"Akierah Sison." pakilala ko. "Pwede niyo akong tawaging Aki." dagdag ko pa.
"Kung may tanong ka or gusto mong libutin yung school mamaya pag may time kayo. Sasamahan ka ni..." tiningnan ko si Miss na nakatingin kay Kleo.
"Matt. Si Matthew, ang laging class vice president." baling ni Miss na nasa unahan ng upuan ni Kleo.
"Akierah, pwede ka na umupo." sabi ni Miss. Nag hanap siya ng bakanting upuan.
"Maupo ka na doon." sabi ni Miss, bago siya lumabas ng room. Tinungo ko naman yung pinaka dulo, kung saan nandon si Kleo. Dito nalang kasi yung available na upuan at mesa.
Habang papunta ako, nag bubulungan sila.
Pag kaupo na pag kaupo ko, pasimple akong sumulyap sa kaniya. Naka focus siya sa binabasa niya.
"Gusto mo mamayang break time natin libutin yung school?" tanong ni Matt. Tinanguan ko siya.
Yung mesa niya puno ng libro, at mga kung ano ano pa na gamit niya sa pag aaral. Pag tingin ko sa mesa ko, sobrang linis.
Nilabas ko yung libro kong binabasa, pero hindi para sa school na books. Nilabas ko din yung mga comics ko.
Nag butuhan muna para class officers, hindi na ako naki sali sa kanila. Naki gaya nalang ako sa kanila kong sino ang may mas maraming buto.
Si Kleo ang naging President at si Matt nga ang naging Vice President.
Wala naman akong hilig sa pag aaral, kaya habang nag nag le-lesson, busy naman ako sa pag babasa.
Itong si Kleo sinasadya niya atang makita ako ng teacher kasi sa tuwing focus na focus ako sa pag babasa at nakakaidlip ako, itataas niya yung kamay niya at mag tatanong siya sa teacher.
Bakit ba kasi napunta ako sa Class A, dito pa talaga kung saan lahat focus sa pag aaral. Panigurado sinadya ito nila Mom at Dad.
Gumaan yung loob ko ng mag break time. Nag labasan na yung mga kaklase namin at naiwan si Matt at mga kaibigan niya. Si Kleo ay hindi gumalaw sa upuan niya, busy siya sa pag susulat.
Iiling iling akong tumayo.
"Tara." aya ko sa kanila.
"Sure ba kayong sasama kayo?" tanong ko sa kaibigan ni Matt. "Bakit naman hindi?" tanong nong isa. "Btw, si Dana." pakilala niya sa nag iisang babae. "Lucas, Austin at si Ethan." pakilala niya naman sa tatlong lalaki.
Habang nililibot namin ang campus, nag uusap usap naman kami.
"Mabuti naman kinakaya mo yung katahimikan ni Kleo." tatawa-tawang sabi ni Austin.
"Walang nag tatangkang tumabi kay Kleo, tsaka lahat ng nakakatabi niya sa upuan...lahat lumilipat." singit naman ni Ethan.
"Sa sobrang cold niya, walang nag tatangkang makipag kaibigan sa kaniya. Lahat naman na nag tatangkang makipag close sa kaniya....kinabukasan hindi na siya kinakausap." kwento naman ni Dana.
"Late na na realize ng lahat na, kaya hindi siya nakikipag kaibigan at nakikipag usap sa iba dahil naka focus siya sa pag aaral. Wala siyang time makipag kaibigan. Kaya wala ng lumalapit sa kaniya, baka maistorbo yung pag aaral niya." pag kwekwento naman ni Matt.
"Dapat siya yung sasama sayo ngayon, kasi Class President siya. Alam naman ng lahat ng teacher natin yung kalagayan niya, kaya hindi siya iniistorbo kung hindi naman about sa pag aaral yung kailangan niyang gawin." kwento ni Lucas.
"Ang lungkot naman ng buhay niya." wala sa sariling sabi ko. Natawa naman sila sa sinabi ko. "Pano mo naman nasabing ang lungkot ng buhay niya?" tanong ni Dana.
