24. Lambing Mode

3 0 0
                                    

Steve POV

"Mga tol sandali una na kayong kumain punta muna akong room.." sabi ko habang andito kame ngayon sa canteen, hindi muna ako umorder parang di kasi ako mapakali, napansin kong parang may problema si Cassey..

"Ano gagawin mo dun tol? Tanong ni Warren.

"Si Cassey kakausapin ko lang sandali.." sagot ko, kanina ko pa nga siya iniisip..di ko naman alam kung anong nangyari sa kaniya at bigla na lang nag iba mood niya.

"Baka naman gusto niya lang mapag isa..bat di na lang muna natin siya hayaan." Sabi naman ni Rainier..pero anong dahilan? Ngayon ko lang siya nakitang nag kaganyan..madalas naman kaming magkasama..

"Eh mas maganda na yung sigurado noh..malay mo tayo pala problema nun tol..?" Dagdag ni Daniel, kame? Ano namang nagawa namin sa kaniya?

"Sige na Steve puntahan mo na siya mas mabuti pa siguro.." sabi ni Francine..silang magkakaibigan, dapat may paki alam sila.

"Sige..alis na ako." Sabi ko then lumabas na ako ng canteen at pumunta sa room...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Bakit nag-iisa ka dito..?" Tanong ko sa kaniya pag pasok ng room, mag isa niya lang dito sa room at nakupo siya habang busy nag ce-cellphone..

"Tanong mo sa mga kasama ko.." sagot niya..pilosopong babae eh mag isa nga lang siya dito..naka concentrate pa rin siya sa phone niya..

"Ehh bakit ang sungit mo ngayon? Badtrip? Badmood? Galit?" Tanong ko at nagcross arm.. sumandal ako sa pintuan.

"Hindi naman ah." Sagot niya ulit ng parang walang pake.

"May problema ba..? " tanong ko ulit..

"None." The hell! Di ba niya ba ako kakausapin ng maayos.

"Cassey ano ba..anong wala eh bakit parang sa amin ka galit..ano bang problema mo.." tumabi ako sa kaniya.

"Eh bakit ba kasi ang kulit mo, wala nga! Wala! Eh ikaw bakit ka andito? Maglunch ka na nga!" Sigaw nito then itinago niya na yung phone niya.

"Bakit ka ba nagagalit? May ginawa ba ako..? Tell me.." sabi ko. Kahit na sigawan ako neto titiisin ko muna. Ayaw kong magalit sa kaniya.

"Wala.wala.wala. ano pa ba kailangan mo..? Ang kulit mo naman, umalis ka na nga." Bakit parang di ko kayang nakikita siyang ganyan pakiramdam ko may nagawa akong mali, di ako ayos pag ganyan siya eh..

"Eh bakit mo ako pinapaalis?" Tanong ko ulit..

"Para mag lunch ka na." Sagot niya..wala talaga siya sa mood..-.- grabe naman oh.

"Hindi ako maglu-lunch kung ganyan ka." Sabi ko.

"Edi wag." Sagot niya..langya! Ang kulit naman niya. Pasaway!

"Cassey naman..wag ka ng ganyan please?.." nag act ako ng nagmamakaawa. Pero no effect.

"Smile na yan.." sabi ko ulit pero nakasimangot pa rin.

"Samahan mo na lang ako maglunch.. sa labas tayo.." di pa rin niya ako iniimik. Ano ba! May kausap ba ako..hahalikan ko na eto pag di pa nagsalita! Biro lang..wag muna! ;P

"Papayag na yan?.." sabi ko ulit..pero wala pa rin. =.= Kung di ko lang---? Ano na ba nararamdaman ko para sa kaniya.?

"Ayaw mo talaga ahh.." kiniliti ko siya na ikinagulat niya! Loko! Lakas ng kiliti.. f*ck!

"Waaah! Ano ba!" Napaatras siya ng konti at tumitig ng masama sa akin.lagot na!

