IN THE MIDST OF THE CROWD Pt.3

621 23 6
                                    

Sobrang hindi ko inaasahan yung sinabi sakin ni Jema. Akala ko kasi matatapos na yung gabi ko sa paghatid ko sa kaniya

"I actually left my keys kanina kay Jho. Nagmamadali kasi siyang umalis kanina when she left me" paliwanag ni Jema

"Can you tell me honestly, nakita ba kami ni Ate Jho kaya siya umalis sa concert?" tanong ko kay Jema

Pansin kong nagdalawang isip siya kung sasabihin niya ba yung totoo. She breathed deeply bago nagsalita

"Well, to be honest, that's what I concluded... Hindi ko alam why all of a sudden panic was written all over her face tas ayun na bigla na siyang nagdahilan na she needed to be somewhere at i memessage niya na lang ako. A little confused, though pinalagpas ko na lang since I was so indulge with the performance tonight... Until I saw you. That's when I knew... kaya pala umalis si Jho. She probably saw you two." sagot ni Jema

"Pero bakit ka niya iniwan? Bakit hindi ka na lang niya hinila somewhere na malayo samin? For sure naman sa dami nang tao don, kapag lumipat kayo nang pwesto di na namin kayo makikita" I said

"I don't know, D. Maybe she panicked. Alam mo naman si Jho, once na si Bea na ang pinag uusapan hindi na makapag isip nang maayos" sagot ni Jema

She's right though, kaya hindi na ko nagtanong pang muli.

Saglit kaming natahimik.

"Well! Since wala ka naman ding ibang choice at ayoko namang sa kung saan ka pa mag spent nang gabi... Sa Condo ka na lang talaga magpalipas nang gabi" I said

"T-thank you, D" tugon ni Jema, I just simply nodded, then I started the engine and went our way.

Nang makarating sa condo ay nangulit si Jema na tulungan ako sa pag akay kay Ate Bea, kaya dalawa na kaming nag akay dito paakyat sa unit ko.

Halos maubusan ako nang lakas nang mailapag na namin sa guest room ko si Ate Bea.

I actually consider this room, her room. Sa sobrang dalas niyang matulog dito. Kulang na lang nga ay mag move-in na siya dito kasama ko. Halos makumpleto na rin yung mga gamit niya dito sa condo ko.

Pagkalapag ko kay Ate Bea ay mabilis akong lumabas nang kwarto niya at kumuha nang pamalit na clothes for Jema, saka ito inabot sa kaniya

"Uhm, use this muna para makapag freshen up ka bago matulog. Yung bathroom ko na lang sa room gamitin mo, asikasuhin ko lang si Ate Bea" bilin ko kay Jema sabay turo sa bathroom, agad naman siyang sumang ayon.

Kala ko tapos na yung delubyo ko, hindi pa pala. Hirap na hirap akong hilamusan at bihisan si Ate Bea. Ang bigat pa naman sobra nang katawan niya lalo kapag nakainom.

Nang makatapos ako ay nagquick bath lang ako and did my night rituals. Paglabas ko nang banyo ay nakita ko si Jema na nakaupo sa couch sa sala.

"Oh Jema, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko sa kaniya

"Uhm.. hinintay kita" sagot niya

"Ahh, ganon ba? Tulog ka na, dun ka na lang sa bed ko. Dito na lang ako sa couch matutulog. Ayoko namang tumabi kay Ate Bei at makulit ang isang yon matulog kapag nakainom" sabi ko sa kaniya pero kumunot lang yung noo niya

"Bakit hindi ka na lang tumabi sakin? Malaki naman yung bed mo, saka hindi naman ako magulo katabi sa higaan" she said

"Hindi nga, pero nangyayakap naman" sabi ko sa isip ko

"Uh, no na. Ayos lang... Isa pa, visitor kita dito. Kaya wag mo na ko alalahanin" sagot ko sa kaniya pero sumimangot lang siya

"Pleaseee? Hindi rin ako makakatulog, knowing na yung may ari nang place eh sa couch ko pinatulog" pamimilit ni Jema

Letters Never SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon