Cassey POV
"Snowy tell me. Ano toh? Bakit? Ganito yung nararamdaman ko?.." kinakausap ko ngayon si Snowy, andito ako sa labas ng dorm nakaupo sa isang bench at nagpapahangin, gabing gabi nasa labas ako noh..well kasama ko ang my one and only dog na si Snowy kinuha ko muna siya sa bahay para naman may kabonding ako..
"Arrfff! Arfff!" Sagot lang neto..di ko naman maintindihan eh..huhuhu..sila Francine, Jessie at Morgan tulog na.
"Tell me, tell me, tell me! Bakit ganun yung heartbeat ko pag kasama ko siya, dapat sanay na ako diba kasi magkaibigan kame and madalas naman kaming magkasama..pero bakit parang iba eh.." naguguluhang sabi ko..ilang buwan na din naman kasi ang nakalipas na madalas kaming magkasama ni Steve pati sa school, napapadalas na nga din yung mga lakad namin pero habang tumatagal parang may something na eh! Hindi ko maexplain..
"Arfff!" Tahol ni snowy..ano daw!? Baka ewan yung sabi niya isang beses lang naman siyang tumahol baka sabi niya ewan! Hehe :))
"Siguro dahil ngayon lang naman ako nagkaroon ng kaibigan na lalaki? Pero hindi eh. Masyado siyang concern sa akin, mabait, palagi niya akong pinagbibigyan, palagi siyang masaya pagkasama ako, madalas kaming nagkukulitan pero di pa rin nawawala yung asaran.." minsan may mga sinasabi siya na dahilan para mag alboroto tong puso ko. Pero I take it as a joke na lang niya..malay mo joke lang talaga yun diba.
Napapansin nga nila Jessie, Francine, at Morgan na madalas akong nakangiti pagkasama ko si Steve halos ipagpalit ko na nga daw silang mga kaibigan ko kay Steve..hehe ehh paano kasi etong si Steve palagi ako niyayaya.."Snowy paano kung inlove na pala ako sa kaniya? Paano lang hah? Paano kung siya nga? Paano kung siya yung mga dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon, paano? Ano ba? Haayyy! Ewan..! " ang gulo naman kasi eh, hindi magkaintindihan etong utak at puso ko! Laging silang contrast.! -v.v-
"Halika nga dito Snowy" binuhat ko siya then inilagay ko siya sa lap ko..
(~Cause baby now we got bad blood~ )
~You know it used to be mad love~
~ So take a look at what you've done~Wahahaha! Ringtone ko yan :>
.......Steve is Calling......
Hello?- ako
Bakit gising ka pa?- Steve
Hindi noh, nakahiga na nga ako sa kama eh.- ako
Talaga?-Steve
Oo..-ako
Is there something bothering you?- Steve
Ahh? W-wala.-ako
Eh bakit andito ka mag-isa sa labas?-Steve
Paano mo alam?-ako
...........End Of Call............
"Steve bakit ka andito?" Sabi ko pagkatingin ko sa likod..shems! Nasa likod pala siya.. -.-
"Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan.." sabi niya then tumabi sa akin.
"Arff!arff!" Tahol ni Snowy kay Steve
"Hello snowy..bakit dika pa natutulog?" Tanong niya sa aso ko. Kahit anong gawin mo di ka maiintindihan niyan.. =.=
"Arfff..!arfff...!" Tahol ulit ni Snowy.
"Ohh.. may problema ba?" Tanong niya sa akin..
"W-wala." Sabi ko. Tameme? Nandyan kasi siya eh. Siya yung problema ko ehh..
"Eh bakit parang ang lalim ng iniisip mo kanina?" Lumapit siya ng mabuti sa akin pati yung mukha niya mas nilapit niya pa..
"Kanina ka pa ba andito sa labas?" Pagtatanong ko. Stalker? God! Eh joke, friends na nga kame i-istalk pa niya ako..hehe kapal lang noh..
"Oo. Para ka kayang ewan na kinakausap mo yang si Snowy." Hahalagot! Paano yan baka narinig niya yung mga pinagsasabi ko! Noohhh! t.t
"Narinig mo din ba yung mga sinabi ko?" mabilis kong tanong. Then lumayo ng distance sa kaniya ng konti.
"Ahh hindi eh..ano ba yun..?" Hayy good! Kala ko pa man din eh..
"Wala." sumandal na lang ako sa bench. Di ko na alam gagawin
pagsumusulpot siya eh."Pahiram ng kamay mo..." sabi niya.alah! Bakit?
"Ah bakit?" Sabi ko..
"Basta." Kinuha niya yung isa kong kamay then inilagay niya sa dibdib niya..ohhmymymy! Ang lakas ng tibok ng puso niya. 0.0
"Nararamdaman mo ba kung gaano kalakas yung tibok ng puso ko?" Tanong niya..malamang!
"Oo." Sagot ko.
"Kilala mo ba kung sinong may gawa neto..?" Tanong niya ulit..nakatingin lang ako sa kaniya..
"H-hindi. Sino nga ba?" Sabi ko..napatingin din siya sa akin.
"Makikilala mo rin siya. Ganyan ang puso ko sa tuwing masaya ako at yun ay dahil sa kaniya." Ayayayay inlove na siya kanino kaya..? Sino kaya yung sinasabi niya..
"Talaga.? Ibig sabihin niyan napaka special ng taong yun sayo?.." tanong ko na umiwas ng tingin sa kaniya..
"Oo. Sobra." Sagot niya na nakangiti, sa tingin ko nga ganun ka special yung taong sinasabi niya. Hayy bakit biglang nalungkot yung puso ko pero yung isip ko naman parang ayos lang na hindi..waaahhh! nevermind -.-! Alam niyo naman di sila okay pareho..
"Ahh..okay" sabi ko na lang then inalis ko na yung kamay ko sa dibdib niya.
"Tara pasok na tayo sa loob." Tumayo na siya then tumayo na lang din ako habang buhat si Snowy . Tahimik lang kaming naglalakad. Hindi ako kumikibo.
"Ayos ka lang.." tanong ni Steve. Parang hindi eh. :(( pero alangan namang sabihin ko yung totoo..
"Oo naman.." sagot ko. Nasa harap na ako ng room namin..
"Sige papasok na ako." Bubuksan ko na sana yung pinto pero hinila niya ako paharap sa kaniya..
"Wag mong masyadong isipin yung mga sinabi ko kanina." Sabi nya na nakahawak sa dalawang braso ko..
"Sige na matulog ka na okay?.. Goodnight." Sabi niya then he just kissed me on my forehead!? O.O alah! Bakit? Yung puso ko na naman nag aalboroto! Si utak naman nawawala ulit! Sheyymms. What is this im feeling! Umalis na siya then ako naman natulala lang.. #.# @.@
"G-good night din.." mahina ko na lang sabi kahit di niya narinig.. napahawak tuloy ako sa forehead ko..naahh! Mababaliw na ako! Pumasok na lang ako agad.. Tulog lang eto! Tulog lang! Kaya matutulog na ako.. kanina lang parang ang lungkot ko tapos ngayon parang nag iba na naman, parang sumaya? Ayshhh ano ba. Pa check up na kaya ako? Baka may deperensya na ata ako sa sarili..nooohhh! Paano pag nagkapalit palit pala mga organs ko kaya ako ganito? Paano pag may damage pala yung utak ko? Paano pag may sakit ako sa puso? Paano kung may cancer ako? Ay anak naman ng! Bakit yun ang iniisip ko? Para ako tanga..-.- psh! Ewan! Matutulog na talaga ako! -.-