20. At the Park

2 1 0
                                    

Cassey POV

"Oh inom ka muna.." iniabot ni Steve yung isang bottled water na binili niya dito sa park..nasa may bench kasi kaming dalawa eh mula nang makarating kami dito sa park panay ang ikot at lakad namin..ewan ko ba kasi kina Francine at Jessie..ayun! Sila paikot ikot pa rin dito sa park kasama yung apat na lalaki..

"Salamat.." sabi ko then uminom na din ako..pahinga lang ng konti..

"Anong gusto mong kainin..?" Tanong niya ulit..

"Ahhhmm..gusto ko ng malamig eh..ice cream?" Tanong ko..basta anything na malamig..eh ice cream agad pumasok sa utak ko..hehe

"Okay..dito ka lang.." tumayo siya then pumunta sa nagtitinda ng ice cream..

..........wait...........
..........wait...........
..........wait...........
..........wait...........

"Ohh.. eto na." Sabi niya ng dumating na may dalang dalawang mango ice cream..ibingay niya yung isa sa akin..

"Thank you.." agad kong sabi..hehe bait ni Steve.. Buti alam niya kung anong favorite fruit ko kaya siguro mango flavor pinili niya..

"Oh bakit ganyan ka makatitig..? Baka matunaw ice cream ko niyan.." pangbibiro ko sa kaniya..eh makatitig kasi parang may mali sa mukha ko..

"Maganda, simple, mabait, matalino, masayahin at mapagmahal..yun ang nakikita ko ngayon sayo.." ansabe..? He just said that? Naaaah! Napatigil tuloy ako sa pagkain ko ng ice cream at natulala..

"H-huh? Ako? Maganda? Simple? Matalino? Masayahin? Mapagmahal? A-ako? Ikaw ba talaga yan Steve?" Parang di mag sink-in sa utak ko yung sinabi niya..

"Oo naman. Di ba totoo?" Sabi niya ng seryoso. Habang kumakain din ng ice cream..

"Ang pagkaka alam ko kasi isa akong masungit, mayabang, at supladang babae..yun naman ang sabi mo dati diba?" Bakit parang nag-iba yung naramdaman ko nung sinabi niya yun..parang si brain nag disagree eto namang si heart nag agree! Ang gulo! -.-

"Before..pero hindi naman ikaw yun eh..nagkataon lang siguro na naging mali din ang pakikitungo ko sayo that time..but now, binabawi ko na yun kasi kaharap ko ngayon yung real Cassey.." the way he talks? Bakit? Yan ba talaga ang totoong Steve? T_____T

"Im sorry kung ganun yung naging reaction ko sa inyo dati.. i did'nt mean it, yes I admit na I hate boys, the first time na nakita kita, sobra talaga ang inis ko sayo noon..cause I know you for being mayabang too, nakakainis kayo eh.." seryoso kong sabi, parang dahil sa sinabi niya I realized everything..

"Ayos lang..ako naman dapat ang magsorry eh, kung di namin ginawa yun edi sana hindi napunta sa asaran, inisan at awayan..sorry for that stupid laugh, sorry dahil nung hinabol mo si Snowy sinadya kong madapa ka na muntik pang ikasagasa ng aso mo at nagkasugat kapa,sorry for leaving you alone that night sa garden ng resort, sorry dahil pinagtripan kita nung nasa jeep tayo galing sa mall, sorry dahil ako ang kumain ng brownies mo sa canteen nung first day of school,sorry dahil hinabol kita noon sa harap ng dorm kaya nadapa ka ulit at nag kasugat kapa ulit, sorry di ko alam takot ka pala sa gagamba,sorry dahil napuyat ka dahil nagpasama pa ako sa labas para magpahangin, sorry dahil nasaktan pala kita noon sa sinabi ko nung nanood tayo sa sinehan. Sorry dahil sa mga ginawa ko nakikita kitang umiiyak ngayon" Grabe nag speech na siya ah..napatulo tuloy yung mga luha ko habang sinasabi niya yun..

"Wag ka ng umiyak please.." nakita ko namang kinuha niya yung panyo niya sa bulsa niya then pinunasan niya yung luha ko..

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon