Chapter 3

10 4 24
                                    

Cassandra Lazaro
Just Now • 🌍

Ang sakit naman no'n.

Like | Comment | Share

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko nang mabasa ang post na 'yon ni Cassandra. Kanina pa nga ako palakad-lakad dito sa kwarto ko dahil hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi kung saan ba ako banda nagkamali.

Bumuga ako ng hangin at umupo sa kama. Icha-chat ko ba? Pero anong sasabihin ko? 

Bff ❤️‍🔥
Beshy, galit |

Bura, bura, bura.

Bff ❤️‍🔥
Anong proble |

Shemay, bura ulit!

Tumunganga na lang ako dahil kapag nagtanong ako baka ipa-figure out niya sa akin ang nasabi ko. Kaso hindi ko talaga alam, e. Ano bang gagawin ko?

Nginatngat ko ang kuko ko habang nag-iisip ng pwedeng gawin. Hindi rin ako sanay mang suyo dahil hindi naman kami madalas magka tampuhan ni Cassandra. Tapos tumunog ang phone ko, pagtingin ko—chat pala niya.

Natulala na lang ako.

Bff 👄
Beshy
Ano ba ko sayo?

Sa dami ng tanong, 'yon pang tanong na natatakot akong sagutin.

Bff 👄
Typing . . . 

Bff ❤️‍🔥
Mahal kit |
Kaibigan.

Bff 👄
Kaibigan . . . 
Kaso bakit biglang di ko maramdaman?

Bff ❤️‍🔥

Anong hindi?

Hindi kita maintindihan.

Bff 👄
Anong hindi?
Ikaw ang hindi ko maintindihan.
Bakit parang wala akong karapatang malaman mga ganap sa buhay mo?

Shit . . . oo nga pala. Sensitive si Cassandra. Bawat galaw ko, madalas bantayan no'n dahil natatakot siyang baka magalit ako sa kanya. Baka ayaw ko sa ginagawa nya. O, baka hindi ko gusto ang mga sinasabi nya. 

Kaya alam kong sobrang nasaktan ko talaga siya kung ano man ang nasabi ko kanina.

Bff ❤️‍🔥
I'm sorry.
Nabigla lang ako.

Epal kasi ng nararamdaman ko. Hindi na lang sana nag-stay sa isip 'yong pang monologue sana. Tinapik-tapik ko ang bibig ko dahil sa pagiging insensitive sa nangyari.

Bff 👄
Pinapaiyak mo ko eh.
Alam mo namang takot akong nagagalit ka sakin eh.

Humigpit bigla hawak ko sa cellphone ko nang basahin ko ang chat niya. "Cassandra naman . . . . manhid ka ba talaga?"

Bff ❤️‍🔥
Babawi na lang ako sayo bukas.
I'm sorry, wag ka na umiyak.

Bff 👄
Talaga?
Libre mo ko fishball.

Natawa ako. Kahit ano, basta ikaw ang kapalit, Cassandra. Haaay.

Bff ❤️‍🔥
Oo na.
Sige na, matulog ka na.
Maaga pa tayo bukas.

Bff 👄
Kasalanan mo to.
Nadagdagan na naman bagahe ng mata ko.

Bff ❤️‍🔥
HAHAHAHAHAHAHAHA.
Kasalanan mo yan, sinabi ko bang umiyak ka?
At saka, ayaw mo nun? Handa na mata mo sa bakasyon. May bagahe ka na.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Bite of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon