27. Without Her

2 0 0
                                    

Steve POV

"Tol, ano ba problema niyo ni Cassey..?" Tanong ni Daniel. Lunch namin ngayon at sabay sabay kaming kumain..

"Di ko alam eh..hindi ko alam kung may nagawa akong kasalanan sa kaniya kasi di niya ako gaanong kinakausap." Hanggang ngayon di pa rin maalis sa isip ko yung ginawa ko sa kaniya kahapon..dapat di ko na siya sinigawan, umiyak tuloy siya ng dahil sa akin..nangako pa man din ako sa kaniya at sa mga kaibigan niya na hindi ko na siya ulit paiiyakin..pero ano tong ginawa ko..?

"Wala nga yun palagi sa mood. Pero kinakausap pa naman niya kami di nga lang yung tulad ng dati.." sabi naman ni Warren..buti pa sila okay kay Cassey mas lalo etong si Rainier na madalas niyang kasama..

"Ikaw Rainier alam mo ba problema nun..? Kayo kaya madalas magkasama.." sabi naman ni Tristan. Oo nga naman..baka may alam etong si Rainier hindi lang sinasabi..malay mo may gusto nga talaga siya kay Cassey..

"Wala..pero Steve matuto kang tumingin sa mga nakapaligid sayo baka di mo alam isa yun sa mga dahilan.." anong ibig sabihin ni Rainier. Mga nakapaligid sa akin? Napakalalim naman niya.

"Anong ibig mong sabihin tol?.." tanong ko.

"Alamin mo sa sarali mo kasi di ko yan masasagot kundi ikaw mismo. Mahalaga sayo si Cassey diba?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni Rainer, paano ko sasabihin na mahal ko siya..

"Hindi ka naman kasi mag-aalala ng ganyan sa kaniya ngayon kung di siya importante sayo tol.." tama nga naman sila. Hindi pumasok si Cassey ngayon sabi ni Morgan may sakit siya.. ayaw niya nga daw na may magbantay sa kaniya sa dorm kaya mag-isa siya doon. Sana gumaling na siya..paano na yung performance ng group nila kung wala siya..?

"Di mo na lang siya dapat sinigawan kahapon tol..lalo lang sasama yung loob sayo nun.." dagdag ni Warren..

"Di ko naman sinasadya yun eh. Nabigla lang ako.." sagot ko. Di ko na kasi matiis kung anong problema niya..

"So ano ng balak mong gawin ngayon..?"tanong ni Daniel na tapos ng kumain.. sasabihin ko na ba sa kanila? Mga barkada ko naman sila kaya wala akong dapat itago.. mas mabuti ng malaman na din nila..

"Magtatapat na ako.." seryoso kong sabi..

"Magtatapat ng ano??.." tanong ni Tristan..

"Na mahal ko siya.." deretso kong sabi ng walang pag-aalinlangan..napahinto silang lahat sa pagkain maliban kay Rainier na parang normal lang. Ganyan na ba talaga sila kung magulat.

"Tol totoo ba narinig namin? Mahal mo siya..?" Di makapaniwalang sabi ni Warren..

"Kailan pa tol?" Sunod na tanong ni Tristan.

"Bakit ngayon mo lang sa amin sinabi?" Tanong naman ni Daniel..loko paano ko masasagot mga tanong nila kung sunod sunod..=.=

"Sigurado ka na ba diyan sa nararamdan mo?.." seryosong sabi ni Rainier.

"Oo at di na ako mag dadalawang isip.." sagot ko. Baka yun lang kasi ang paraan para mag kaayos kame.. at gusto ko na din siyang makausap ng seryoso kung ano bang problema niya.

"Tol! Hanepp ka na! Tignan mo nga naman kay Cassey din naman pala bagsak mo.. enemy, naging  magkaibigan at ngayon nahulog ka na!" Gago tong Warren na toh..isigaw ba naman.. =.=

"Gago. Wag ka ngang sumigaw." Naiiritang sabi ni Tristan.

"Pero ang problema tol, paano kung mabasted ka agad?" Tanong ni Daniel..

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon