Chapter 24: Revival

2K 29 2
                                    


Chapter 24: Revival

Naka-upo ako sa swiveling chair ko at hinihintay ang pag-dating ni Elle, sabi niya kasi susunduin niya ako. Napa-hinga nalang ako ng malalim ng maalala ko ang mga nangyari bago kami magkahiwalay.

"Ate Scarlet, tumakbo kana ako na ang bahala dito!" Maraming putukan ng baril ang naririnig ko, at maski ang paligid ay halos hindi mo na makita,dahil sa usok.

It is one hell of a night for me...for us. I glanced at the four men that tried to kill us, when someone just crashed into the house.

Alam ko na si Elle iyun, pero mali ako dahil mukha ni daddy ang nakita ko sa may bintana. His eyes were full of anger and fear, and I know it.

Ibinaling ko muli ang tingin ko kay Deanie na ngayon ay may tama na ng bala sa hita. "No, Hindi kita iiwan dito, kailangan mong sumama sa akin."

Mabilis kong kinuha ang table cloth at itinali sa hita ni Deanie, alam ko na dahil sa akin ito, kung hindi lang sana ako naging padalos-dalos.

"A-aray." Daing niya, inalalayan ko siyang tumayo at nag-lakad kami palabas ng kwarto.

"Diyan, sa may kaliwa, papunta iyan sa likuran." halos pabulong na wika ni Deanie.

I immediately followed her instructions, ng makita namin ang kotse nila Kaiser.

That night, I saw anger in Elle's eyes, he ordered Kaiser to bring Deanie into the nearest hospital, at agad naman itong sinunod ni Kaiser.

Natira lang ako sa likuran nila at hawak-hawak ang isang amulet.

Philho, Benedict, and Francis made their task as usual. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka agresibo, he shoots everyone na makasalubong niya. Samantalang ako, nakatulala at maluha luha sa nakikita ko.

I never wanted to witness a scene like this, kahit nuong sa Siren. I used to hate bullies at sa tingin ko I am hating myself. Dahil matindi pa sa mga bully ang nagawa ko at ginagawa nila.

That scene lasted for about one hour, until police came and syempre kami, ay naka-alis na.

Demion... Bagay sa kaniya ang pangalan niya, dahil para siyang demon. I never knew his purpose, pero alam ko na hindi maganda iyun.

Nasa-loob ako ng sasakyan ni Magenta ng biglang madaanan namin ang kotse na sinakyan ni Deanie.

"Oh my gosh!"Papaanong?

Natauhan ako, ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Magenta na may nakakalokong ngiti sa mukha.

"May sumusundo sayo." Wika niya sabay upo sa may sofa.

"ha?" Ngumuso naman siya sa may pintuan, at pumasok naman si Elle at syempre yung nurse niyang epal.

Napa-irap nalang ako, bakit ba kasi kailangan nakasunod palagi sa kaniya iyang mutchacha niya, eh bulag lang naman si Elle pero wala naman siyang sakit... hindi kaya?

No! What am I thinkin'? Napa-iling nalang ako at nilapitan siya.

"Let's go?" Tanong ni Elle, oh my geez, hindi parin ako makapaniwala na eto, kami, ngayon at ganito.

"Ha? S-saan tayo pupunta?" Fudge, why am I even talking this way.

Naramdaman ko ang pag-hawak ni Magenta sa balikat ko, kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Sige na, samahan mo na iyang lalaki na iyan, ako na ang bahala dito. At baka mamaya ay mapaano pa iyan." bulong niya sa akin at bumalik muli sa sofa.

This Damned LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon