Minsan kong naging pangarap na maging artista. Fascinated lang talaga ako sa kung paano sila mag-act sa harap ng camera. At the same time, napapaisip ako kung ano kayang kaibahan 'pag wala na sila sa harapan ng camera? Nadadala kaya nila ang character nila sa pelikula sa totoong buhay?
Or nagagamit kaya nila ang acting skills nila pagdating sa mga totoong problema na?
'The show must go on', ika nga nila. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-gets ang tunay na ibig sabihin no'n.
"What is love?" basa ng ikaapat na couple sa papel na binigay namin sa kanila.
Tinatamad kasi akong gumawa ng maraming questions. Kaya sinulat ko na lang sa papel mga tanong ko tapos nilagay ko sa box tapos anonimously pumipili ng question ang mga couples.
Tumingin si Kara sa partner niyang si Jigs matapos niyang basahin ang question namin para sa kanya. Bukas na ang Valentine's Day kaya ngarag na ngarag kami ngayon sa last minute preparation.
Nakita kong parang nag-twinkle ang mga mata ni Kara sabay napangiti. Yumuko pa siya bago humarap sakin. Gusto kong magreklamo na bakit sa harapan pa ng spaghetti ko? Kaso wala pala akong spaghetti sa harap. Invalid tuloy. Biro lang.
"Love is . . . I guess . . . si Jiro. Wala ng ibang rason kundi siya lang," aniya habang nakatitig sa mga mata ko.
Nakaramdam ako ng inggit kasi . . . ang lakas lang maka-sana all. At the same time, nakaka-touch ang sagot ni Kara. Hindi kasi ganyan ang nakasanayan kong sinasagot ng mga nauna pa naming ininterview. Kadalasan sa sagot nila, puro may rason kung bakit nila mahal ang partner nila. Meron ding ang sagot, "kailangan pa ba ng rason? Mahal ko siya dahil mahal ko siya". At sa mga pagkakataong 'yon, wala akong ibang maramdaman kundi inggit.
Kahit kasi gusto ko iparamdam at ipagsigawan sa lahat kung gaano ko kagusto si Cassandra — nandoon pa rin ako sa mindset na baka hindi niya maintindihan. Baka maweirduhan siya. At alam kong wala akong magagawa roon kundi ang humingang malalim sabay buga ng sama ng loob.
Nandito kami sa classroom dahil dito namin sila inaya. Pumayag silang maging model namin para sa exhibit namin bukas.
"Ikaw ba, Jiro? What is love for you?" tanong ni Cassandra na katabi ko nga pala.
Hindi ko siya napapansin tuwing ganito siya kalapit sakin dahil wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng puso ko. Para akong sinasakal at nakakawalang hangin para ihinga dahil doon.
Tumingin din si Jiro kay Kara and swear, parang may fireworks sa likod nila nang magtama ang mga paningin nila sa isa't isa. They looked so happy and inlove. Iisipin ng iba, bata pa sila. Marami pa silang pwedeng makilala. Maaaring ngayon, bukas, or sa makalawa iba na ang pagsasabihan nila ng "I love you".
"Love is whenever I looked at her in the eyes, I could see how happy I am when I'm with her," malamlam na wika ni Jigs.
"Wow . . . ang magical ng pagmamahal niyo sa isa't isa," hindi na napigilan ni Cassandra na purihin ang dalawa. "Ilang taon na ba relasyon niyo?"
"Simula grade 9," sagot ni Kara.
Nagkatinginan kami ni Cassandra at parehas kaming nagulat sa isa't isa. Tumikhim muna ako bago bumaling ulit kina Kara at Jigs. Nandoon na naman kasi 'yong kakaibang tambol ng puso ko tuwing nakakatitigan ko siya. Nakakalimutan kong magkaibigan nga pala kami. Kasi nangingibabaw ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Anong year niyo na ngayon?" ako naman ang nagtanong.
"Fourth year," sagot ni Jigs sabay sabing, "next year, magpapakasal na kami."
BINABASA MO ANG
Bite of an Angel
JugendliteraturLOVE MANIFESTO SERIES 5 [COMPLETED] Hindi ba talaga pwedeng mahalin tayo pabalik ng mga taong minamahal natin? *** Matagal nang tanggap ni Angel Tan na kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng inaasahan ng madla. Mas gusto niya ang laruang baril kaysa s...