Ang bilis ng araw, friday na ngayon.
Pag pasok ko, tinungo ko yung library. Nakasanayan ko na pag papasok ako. Pinupuntahan ko agad kung saan ako lagi nauupo.
Sa likuran sa loob ng library, may sampung upuan at mesa. Bali sa isang upuan at isang mesa ay para sa isang tao lang. Lahat naka harap sa bintana, kaya makikita talaga yung mga puno sa labas.
Pag dating ko doon, isa palang yung tao. Naka pwesto sa lagi kong inuupuan, yung pinaka dulo. Ngayon lang ako naunahan sa pwestong yon.
Wala akong choice kaya sa kabilang dulo nalang ako naupo. Pag kaupo ko, nakilala ko kung sino yung naka upo doon.
Si Aki.
Panigurado naman, comics na naman yang binabasa niya. Hindi nga ako nag kamali, kasi paiba iba yung reaksyon niya. May mga times pa na napapalakas ng konti yung tawa niya.
Hinayaan ko na siya at nag focus sa ginagawa ko hanggang sa lumipas yung 20 mins.
Nang matapos ako, nilibot ko yung mata ko sa paligid. Ako nalang natira.
Bago pa mag time, tinungo ko na ang room namin. Sinalubong ako ng ingay pag bukas ko ng pinto ng room namin. Nakakapanibago talaga yung ingay at gulo.
Tinungo ko nalang yung upuan ko, habang papunta ako doon nabaling ang atensyon ko kay Aki. Seryoso siyang nakatingin sa librong binabasa niya.
Para siyang nasa ibang mundo, parang wala lang sa kaniya yung ingay, na parang siya lang ang tao dito sa loob ng room.
Pag upo ko, napatingin siya sa akin. Tiningnan niya lang ako saglit at binaling niya uli yung atensyon niya sa binabasa niya.
Nang mag break time, konti lang yung bumaba.
"Aki, alam naming may baon ka." lumapit si Dana sa table ni Aki at nag lagay ng upuan sa gilid, dahilan para lumapit na din sila Matt.
Nilapag naman ni Aki yung bag niya sa mesa habang naka libro pa din ang atensyon.
"Anong dala mo?" tanong nila habang binubuksan yung bag ni Aki. "Hindi ko alam pero, meron diyan." ngingisi-ngising sabi niya.
"Cookiessss." sabay sabay na sabi nila.
"Ano kaya kung simula sa lunes, magbaon na din kayo ng foods. Para madami tayong kakainin." biglang sabi ni Aki. Sumang ayon naman sila.
Hindi ba nila napapansin na nasa tabi ako ni Aki, hindi ba nila napapansin na nandito ako. Hindi ba nila napapansin na nakakagulo sila?
Nag focus nalang ako sa binabasa ko.
"Kleo." tawag ni Dana sa akin. Napaangat naman yung mukha ko.
Naka lahat ang kamay niya na may hawak na cookies.
"Hindi ako kumakain ng matamis." tugon ko. "Ah, ganun ba." tugon niya.
"Btw, friday ngayon. Gusto niyong mag arcade mamaya pag uwian??" tanong ni Aki. Doon niya lang nilapag mesa ang binabasa niya.
"May classes pa kami." tugon nila. "Bukas?" tanong niya uli. "Tutor." tugon uli nila. "Sunday?" tanong niya pa. "ay..hindi pala ako pwede pag sunday." sabi niya bago pa makapag salita sila Matt.
"Pag sunday, self study." sabi ni Dana. Sumang ayon naman sila Matt.
"Aral na naman?" hindi makapaniwalang tanong ni Aki. Sabay sabay naman sila sa pag tango.
"Family day namin ang sunday e." biglang sabi ni Aki. "Wala ba kayong ibang ginagawa kundi mag aral?" tanong niya pa. Tumango naman sila.
YOU ARE READING
FORBIDDEN LOVE
RandomA captivating story revolves around Kleo and Aki, two individuals with different personalities.