CHAPTER 7 - NEVER BETTER
JEMA's POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kagabi kasi ay hindi ko na namalayang nakatulugan ko na lang ang pag iisip nang mga bagay bagay patungkol kay Dean.
Agad akong naghilamos at sepilyo. Pagkatapos nun ay lumabas na ako nang aking kwarto.
Paglabas nang pinto ay natigilan ako, iniisip ko kung dapat ko bang puntahan si Dean sa kaniyang kwarto o didiretso na lamang ako sa baba, nang maalala ko ang pagkadismaya sa itsura nito. Kaya naman naisipan ko na lamang na mag almusal na muna saka mag libot libot rito.
Habang naglalakad ako patungo sa hapag kainan ay naisip kong napakalawak nang bahay na ito, tingin ko ay kulang ang isang buong araw sa paglilibot rito.
May kadiliman rin ang hallway. Tila ba tipid ito maski sa liwanag na nang gagaling sa ilaw nang bumbilya. Siguro ay dahil sa nakasanayan na rin nila ang dilim.
Habang naglalakad ay bigla akong may nakasalubong na isang morena at matangkad na babae.
"Hi, who are you? Are you lost?" tanong nito, bakas rin sa mukha niya ang pagkagulat na makita ako sa lugar na ito.
"Ah eh, hindi. Ako nga pala si Jema. Dito ako pansamantala na maninirahan" sagot ko sa kaniya
Tila ba lalo itong nagulat at hindi makapaniwala sa sinabi ko
"Uhm, Owkaay. That's surprising... and weird" aniya
"Bakit naman?" tanong ko sa kaniya
"Sure ka? Hindi ka naliligaw? Teka, baka babae ka nang pinsan ko ha? Si Bei. Yung matangkad na moreno na feeling gwapo" wika nito
Pinsan? Kung gayon ay kamag anak niya pala si Bei
"Ano ka niya? nakainuman? Nabola? Nabuntis? Tell me, which one? Malamang kasi ay hindi mo pa kilala ang lalaking iyon" sunod sunod na tanong nito nang biglang may mag salita sa aking likuran
Nagulat ako nang bigla ako nitong hapitin sa may bewang
"None of those, Celine. She's mine. My future wife" seryosong sambit ni Dean na mas kinagulat nang babaeng nasa harapan namin na nag ngangalang Celine.
Eto na naman yung puso ko na bigla na lang lumalakas ang tibok.
Siniko ko si Dean kaya naman binitawan niya na ako.
At nang lingunin ko si Celine ay naglakad na ito palapit sa amin saka naglahad nang kamay
"Celine. Celine Domingo, but you can call me Ced na lang. Magkapatid ang mother ko at mother ni Bei, and unfortunately that makes us cousin. Sorry for not introducing myself earlier." nakangiting sambit ni Celine
Inabot ko ang kaniyang kamay at nakipagkamay rin
"Okay lang, Jema Galanza nga pala." pagpapakilala kong muli
"So, dito ka na pala titira, Jema" ani Ced sabay ngiti nang nakakaloko kay Dean
"Pansamantala. Isang linggo lang akong maninirahan rito" sagot ko kay Ced
"One week? Ang ikli lang non! Paano ka magiging future wifey nitong si Dean kung isang linggo ka lang titira dito? Why don't you extend your stay here?" Nakangiting sagot ni Ced
Magpinsan nga sila ni Bei, parehas silang mukhang taga maynila kung manamit at magsalita, parehas ring pala ngiti at mukhang malakas mang asar kay Dean.
"One week is enough to make Jessica fall for me. Baka nga sobra pa" mayabang na sagot ni Dean kay Celine
Natawa naman si Celine at nagtungo sa aking tabi at inangkla ang kaniyang braso sa akin
BINABASA MO ANG
Letters Never Sent
Romancefrom the Original Title: Five Months Na Po Ang Lumipas This is a Compilation of GaWong Short Stories. The Chapters are indefinite. Depends on how I like it.