"Kasi lahat ng focus niya napunta sa pag aaral. Hindi niya ata alam lahat ng kasayahan sa labas ng paaralan at sa labas ng bahay nila." sabi ko sa kanila.
"Kasiyahan?" sabay sabay na sabi nila. "Teka nga." tiningnan ko sila isa isa. Umupo ako sa bench, sumunod naman sila sa akin.
"Na late na ba kayo sa klase?" Umiling sila. "Cutting class?" tanong ko. Umiling sila. "Never namin gagawin yun." sabi ni Austin.
"Matulog sa klase?" tanong ko pa. Umiling uli sila. "Mag basa, like comics or hindi naman related sa school?" tanong ko. Nakatanggap uli ako ng iling sa kanila.
"Gumala or kumain sa labas pag uwian?" tanong ko. "Hindi." sagot nila. "Pag labas namin ng gate, nakaantay na yung sundo namin." sabi ni Matt. "Tuwing sabado at linggo, anong ginagawa niyo?" tanong ko. "Nag aaral." sabay sabay na sabi nila.
"Ang lungkot naman ng buhay niyo." sabi ko sa kanila.
"Bago ka mag transfer sa school na ito, hindi mo ba inalam kong anong klaseng school or kung anong meron ang school na ito or kung ano yung environment dito." sabi ni Dana. "Hindi." tugon ko.
"Sa 100% na nag aaral dito, 5% yung mga hindi mahilig mag aral at 95% yung mga naka focus sa pag aaral. In short ang school na ito ay para sa mga nag aaral ng mabuti." sabi ni Ethan.
"Hindi." wala sa sariling sabi ko.
"Sa 95%, panigurado 20% yung para sa mga mahilig talaga mag aral at yung 75% para sa mga napilitan lang mag aral ng mabuti dahil sa status ng school or dahil sa parents or sa kung ano mang reason nila. Ang school na ito...dito kayo pinaaral kasi lahat ng nag aaral dito ay naka focus sa grades....at dahil na din sa status ng family niyo at sa status ng school." sunod sunod na sabi ko.
Hindi sila naka kibo.
"Malapit na mag bell." pag babasag ko ng katahimikan. Dali dali naman namin tinungo ang room.
Pag pasok namin sa room, si Kleo palang yung tao. Halata namang hindi siya lumabas.
Nilabas ko na uli yung binabasa kong libro. Napansin kong may ibang laman ang bag ko. Yung sa loob ng bag ko kasi may isa pang lagayan.
"MOM." wala sa sariling sabi ko pag kakita ko ng laman. Pag tingin ko sa paligid, nakatingin na sila sa akin. Kahit si Kleo na katabi ko, nakatingin na sa akin.
Dali daling lumapit si Matt at mga kaibigan niya sa akin.
"Bakit?"
"Anong nangyari?"
Tanong nila. Sinilip nila yung bag ko, kita sa mukha nila ang pag kamangha.Nilabas ko yung pouch na kitang kita kung anong laman.
"Ngayon lang kami nakakita ng mahilig mag baon ng pag kain sa room." namamanghang sabi ni Austin.
"Anak, pag bigla kang nagutom - Dad." napabaling ako kay Dana na binabasa yung letter na nakadikit.
"Pwede mong kainin pag hindi nakatingin yung teacher mo - Mom." basa naman ni Lucas.
Napahawak nalang ako sa noo ko. Hindi naman bago ito sa akin. Lagi naman ito ginagawa ng parents ko.
"Ang cool ng parents mo."
"Parang gusto kong makilala yung parents mo."
"Ang saya siguro ng family mo."Kung ano ano pa yung sinabi nila hindi ko narinig nang mag tama yung mata namin ni Kleo. Hindi ko ma explain yung reaction niya. Sobrang blangko lang ng mukha niya pero yung mata niya parang ang daming gustong sabihin.
YOU ARE READING
FORBIDDEN LOVE
RandomA captivating story revolves around Kleo and Aki, two individuals with different personalities.