CHAPTER 2 : KLEO

6 1 0
                                    

"Aki, sasamahan ka namin ng Mommy mo." sabi ni Dad.

Nandito kami ngayon sa hapag kainan.

"Hindi na po Daddy." tugon ko. "Aki, kailangan mo na ayusin yung pag aaral mo." sabi ni Dad.

"Umiwas ka na sa gulo." sabi naman ni Mom.

"Mom, Dad....ang seryoso niyo." natatawang sabi ko. "Aki naman, hindi kami nakikipag biruan." sabi ni Mom habang nakahawak sa noo niya. "Mommy, hindi din ako nakikipag biruan." ngingisi ngising sabi ko.

"Kuya, ang aga aga pinapasakit mo na naman ulo nila Mom  at Dad." natatawang sabi ni Abi. "Wag kayo mag alala Mom, Dad...babantayan namin si Kuya." singit naman ni Adi.

"Kayong dalawa, manahimik kayo. Tsaka anong pinag sasabi niyo babantayan niyo ako? Ako dapat ang mag babantay sainyo." sunod sunod na sabi ko.

"Kuya, mukhang ikaw ang kailangang babantayan...hindi kami." tatawa tawang sabi ni Adi.

"Tumigil na kayo, tapusin niyo na ang kinakain niyo." pag papatigil sa amin ni Daddy.

Yung family namin? Okay naman yung family namin. Hmmm. Pano ko ba e kwekwento sa inyo.

Apat kaming magkakapatid? Dalawang babae at dalawang lalaki. Ako ang panganay. Si Adi ang pangalawa at si Abi naman ang pangatlo, at si Ali ang bunso. Kaming tatlo isang taon lang ang pagitan namin habang si Ali naman malalo ang ikinalayo sa edad namin. 5 years old palang si Ali.

Sila Mom at Dad? Hmmm.

Okay naman sila, si Dad may company ganun din si Mom. May sarili silang company. Yung company nila, pinag hirapan nilang itayo...na hindi umaasa sa parents nila.

"Dalian niyo na at pare-parehas tayong ma la-late." sabi ni Dad. Nandito na kami ngayon sa sofa, nag aantay kay Abi. Hindi ko namalayan na tapos na pala kami mag almusal.

"Dad, sabay sabay po ba tayo? Sa iisang sasakyan??" tanong ni Abi na kabababa lang. "Dad, hindi po si Kuya Jon ang mag hahatid sa amin sa school?" tanong naman ni Adi.

"Total sa first day niyo at bagong school. Napag desisyunan namin ng Dad niyo na....sabay sabay na tayong pumasok." sunod sunod na sabi ni Mom.

"Kailangan kasama kami sa first time niyo." mahinang sabi ni Daddy pero narinig namin. Sabay sabay kaming tatlo napahawak sa noo.

Ibig sabihin, si Dad ang mag mamaneho. Ibig sabihin walang driver.

Simula ng ipinanganak kami dito na kami sa bahay nakatira. Noong grumaduate ako ng elementary, dinala kami ni Mom at Dad sa laguna. Sa province nila, sa bahay ng Lolo at Lola namin. Hindi naman ganon kalayo dito sa bahay namin. Nagustuhan namin sa province kaya, sinabi ni Lolo at Lola na doon muna kami mag aral hanggang maka graduate ako ng High School.

Nang grumaduate ako sa high school, lumipat uli kami dito sa bahay.

"Tara na." aya ni Mom at nauna na lumabas.

Habang nasa sasakyan kami, ang daming paalala ang lumabas sa bibig nila Mom at Dad.

"Lahat ba ng kailangan niyo ay dala dala niyo?" tanong ni Dad, nakatingin siya sa salamin para makita kami. Tinanguan namin siya.

"Hindi niyo pa nga na checheck kung nandiyan na lahat sa bag niyo." sabi ni Dad. Bubuksan na sana namin yung bag namin kaya lang nag salita si Mom.

FORBIDDEN LOVEWhere stories live. Discover now