AMONGST THE CROWD Pt.3

421 29 6
                                    

Nagsimula na kaming i-grupo, at dalawang minuto na ang nakakalipas pero parang walang gustong magsalita sa amin.

Napapansin kong panay ang sulyap sa akin ni Jema, para bang hinihintay niyang maglead ako sa grupo namin... Ang kaso, nahihirapan akong magsalita kapag andyan siya.

Hindi naman ako ganito dati, kung tutuusin nga isa ako sa makapal ang mukha kumpara sa mga kagrupo ko na karamihan ay classmate ko naman na before.

Pero bakit kapag andyan si Jema, parang umuurong itong dila ko?

Natapos yung activity namin na kami yung may pinakaboring na group cheer.  Dahil tuloy doon ay mula ngayon, kami na ang magkakagrupo sa subject namin sa aming class adviser, para raw mas maging close kaming magkakaklase.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Matutuwa kasi kagrupo ko si Jema? o hindi, dahil KAGRUPO KO SI JEMA! uurong na naman nito yung dila ko. 

Kahit halos hindi maalis sa paningin ko si Jema, sa tuwing malilingon siya sakin ay sinusubukan kong mag iwas nang tingin. 

Makalipas ang ilang araw habang papasok ako, sa may gate pa lamang ay nakita ko na si Jema. Sa sobrang taranta, kahit alam kong late na ako ay bigla akong umatras, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta dire-diretso na lang akong lumiko papuntang tindahan. 

"Malas naman oh! Kung kailan malilate na ko eh... Nakita niya kaya ko? Sana hindi" sambit ko sa sarili ko habang nakatambay sa tindahan

At kahit wala naman talaga akong balak bilhin ay napilitan na lang akong bumili muna sa tindahan. 

Nang matapos ay dahan dahan akong sumilip malapit sa gate. 

Nang mapansin kong wala na doon si Jema ay nakahinga na ako nang maluwag. Sumulyap ako sa aking relo saka kumaripas nang takbo papasok nang eskwelahan.

"Malilate na koooooo" sigaw ko

Malapit na ako sa gate nang makita kong unti-unti na itong sinasara.

"Aabot... aabot, aabot!!!" sigaw ko nang makalusot ako papasok sa loob nang School.

"Yes!" sigaw kong muli nang bigla namang nag ring na yung Bell nang School.

Panibagong kalbaryo na naman!

Agad akong kumaripas ulit nang takbo papasok nang classroom namin. 

Paumpisa pa lang yung klase pero pakiramdam ko uwian na.

Nang malapit na ako sa classroom namin ay nagbagal na ako nang lakad habang inaayos ko yung itsura ko. Dahan dahan akong sumilip sa pinto sa may dulo nang classroom. Dalawa kasi ang pinto rito, isang pinto sa harap at pinto sa likod. 

Nang madungaw kong andun na yung class adviser namin ay halos mapapikit ako sa pagkadismaya. Pangatlong late ko na ngayon, at alam kong bi-bingo na ko sa Adviser namin kapag nahuli niya pa ko ngayon.

Kaya naman, ang ginawa ko ay pasimple kong ini-slide yung bag ko nang tahimik habang nakatalikod si Ma'am. Dahilan upang mapalingon sa akin sina Ate Bea at Ced. 

Agad akong sumenyas sa kanila na wag maingay. At agad naman nilang nagets yon. pasimpleng dinampot ni Ate Bea yung bag ko at ipinatong na sa upuan ko. 

"Class, turn to page 28" sambit nang guro namin, kaya napatago agad ako. 

At nang silipin kong nakatalikod na uli ito ay dahan dahan akong pumasok patalikod. Yun bang tipong kapag nahuli niya ako ay aakalain niyang palabas pa lang ako. 

Pati sina Tots ay nakita na rin ang aking ginagawa. Nasa kalahati na ako nang biglang

"Ms. Wong, where do you think you're going?" tanong sa akin nang Class Adviser namin

Letters Never SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon