm sorry." Kinuha nya yung panyo.





Umupo rin ako sa katabing swing. Patuloy pa rin sya sa pag-iyak. "I'm sorry Sara. Hindi ko sinasadya." Iyak pa rin sya ng iyak. "I'm sorry naging mahina ako." Hindi sya nagsasalita pero alam kong nakikinig sya kaya nagpatuloy lang ako.










"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Alam mong mahal na mahal kita di ba? Pumayag ako makipagkita sa kanila kasi sabi nila inuman lang daw. Tutal minsan lang naman makumpleto ang barkada namin, pinagbigyan ko na. Hindi ko alam na may hinanda pala silang stag party para sa akin at lalong higit na hindi ko alam na may mga babaeng pupunta. Sorry. Alam kong gasgas na tong dahilan na to pero, lalaki lang ako, natutukso. Ang gago ko e. Alam kong ang kapal ng muka ko kung hihingin ko pa rin ang kapatawaran mo ngayon. Pero okay lang sa akin yun, kasi mahal kita. At araw-araw kong pagsisisihan yung kasalanan ko. Patawarin mo lang ako please. Mahal na mahal kita." Tumutulo na ang luha ko. Napakagago ko. "Magsalita ka naman oh. Sampalin mo ko, sabunutan mo ko kung gusto mo."







Tumayo sya at lumapit sa akin. "PUTANGINA MO!" Sabay sampal sa akin. "Sige lang. Ilabas mo yung galit mo. Sampalin mo ko para mabawasan yung bigat ng nararamdaman mo."











"Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita! Alam mo bang tinanggihan ko yung party na alok sa akin ng mga kaibigan ko kasi ayokong mabigo kita? Alam mo ba yun? Tapos ikaw! Putangina mo! Hindi lang stag party ang pinunta mo! Sex party! Gago ka." Iyak pa rin sya ng iyak. Galit na galit. "Sorry. Di ko sinasadya."










"Sorry? Di mo sinasadya? Di mo sinasadyang matusok yang ti** mo sa pu** ng babaeng yun? Di mo sinasadyang magparaos sa lintik na babaeng yun? Hindi ba makapaghintay yang libog mo sa honeymoon natin? Tangina. Ang sakit Earl! Ang sakit dito oh... ang sakit sa dibdib. Kung di pa nadulas sa akin si Migz, magpapakasal ako sa taong kapag di ako kaharap iba ang kalampungan! Sinira mo yung mala-fairytale kong lovelife. Akala ko pa naman ikaw na yung prince charming ko na hindi ako sasaktan. Akala ko mangyayari na yung dream wedding ko. Pero hindi e. Sinira mo! Binigo mo ko! Sinaktan mo ko Earl!"







"I'm sorry. Patawarin mo ko. Ang gago ko e." Niyakap ko na sya. Kung nasasaktan sya, nasasaktan din ako. Doble pa. Triple pa nga kasi kasama pa yung konsensya ko. Hindi ko kayang makitang nasasaktan sya. Nahihirapan din ako.







"OO! Gago ka! Gago ka Earl! Pero mas gago yata ako e, kasi kahit gago ka! Kahit ginago mo ko! Mahal na mahal pa rin kita e! Gaguhan na yata to e."





"Gagawin ko ang lahat, mapatawad mo lang ako. I won't make any promises, but swear di ko na uulitin yun. Please give me another chance. PLEASE."

Naughty (SPG 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon