Growing up, umiikot lang yung mundo ko sa bahay and school. Hindi lang ako, pati na ang mga kapatid ko.
Pag aalis ako sa bahay, either papasok ako sa school or may lakad ang buong fam, which is kasama ako syempre. Mabibilang sa mga daliri, kung ilang beses kami umalis sa isang taon.....
sobrang dalang.May mga rules kaming sinusunod.....
Sa school...
Bawal kami sumali sa sports o sa ibang clubs na hindi naman connect sa pag aaral namin. Sabi ni Mom, masasayang lang oras namin kasi kailangan namin mag focus sa pag aaral.Pag uwian, kailangan diritso uwi sa bahay.
Sa bahay...
Bawal ang gadgets, lalo na pag nag aaral.Lahat ng oras ko, naka focus sa pag aaral. Wala akong time sa ibang bagay.
Wala akong kaibigan, dahil wala na din akong time para makipag kaibigan. Sabi ni Mom, baka mapunta ako sa kaibigan na magiging dahilan ng pag baba ng grades ko. Baka daw hindi na ako makapag focus sa pag aaral.
Buong buhay ko, kung anong sasabihin ni Mom..
Sinusunod ko.....
Sinusunod namin.Never ko pang sinuway si Mom.
"Kuya, kakausapin tayo ni Mom..." sabi ni Klea pag ka upo namin sa sofa.
"without Dad." pag dudugtong niya.
Nandito kami ngayon sa study room. Pano ko ba ma e explain itong room. Pag pasok sa room, para siyang office pero sa apat na sulok ng room may table with chairs, may tag iisang pc and other things.
Pinasadya ni Mom na ganon yung pag kakalagay para kahit mag kakasama kami, hindi makaka istorbo sa bawat isa.
Tapos sa gitna ng room may paikot na sofa.
Sa kabilang side naman may room, ang laman niya ay cabinet na may mga books. Para siyang library.
Connected, bali itong room para siyang hall pero may pagitan lang sa gitna.
Basta....
Dati sa kaniya-kaniya naming kwarto kami nag aaral. Ang pinaka rason talaga kung bakit pinag sama sama kami sa iisang room dahil ilang beses kaming nahuling hindi nag aaral. Wala kaming kawala sa study room kasi may cctv.
Mag kaibang school kami ng pinapasukan. Simula kinder sa Hillary na ako pumapasok, sa school na pag mamay ari nila Lolo.
Hanggang ngayon hindi ko alam kong bakit mag kakaiba kami ng school na pinapasukan.
"Kinakabahan ako pag ganitong gusto tayong kausapin ni Mom, without Dad." sabi ni Klein.
"May nagawa ba kayong kasalanan? Kasi sa pag kakatanda ko....panigurado hindi ako." Biro ni Klea. Bigla kaming napa isip ni Klein.
"Ako din." baling niya sa amin.
Sabay naman napatingin si Klein at Klea sa akin.
Kahit ako, hindi.
Natahimik si Klea at Klein pag pasok ni Mom.
"Klea." tawag ni Mom pag ka upo niya. "Ba..bakit po, Mom?"
"How about...mag transfer ka sa Hillary?" tanong ni Mom kay Klea.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pang itanong ni Mom. Kahit naman tumanggi si Klea, nasa kaniya pa rin ang desisyon.
Grade 10 na si Klea habang si Klein naman grade 8. Ako naman 1st year college.
"Mo...mom-." pinutol ni Mom yung sasabihin ni Klea. "Klein." tawag ni Mom kay Klea. "Same with Klea-.."
YOU ARE READING
FORBIDDEN LOVE
RandomA captivating story revolves around Kleo and Aki, two individuals with different personalities.