AMONGST THE CROWD Pt.5

388 22 0
                                    

As time goes by, mas naging close kami ni Jema, at mas naging open ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. 

Nakatambay ako sa likod bahay namin at nag mumuni-muni nang maisip kong never ko pa pala naaya si Jema na magkape.

"Nagkakape kaya siya?" tanong ko sa sarili ko

Kaya naman naisip kong ichat si Jema at puntahan siya. Tinanong ko lang kung nasa bahay nila siya, ang turo kasi sakin ni Daddy, kapag may iimbitahan daw, mas okay na imbitahan nang personal.

Maya-maya...

"Tao po! Jissika!" sigaw ko mula sa labas nang bahay nila

"Ay, baka yung Tatay niya yung makadinig, dapat pala ayusin ko, tama tama" sambit kong muli sa aking sarili

"Ehem, ehem... Tao po! Jessica Margarett?? tao po! Tao po ako hehe" pagpapatuloy ko

saglit lamang ay may isang batang paslit ang nagbukas nang gate nila Jema

"Hi! andyan ba si Jessica Margarett?" nakangiting tanong ko sa batang paslit

"Nahiya ka pa, sana binuo mo na yung pangalan nang ate ko... Andito siya, pero sino ka muna?" taas noong tanong niya sakin matapos ako tignan mula paa hanggang ulo habang nakahalukipkip nang maliliit na mga braso nito.

Ang cute din mag angas nang batang to, kapatid siguro to ni Jema. 

"Ah, ako nga pala yung future na mapapangasawa nang ate mo hehe" nahihiyang sambit ko

"Ano kamo??" Kunot noong tanong niya ulit

"Ang sabi ko, kaklase ako nang ate mo. Deanna Wong kamo. Pakitawag naman siya, cutie cute" sambit ko sa bata

"Binola mo pa ko, Mafe na lang itawag mo sakin. Kahit hindi mo na ko tawaging cute basta pangit ang itawag mo kay ate, okay na ko dun" straight face na sabi ni Mafe

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niyang iyon

"Halika pasok ka, hintayin mo ako rito at tatawagin ko lang saglit yung pangit kong ate" sabi niya saka dire diretsong pumasok sa loob nang bahay nila.

Ilang saglit lang ay nakita ko na si Jema na nakabusangot habang naglalakad palabas nang bahay nila.

Mukhang nagwagi yung kapatid niya sa pang aasar sa ate niya. Kaya naman mas lalo akong napangiti.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Inis na tanong ni Jema sa akin

"Mukhang malakas mang asar yung kapatid mo nuh?" sambit ko sa kaniya

"Yari talaga sakin mamaya yung batang yon. Ikukulong ko yun sa kwarto nang nakapatay yung ilaw" sambit ni Jema habang nakangisi

"Pala patol ka pala, ako ba kailan mo papatulan?" Nakangiting banat ko kay Jema

"Bakit? Gusto mo bang dito pa lang patulan na kita?" Maangas na sambit ni Jema sabay patunog nang mga buto niya sa kamay, napalunok naman ako

"I-ito naman hindi mabiro. Amazona ka talaga, kaya bihag na bihag mo ang puso ko eh he he" kinakabahang sagot ko

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Bored ka na naman ba sa inyo?" Nakahalukipkip na tanong ni Jema sa akin

"Ahh oo nga pala, nagpunta ko dito kasi naalala ko hindi pa pala kita naa-ayang lumabas. Nagkakape ka ba, Jema?" Nakangiting tanong ko sa kaniya

"Akala ko naman kung ano, oo naman nagkakape ako" sagot niya

"Bagay na bagay talaga tayo! Hindi mo man natatanong pero kung makikita mo yung laman nang ugat ko, kape na lahat nang laman niyan e." Pagmamalaki ko sa kaniya

Letters Never SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon