Chapter 2

1K 49 11
                                    

Ilang minuto akong nakatitig sa sulat na hawak ko. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Gusto kong isipin na isang malaking joke lang ang sulat na 'to sa akin ni Sarah. She's a real joker kaya hindi ako dapat maniwala agad sa kung ano man ang nakasulat dito.

Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matawa o dapat akong magalit dahil kahit isa itong biro para sa kaniya ay hindi ito nakakatawa. Hinding-hindi.

Pinilit kong tumawa ng mahina at saka ako muling humarap kay Sarah na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.

"Love, I didn't know that you are capable of joking like this. Come on, this is a good day. Stop this silly game of yours. Wake up and we will be dating today," I said. Isa ito sa madalas kong ikainis kay Sarah. Hindi niya kasi alam kung kailan ba nakakatawa o kung kailan nakakainis ang mga biro niya. Nanatiling tulog at hindi gumagalaw si Sarah.

"Come on, Love. Stop this." I lay down beside her and hugged her.

"Your skin is so cold! You should wake up now and let's go out for you to receive even just a small amount of sunlight. Hurry up, you, sleepy head!" I said and I pinched her nose. But still, my Sarah didn't move. I started to feel nervous. Pakiramdam ko ay hindi na nagbibiro si Sarah. Pakiramdam ko ay bigla akong binalot ng takot. Iba na ang naiisip ko at sana, hindi totoo ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na 'to. Hindi 'yon p'wedeng magkatotoo.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Sarah at nakita ko do'n ang mga magulang niya na umiiyak habang nakatitig sa akin at hindi 'yon nakabawas sa kabang nararamdaman ko. Instead, lalo akong natakot sa posibilidad na totoo ang mga naiisip ko.

"Tita, what exactly is going on? I have read Sarah's letter to me and I don't want to believe in every single word that she had written," I said. Pinapaniwala ko pa rin ang sarili ko na nagbibiro lang si Sarah. Pero naisip ko rin na kung isa lang 'to sa mga kakulitan ni Sarah, bakit kasama pati sina Tito? Pati rin ang mga kamag-anak nila ay narito kaya hindi ko rin maiwasan na isiping hindi na talaga biro ang nangyayari. May mali at ayaw kong malaman 'yon. Pakiramdam ko, sa oras na magsalita sina Tito ay 'yon na ang pagkakataon na guguho ang mundo ko.

"Chris..." Tito Jun called me. Hindi man siya umiiyak ay nararamdaman ko ang kabigatan ng loob niya sa boses niya. Even his eyes show the same feeling na nararamdaman ko sa pagtawag niya sa pangalan ko. Gusto ko siyang pigilan sa pagsasalita. Gusto kong sabihin na 'wag na niyang ituloy kung ano man ang sasabihin niya but then, he continued to talk and say,

"Our Sarah won't wake up anymore." Naramdaman ko ang kakaibang sakit sa puso ko. Pakiramdam ko ay sinaksak ako nang paulit-ulit habang patuloy na umi-echo sa isip ko ang mga sinabi ni Tito. Humarap ako sa kanila at lalo silang umiyak.

"What do you mean, Tito? Anong hindi na gigising si Sarah?! H'wag naman po kayong magbiro nang ganito!" I shouted pero lalo lang humagulgol si Tita Carmel sa pag-iyak. No. This can't be happening. Isang malaking joke lang 'to. Iyon ang pilit kong pinaniniwalaan. Nagbibiro lang sina Tito. Nagbibiro lang si Sarah. I looked at Sarah and I started to shake her body.

"Sarah, wake up. Come on, hindi na 'to nakakatuwa, Love. Gumising ka na, please. Ano ba?!" I said while shaking her body but still, she didn't move.

"Love, please wake up." I was trying to calm myself because I never shouted at Sarah.

"Love, come on. Stop this now or else, I'll be mad at you." I tried to scare her because knowing Sarah, she didn't want me to get mad at her.

"Chris, Sarah is dead." I heard her mom said and I froze. Pakiramdam ko ay tumigil ang buong paligid pero patuloy 'yong sakit na nararamdaman ng puso ko. Sarah is dead? Gusto kong matawa. Gusto ko silang sigawan. Anong sinasabi nilang patay na si Sarah?! Hindi patay si Sarah!

Without Her (Edited/TagLish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon