26. Something I've Noticed

3 0 0
                                    

Cassey POV

"Steve tara sabay tayong maglunch.." yaya ko sa kaniya.

"Osige ba.." sagot niya..

"Lets go na.." sabi ko then palabas na kami ng classroom ng biglang sumulpot si Morgan..

"Hey Steve..there you are..we are going to practice now..nag paorder na din naman ako kila Tristan and Warren for our lunch so lets go na sa music room.." practice? Nanaman. -.- one week na kasi ang practice at  second week na today..yung practice namin medyo okay naman pero we still need to practice..

"Ahh--ganun ba sige..susunod na ako.." sagot ni Steve..iiwan na naman niya ako mag-isa..alone na naman ako? -.-

"Sorry Cassey kailangan kong maki practice..una na ako..kumain ka na okay?.." hinawakan niya yung dalawang shoulder ko..

"Ahh..okay." yun na lang naisagot ko..bigla akong nangalumbaba.

"Alis na ako.." sabi niya then lumabas na siya sa room..

"Tara na Morgan.." rinig kong sabi ni Steve..sino na kasama kong maglunch? Si Francine inutusan ni maam, si Jessie kagroup nila Morgan, si Daniel at Rainier ewan ko kung nasaan..
Nakaka walang gana :(

****canteen*****

"Cassey..andito ka pala.." sabi ni Rainier na umupo sa may tapat ko..

"Tapos ka na maglunch?" Tanong ko.

"Hindi pa eh..pwedeng sumabay sayo..?" Buti na lang may mag aalok pa palang sumabay sa aking kumain. Para akong ewan ditong kumakain mag-isa. Halos di pa nga nakalalahati yung pagkain ko parang wala kasi akong gana..

"Sure.." sagot ko na ngumiti ng konti. Pilit lang na ngiti.

"Order muna ako.." sabi niya then umalis na muna. Simula ng dumating yang group activity na yan madalas na lang akong kumakain mag-isa, minsan naman kasama ko si Francine, minsan si Daniel o si Rainier..si Steve kasi kung magyayaya ako lagi silang may practice..

"Oyy Cassey tulala ka..may problema ba..?" Inilapag ni Rainier yung inorder niya..

"Ahhw-wala..." sagot ko na lang then tinuloy ko na lang yung pagkain ko.

"May practice ba tayo mamaya..?" Tanong niya..

"Yeah.." sagot ko..

"Saan si Francine bakit di mo kasama..?" Tanong niya ulit..

"Inutusan siya ni maam eh.." sagot ko..

"Ang lungkot mo ngayon ah..napapadalas yan pagsimangot mo..nguimiti ka naman." Napapansin niya? Dahil kasi sa kaibigan nila eh..si Steve, palaging wala? Nakakains lang kasi di ko na siya madalas makasama pag free time kasi practice nila..even us. Namimiss ko siya minsan. Sana naging magkagroup na lang kami..

"Naboboring lang siguro ako..salamat Rainirer andito ka para samahan ako.." sabi ko na pilit ngumiti kahit mahirap..

"Ayos lang yun..kumain ka na..mauuna pa ata akong matapos sayo.." oo nga pansin ko..hehe, parang nilaro ko nga lang pagkain ko eh..habang kumakain ako nakita ko sina Steve at Morgan na magkasama..pumasok sila dito sa canteen, pero di kame napansin medyo marami kasing kumakain..nagtatawanan silang dalawa..thefudge! Parang di ko gusto yung nakikita ko..

"Rainier natry mo nang mainlove..?" Tanong ko na halatang ikinagulat niya..

"H-huh..? B-bakit mo naman natanong..?" Sagot niya..napansin kong may biniling tubig sina Morgan at Steve..then kinuha na lang ni Steve yung dala ni Morgan na tubig.. sila na naman? Mas madalas na silang magkasama..sa tuwing may practice sila. :((

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon