Kinaumagahan, nagpa-praktis na ako ng magiging linya ko para sa gagawin kong pag-amin sa kanya. Oo, pwedeng isipin ng karamihan na nahihibang na ako. Bakit nga ba naman ako magkakagusto sa sariling best friend ko? At sa babae pa?
"Good morning, bes," bati nya sakin nang makapasok ako sa classroom namin. Medyo marami-rami na ring tao doon pero may sari-sariling mundo.
Tumikhim ako. "Pwede ba tayong mag-usap mamaya?"
Lumawak ang ngiti nya. "Oo naman. At saka nga pala, sayo ako sasabay mag-lunch, ha?"
Nagtaka naman ako. Para kasing nasanay na lang din akong nangungulila sa kanya. Hindi na kami halos nagkakausap maliban na lang kung may groupings o saglit lang na pag-uusap dahil paglabas sa classroom naming ito, lagi ng si Jericho ang kasama nya.
"Himala, pinayagan ka nyang sumama saking mag-lunch?"
Pumula ang pisngi nya. Napaiwas naman ako ng tingin. Bakit ba ang hirap magmahal ng taong may mahal na iba? Alam mo na ngang wala kayong pag-asa. Mas lumabo pa dahil sa pwesto nyong dalawa sa lipunan na 'to.
"E wala lang . . . namimiss na rin kitang kasama mag-lunch. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo kung bakit sa iba ka sumasama kasi lagi akong wala sa tabi mo," aniya. "Parang hindi na best friend kung tawagin, ano?"
Ramdam ko naman ang lungkot nya. Dinamdam nya talaga siguro yung pag-aaway namin noong nakaraan. Plano ko na ngang hindi lapitan si Angelus kung sakali mang mag-aaya ulit syang sumabay sakin eh.
Mas sanay lang talaga akong pinapriority ang nararamdaman ni Cassandra, kahit na minsan, ako naman yung nakakalimutan nya.
"Edi maganda. Kala ko hindi na natin mauulit yung gantong pag-uusap, e," sabi ko sa kanya.
Magsasalita pa sana sya nang pumasok na ang professor namin para sa araw na ito. Kung meron man akong nagustuhan sa friendship naming ito, iyon na siguro yung kapag nasa loob na ng classroom - parehas kaming focus. Sya, talagang makakapag-focus dahil wala naman dito ang taong mahal nya. E ako? Katabi ko na. Naamoy ko pa. Nasasaktan pa ako kapag nahuhuli ko syang natutulala dahil paniguradong ibang tao ang nasa isipan nya.
"Bakit dito natin kailangan mag-usap?" nakangiting tanong sakin ni Cassandra matapos ko syang hilahin dito sa rooftop.
Lunch na namin ngayon. Supposedly, sa canteen kaming kakain na dalawa. Naisip ko nung una na sa uwian na lang namin gagawin dahil natatakot ako sa magiging sagot nya sakin. Pero alam kong mas maduduwag ako kapag patatagalin ko pa. Kumbaga, sa ulam yung kaba at disappointment ay napanis na.
Dinadaga na kasi ako, sa totoo lang. At hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para tuluyang makaamin sa taong gusto ko.
Matapos kasi namin mag-usap ni Papa noong isang gabi. Isa sa natutunan ko ay hangga't nagmamahal ka, sumugal ka. Oo, pwedeng mabigo ako ngayon. Pero kaysa naman dalhin ko sya hanggang sa hukay ko, pwedeng mapuno ako ng mga pagsisi.
Tinitigan ko sya sa mga mata. "May sasabihin ako sayo . . ."
Tumango naman sya. "Sige, ano yun?"
Inipon ko muna ang hangin sa katawan ko. Alam ko kasing sa oras na magsalita na ako ay maraming pwedeng magbago. Pero hanggang kailan nga naman ako matatakot, diba? Hanggang kailan ko iiwasan yung hinaharap na 'to.
"Cass, alam mo naman kung gaano kita kamahal, diba?"
Tumango sya. "Mahal din naman kita, bes eh."
Bes . . .
Okay na sana eh. Pwede na akong mag-assume. Pero ginusto ko 'to. Hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa kanya kaya wala syang kasalanan.
Napayuko ako at kinuha ang dalawa nyang kamay. "Hindi ko alam paano ko uumpisahan . . . nakakatakot pala."
BINABASA MO ANG
Bite of an Angel
Teen FictionLOVE MANIFESTO SERIES 5 [COMPLETED] Hindi ba talaga pwedeng mahalin tayo pabalik ng mga taong minamahal natin? *** Matagal nang tanggap ni Angel Tan na kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng inaasahan ng madla. Mas gusto niya ang laruang baril kaysa s...
