Anong problema mo? Ba't ba ayaw mo akong kausapin? — Angel.
Pinilas ko ang papel mula sa notebook at tinupi saka kinalabit yung katabi ko. "Paki-abot naman kay Cassandra."
Napakamot pa sya ng ulo bago hinagis sa upuan ni Cassandra yung papel. Pinanlakihan ko sya ng mata.
"Sabi ko, abot. Ba't mo binato?" inis kong sinabi.
"Miss Tan, quiet," sabi ng prof na napalingon pa sa amin dahil naistorbo sya sa pagsusulat nya sa blackboard.
"Sorry, Ma'am."
Tiningnan ko na lang si Cassandra at nakitang tumaas ang kilay nya sabay kumos sa sulat ko't nilagay sa bag nya ang papel. Bumuga ako ng hangin.
Tatlong araw na simula nung naging magkaibigan kami ni Angelus. Hindi na ako pinansin ni Cassandra. Kapag inaaya kong mag-lunch, kasama agad si Jericho. Si Jericho na rin ang naghahatid sa kanya pauwi. At wala namang problema 'yon sakin dahil nanliligaw nga sya.
Pero hindi ko sya maintindihan.
Bakit ayaw nyang mamansin?
Nang matapos ang klase namin sa araw na 'yon, lumapit ako ulit sa kanya para kausapin sya. Para kaming nagpapatintero sa pinto dahil kada punta nya sa kanan ko, susundan ko sya. At pagkaliwa, doon din ako sasandal.
"Ano ba?! Gusto ko nang umuwi!" sigaw nya sakin.
Nanlaki ang mata ko no'n. Aaminin ko, kinabahan ako ng slight. Napaisip ako kung tama pa bang kinakausap ko sya ngayon. Kasi mukhang kahit humingi pa 'ko ng tawad ngayon, hindi nya ako mapapatawad.
"Ano . . ." Napalunok ako. ". . .sorry. Gusto ko lang naman malaman kung bakit hindi ka namamansin? Hindi kita maintindihan. Bigla-bigla ka na lang hindi namamansin tapos ganto pa."
Umirap lang sya. Halatang walang gana. Hindi ko tuloy mabasa kung anong nasa isip nya. Kahit noon naman, hirap na akong hulaan sya. Pero kaya ko pang hulihin kiliti nya noon. Kaso ngayon, ang hirap.
Tipong gandang-ganda ka sa langit na puno ng bitwin at makinang pero bulag ka. Gets mo? Parang nandoon ka, parang kabisado mo, pero kung nandyan na — wala ka pa talagang abilidad.
"Bakit hindi ka kay Angelus mag-sorry?" mataray nyang tugon.
Kumunot ang noo ko. "Anong kinalaman . . . haha!"
Halos suntukin ko ang hangin dahil bigla akong natawa sa sinabi nya. Sya naman ngayon ang nakakunot ang noo habang tinitingnan ako.
"Anong nakakatawa?!"
Umiling ako sabay buga ng hangin. "Pinagseselosan mo ba si Angelus?"
Kung iisipin, nung nagpansinan lang naman kami ni Angelus yung nangyaring 'di pagpansin sakin ni Cassandra, e.
"Bakit ako magseselos? Kayo ang mag-best friend. Anong karapatan kong mainis, diba?"
Napangiti na lang ako sabay hila kay Cassandra papunta sa katawan ko. Ipinulupot ko ang braso ko sa baywang nya at hinigpitan ang yakap.
"I miss you, Cass..."
For a moment, I feel like I'm home. That is the kind of warm I feel in her arms.
"Nakakatampo ka kasi, beshy. Alam mo namang hindi ako selosa sa ibang bagay pero pag sa kaibigan, hindi ko kaya. Ikaw na lang meron ako, mukhang aagawin pa," aniya.
Napangiti na lang ako. Hindi ko naman nakalimutan ang bagay na 'yon tungkol sa kanya. Lagi nyang sinasabi sakin na hindi sya nagseselos sa ibang babae ng mga naging boyfriend nya, or di kaya kahit hindi sya ang paborito ng mga magulang nya. Pero ibang kaso sa pagkakaibigan namin dahil ako na lang daw ang meron sya.

BINABASA MO ANG
Bite of an Angel
Fiksi RemajaLOVE MANIFESTO SERIES 5 [COMPLETED] Hindi ba talaga pwedeng mahalin tayo pabalik ng mga taong minamahal natin? *** Matagal nang tanggap ni Angel Tan na kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng inaasahan ng madla. Mas gusto niya ang laruang baril kaysa s...