"Sa wakas napansin mo din ako.." sabi ko na nakangisi..

"Ganun pala ah...." lumapit siya sa akin then, thefudge! Eto na naman siya!

"Cassey, aray masakit!" Sabi ko..yung pisngi ko kawawa na naman, waahh! Abuse! Haha!

"Ano? Mangingiliti ka pa?.." sabi niya habang pinipisil pa rin yung cheeks ko. Kung di ko lang toh kilala kanina ko pa na uppercut!

"H-hindi na po. Tama na please.." sabi ko na halos mangiyak na sa sakit.

"Good." Itinigil niya na..at napahawak naman ako agad sa cheek ko. Blushing again. Haha!

"Wahahahaha! Blushing!" Tawa niya. Loko! Pagtawanan pa ako. Di niya lang alam kung gaano kasakit yung ginawa niya..

"Tch." Sabi ko na lang.

"Owww.. kawawa naman ang baby, iiyak na.." lumapit siya sa akin para lang mang asar! Gawin ba naman akong bata.

"What did you just call me? Baby?" Nilapit ko yung mukha ko sa kaniya at sumeryoso..bigla tuloy lumaki yung mata niya..

"Wala.." sabi niya na di mapakali para siyang na freeze. Mang aasar siya tapos ngayon di makapalag..nakatitig lang ako sa mga mata niya. Ang ganda ng babaeng nasa harap ko ngayon..

"Blue eyes.." sabi ko na nakatitig sa mga mata niya. Grabe parang bumilis na naman yung tibok ng puso ko..

"Distance please." Sabi niya, para siyang na speechless.. weird ko ngayon ah..

"Pointed nose.." napatingin naman ako sa mga ilong niya..stay put lang siya.

"Ahhmm S- Steve a-ayos ka lang?" Utal niyang tanong pero di ko yun pinakinggan.

"Rosy cheeks." Napunta yung titig ko sa cheeks niya..nakatitig lang din siya sa akin,

"What a-are you talking about?" Tanong niya ulit, she's definitely irritated..

"Redish lips." Sabi ko ng mapunta yung tingin ko sa labi niya..bawat bahagi ng mukha niya napagmasdan ko. Etong puso ko ba ang nagsabi na halikan ko na siya, thefudge! Pigilan mo Steve! Mas nilapit ko pa yung mukha ko sa kaniya..

"Steve..?" Tanong niya ng mahina..parang nanigas na talaga siya yung bang hindi na makagalaw. Pero imbis na halikan ko siya lumapit ako sa tenga niya at bumulong..

"Dont worry di kita hahalikan, samahan mo ako maglunch please.?" Bulong ko..di ko naman talaga gagawin yung iniisip niyo ehh. Dipa oras kaya just wait.

"Ahh--okay.." sabi niya na tulala pa din. Tumayo na ako..

"Di pa kasi oras." Mahina kong sabi habang nakatalikod sa kaniya..

"Ano sabi mo?" Tanong niya ng tumayo na din..

"Wala..sabi ko oras na para kumain na ako..halika na!" Hinila ko siya palabas ng room..gutom na ako! =.=

"Yan kasi dami pang nalalaman di pa kumakain!" Sabi niya..

"Ikaw kasi.." sagot ko..habang naglalakad pa din kame..

"Saan ka kakain?" Sa labas na lang siguro..

"Labas na lang..libre kita gusto mo?" sabi ko.

"Nope..busog pa ako.." sabi niya..

"Sige na..please? Kain ka ulit?" Sabi ko then inakbayan siya..

"Oo na! Alisin mo na yang kamay mo..ang bigat!" Tch. Ngayon nga lang ehh..

"Sama mo naman.." inalis ko yung kamay ko..ibang iba talaga siya, pero yun ang nagustuhan ko sa kaniya. Baka nga sobra ko na tong mahalin? Mahal na nga ba? Yes or No? =.= ewan! Basta!


It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon