Stuck In 2019 Pt.10

641 23 6
                                    

******

"Dean... Kung totoo man ang reincarnation, pinapangako ko sa'yong ako na mismo ang hahanap sa'yo... Ikaw at ikaw lang rin ang mamahalin ko" she's crying while she says that

"Why are you saying all of this? Mawawala ka ba? Aalis ka ba?" I asked but she didn't answer

"Iingatan mo palagi yung sarili mo ha? If one day makahanap ka nang babaeng tutumbas o hihigit pa sa pagmamahal na pinaramdam ko sa'yo, wag na wag kang mag aalinlangang magmahal muli, mangako ka?" Umiiyak na sambit ni Jema

Umiling ako.

"Ayoko. Bakit ka ba nagsasabi nang ganyan? Ikaw lang ang mahal ko, at hindi ako maghahanap nang iba dahil walang kapantay ang pag ibig ko para sa'yo, Jema! So stop saying whatever you're saying... Please!" sambit ko sa kaniya

pero umiling lamang siya

"Mahal na mahal na mahal kita, Dean Markcrux Wong... Walang katulad, walang kapantay, ikaw lang... habambuhay" sinserong sambit sa akin ni Jema

******

Andito ako sa kwarto ni Jema sa Ospital at nagbabasa. Kanina pa ang panay ang singhot ko, hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil sa lintik na nobelang binabasa ko.

"Sino ang umaway sa baby ko na yan?"

Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon

"Baby!" agad akong lumapit sa tabi ni Jema

"You're awake na!" sabi ko sabay yakap sa kaniya

Walang mapaglagyan ang sayang nadarama ko nang mga oras na ito.

Matapos ko siya yakapin nang mahigpit ay pinugpog ko siya nang halik.

"Anong title?" biglang sabi ni Jema, matapos ko siya pang gigilan dahil sa sobrang saya

"Huh?" naguguluhan kong tanong

"Sabi ko... Anong title?" ani Jema, halata pa ang medyo panghihina sa kaniya

Tumingin siya sa may kamay ko, at doon ko lang nagets na ang tinutukoy niya pala ay ang librong binabasa ko

"Ah eh... 'May the 4th be with you' hehe" nahihiya kong sambit

Magsasalita pa sana siya nang may maalala akong importanteng bagay

"Teka, tatawag lang muna ako nang nurse o doktor para macheck ka" sabi ko

Hindi ko na hinintay na makasagot si Jema at dali daling nagtungo sa nurse's station para sabihing gising na si Jema.

They checked her Vital signs muna, normal na daw lahat nang Vitals niya, tapos nagpaalam muna yung nurse na babalik na lang kapag dumating na yung doktor ni Jema for further assessment sa kaniya.

Nang makalabas na yung nurse ay agad akong bumalik sa tabi ni Jema, kinuha ko yung kamay niya at hinawakan ito.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko kay Jema habang pinipisil pisil ang kamay niya, kahit ba hindi ako umalis sa tabi niya ay pakiramdam ko miss na miss ko siya.

"Hindi okay" sagot niya

"B-bakit? gusto mo tawagin ko ulit yung nurse? Pabalikin ko dito, wait lang ha" sabi ko at aalis na sana upang tawagin yung nurse nang pigilan ako ni Jema

Nang tignan ko siya ay nakangiti lang siya sakin na parang nagpipigil nang tawa.

"Teka lang muna kasi, hindi mo naman ako pinapatapos ih" sagot niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters Never SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon