Sa loob ng isang buwan, nakabisado ko agad yung mga ginagawa niya. Hindi ko alam kong bakit nakuha niya ang atensyon ko.
Laging sumasagi sa isip ko yong araw na una kaming nag kita. Hindi mawala sa isip ko yong bilis nang tibok ng puso ko.
Hanggang ngayon kwene-kwetsyon ko pa rin. Kung bakit ganon ang puso ko pag dating sa kaniya. Siya lang yong nakakapag paalis ng atensyon ko sa pag babasa. Katulad ngayon, pag ka kita ko sa kaniya, binaba ko yong binabasa ko. Nandito kami sa may bench nag papalipas ng oras habang nasa may field siya, sa may ilamin ng puno.
Naalala ko bigla....
7am nasa school na siya. Hindi agad siya pumupunta sa room, sa library siya nag papalipas ng oras o kaya sa field. Bago mag 7:30am nasa room na siya.
Pag break time, nag e'stay lang siya sa room para mag aral. Pag wala siya sa room, minsan nasa field siya nag babasa. Laging siyang may earpods.
Pag lunch, papalipasin niya muna yung 10 mins bago siya pumunta sa canteen. Konting serving lang yung pag kain niya, pero hindi niya pa din nauubos.
Yung foods niya, wala yun sa serving ng canteen. Parang yung pag ka prepare, parang pinasadya.
Mahilig siya sa yakult, hindi yun nawawala pag kumakain siya.
Pag uwian naman, diritso uwi siya. Ilang beses namin siya inaya lumabas, ilang beses niya din kami tinanggihan.
"Aki." tawag ni Dana
"Oh?"
"Kanina ka pa namin tinatawag." sabi ni Lucas. "Bakit tulala ka diyan?" tanong ni Ethan. "Anong iniisip mo?" tanong naman ni Austin. Habang si Matt naman ay nakangisi.
Sakto naman na nakatanggap ako ng message galing kay Abi.
"Kuya, helpppp." message niya. Dali dali ko siyang tinawagan.
"Anong nangyari?" Tanong ko agad pag ka sagot niya ng tawag. "Kuya, period." tugon niya agad.
"Nasaan ka?" tanong ko. "Sa cr, sa building namin." sagot niya. "Antayin mo ako diyan-.."
"Kuya, wag ka mag sasama ng kahit na sino kahit babae pa yan." pag puputol niya sa sasabihin ko. "Okay, wait mo ako diyan." sabi ko bago ibaba ang tawag.
Doon ko lang nakita na nasa akin na pala ang atensyon ng mga kaibigan ko.
"Mauna na kayo umakyat. Pupuntahan ko muna ang kapatid ko." Paalam ko sa kanila. Mabilis akong nag lakad, hindi ko na sila inantay na mag salita.
Tinungo ko ang mini store nitong school.
Pag pasok ko, nagulat sila pag pasok ko. Lakad takbo kasi ako papunta sa dito. Lahat pa ng estudyante ay mga lalaki. Hindi ko na sila pinansin at hinanap kong saan nakalagay ang napkin.
Pag kakuha ko, dumiritso agad ako sa cashier. Gulat pa ang cashier ng makitang lalaki ako. Nasa akin naman ang atensyong ng mga kapwa ko estudyante. Hindi naman bago sa akin ang bumili nito dahil ilang beses na ako bumili ng ganito.
Ngayon lang ba sila nakakita sa lalaki na bumibili ng napkin. Pag talikod ko sa counter, hindi agad ako naka galaw.
Si Kleo.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa pag kagulat ko siguro. Hindi ko napansin na may nakapila pala sa likuran ko.
Sobrang lapit namin sa isa't isa.
Umatras ako ng kaunti palayo sa kaniya bago pa ako matunaw sa mga tingin niya. Nilampasan ko siya nag nag madaling pumunta sa campus ng high school.
Hindi pa agad ako naka diritso sa cr kasi bawal naman ang lalaki sa loob ng cr ng babae.
"Excuse me..." pinigilan ko ang dalawang papasok sa cr. "Pwede ako maki suyo? Nandiyan kasi sa loob yong may kailangan nito." sabay tinaas ko ang naka plastic na napkin. Nagulat pa sila sa nakita nila, pero kinuha naman nila sa akin yon.
"Abi yong pangalan niya. Salamat." sabi ko. Nginitian naman nila ako.
Matagal pa naman bago mag simula ang first subject para sa hapin kaya inantay ko na makalabas si Abi.
"Thank you, Kuya." salubong sa akin ni Abi. "Malapit lang sana si Kuya Adi kaya lang nong tinawagan ko siya umuwi pala siya sa bahay. Naiwan niya daw yong assignment niya." sunod sunod na sabi ni Abi habang nag lalakad kami papunta sa room niya.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi naman masakit yong puson mo?" pag nag kakaroon kasi siya, sumasakit yong puson niya. "Sakto lang." tugon niya.
Napatigil ako sa pag lakad kasi tumigil din siya.
"Bumalik ka na sa room mo." sabi niya. "Kuya manhid ka ba or hindi ka nakakarinig?" tanong niya. Nag tataka namang tiningnan ko siya.
"Pinag titinginan na tayo." mahinang sabi niya. Doon ko lang napansin na pinag titinginan at pinag uusapan na nila kami.
"Aissh." nag mamadaling nag lakad palayo si Abi.
Natawa nalang ako. Ayaw kasi ni Abi ang napupunta sa kaniya ang atensyon.
Pabalik na ako sa room, nag kasabay kami sa pag akyat ni Kleo sa hagdan.
Sinadya kong mag pahuli.
"Ah." daing niya. Tumigil siya dahilan para mauntog ang ulo ko sa batok niya. Humarap siya sa akin.
"Sorry." agad na sabi ko at hinawakan ang batok niya.
Sa ginawa kong yon, pinahamak ko ang sarili ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. Sinasabayan ng mabilis na pag tibok ng puso ko.
Mabilis kong inalis ang pag kaka hawak ko sa batok niya.
"Ang...ang sukli mo." sabi niya at nilahad niya ang kamay niya sa harap ko na may nakalagay na barya.
"Ah, sa store....thank you." sabi ko sa kaniya at kinuha sa kamay niya.
Ngayon ko lang siya nahawakan, hindi ko alam kong bakit ganito yung nararamdaman ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.
Pag ka kuha ko, nilampasan ko siya, at mabilis na nag lakad.
"Anong nangyari sayo, bakit namumula ka?" salubong sa akin nila Dana pag ka pasok ko sa room. Inilingan ko siya at umupo sa upuan ko. Napa yoko ako sa mesa, ayokong isipin nila kung sino ang dahilan ng pamumula ko.
Hindi naman nag tagal, naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Kinalma ko ang sarili ko bago umayos sa pag kaka upo. Palihim ko siyang tinitingnan hanggang matapos ang klase. Hindi siya mawala sa isip ko hanggang sa maka uwi ako sa bahay.
Sa lahat ng kaklase ko, siya lang yong hindi ko malapitan. Siya lang yong hindi ko maka close.
Ayoko yung nararamdaman ko pag malapit siya sa akin.
YOU ARE READING
FORBIDDEN LOVE
RandomA captivating story revolves around Kleo and Aki, two individuals with different personalities.