CHAPTER 4 : DIFFERENCE

4 1 0
                                    

Nang mag break time, ako lang naiwan sa room. Hindi sana ako bababa kaya lang nauhaw ako.

Pag dating ko sa canteen, rinig na rinig ko ang ingay ng iba kong kaklase. Nangunguna doon si Aki. Nasa isang mahabang mesa sila. Nag tatawanan habang kumakain.

Iiling iling akong lumabas ng canteen pag kabili ko ng inumin.

Nang mag lunch, hindi muna ako bumaba. Inayos ko muna yung notes ko. Pinalipas ko muna ang 10 mins tsaka ako bumaba ng building.

Tinungo ko yung Canteen. Pag kakuha ko ng pag kain, nag hanap ako ng pwedeng maupuan.

"KLEOOO." hinanap ko kung saang galing yung malakas na tumawag sa pangalan ko.

Kilala ko ang boses na yun, si Dana.

"Dito." Turo niya sa bakanting upuan kung saan sila naka pwesto. Wala naman akong nagawa, hindi na ako tumanggi kasi yun nalang yong available.

Pag kaupo ko, doon ko lang napansin kung sino yung kaharap ko.

Lahat sila tahimik na kumain, parang kanila lang rinig na rinig yung ingay nila nong wala pa ako.

Mahina nalang sila kung mag usap. Mabilis naman ako natapos kumain, konti lang naman yung pag kain ko.

"Ang bilis mo naman." sabi ni Matt. "Mauuna na ako." paalam ko sa kanila.

Pag katapos kong kumain, dumiritso ako sa ilalim ng puno. Lumipas ang ilang minuto, nawala yung atensyon ko sa binabasa ko dahil sa ingay ng nasa paligid ko.

Si Aki at yung ibang classmates namin. Parang kalahati ata ng classmates namin yung kasama niya.

Nasa kabilang puno sila, dito sa malapit sa akin.

Pasimple kong tiningnan yung dahilan kung bakit nawala yung atensyon ko sa binabasa ko.

Ang daldal niya. Hindi ba siya nauubusan ng sasabihin.

Hindi nila ako napansin or hindi nila napansin na may ibang tao dito bukod sa kanila. Hinayaan ko nalang at pinag patuloy ang pag babasa.

Kaya lang hindi ako makapag focus.

"Bakit pala pinatransfer ka ng parents mo dito?" rinig kong tanong ng isa naming classmate.

"Hindi naman ako pinipilit nila, Mom at Dad. Desisyon ko ang mag transfer dito." rinig kong sagot niya.

"Hindi ba yung dahilan ay kaya ka pina transfer dito ng parents mo dahil kailangan mo ng environment na makakapag pa aral sayo?" tanong ng isa pa.

"Yan nga din yung akala ko kasi ganon yung laging dahilan ng karamihang nag tra-transfer dito." rinig kong sabi ni Matt.

Inilingan ko naman sila.

"Bakit ka lumipat?" tanong nila. "May sinundan ako." tugon niya.

Sobrang babaw ng dahilan niya.

Iiling iling na tumayo ako sa pag kakaupo at nag lakad na paalis.

"SINOOOO?" rinig kong tanong nila bago ako tuluyang maka layo sa kinaroroonan nila.

Pag dating ko sa room, tinuloy ko na ang pag aaral hanggang sa hindi ko namalayan na malapit na pala mag simula ang first subject sa hapon.

Kung hindi ko pa marinig yung boses nila Aki, hindi ko pa mapapansin yung oras.

Nag tuloy tuloy lang yung lesson habang siya busy sa binabasa niya. Akala ko binabasa niya yung lesson namin, akala ko lang pala.

Yung libro ng subject namin, pinatong niya doon yung comics niyang binabasa.

FORBIDDEN LOVEWhere stories live. Discover now