It's already March 31, 2014. So this is it. Kung tatanungin ninyo kung masaya ba ako? Oo, masaya ako at oo, nagsisinungaling ako.
Last week, my dad passed away. Yes, you have read it correctly. Noong namatay si Sarah, sabi ko ang daya niya kasi hindi niya man lang sinabi sa akin. Hindi ko man lang alam na mawawala na siya. Sana kahit paano ay naihanda ko ang sarili ko. Baka sakaling hindi gano'n kagrabe ang sakit na mararamdaman ko. But I guess, no one will actually be prepared about knowing that you will lose the one you love and that there's no way in this cruel world that they will come back.
I knew already that my dad will not last any longer and I have thought that I am definitely ready when his time comes. 'Yon pala, akala ko lang lahat. Akala ko tanggap ko nang mamamatay siya. Akala ko hindi na gano'n kasakit kung sakaling kunin na siya sa amin. Akala ko hindi na ako iiyak nang todo. But guess what?! I have thought wrong. Iniisip ko nga, gano'n ba ako kasamang tao? Bakit kailangan iparanas sa akin ang ganitong klaseng pasakit? Ang hirap isipin at ang hirap tanggapin.
"Chris..." It's Emmy.
"Are you okay?" she asked but I didn't answer. Bumalik na naman ako sa dati na halos hindi nagsasalita at tahimik lang palagi.
"Yeah, I am so stupid to ask if you're okay. Of course you're not. Sorry for my stupid question." Emmy doesn't leave my side since my dad has died and she's really a big help for me. I was thinking that it would be easier if Sarah is also here beside me. Pakiramdam ko, ngayon ko siya kailangan pero wala na siya. Gusto ko sanang yakapin si Sarah at sa kaniya ako iiyak pero paano ko pa 'yon gagawin kung patay na siya?
"I have cooked a dinner for you. You should eat first before we go to school later. Don't bother to pick me up. Sa school na lang tayo magkita, okay?" I nodded my head as an answer.
"Will you please smile?! Hello! You're a cum laude and here you are, wearing that kind of face that even Leonardo Da Vinci can't actually paint or draw!" And for the first time since last week, I smiled.
"That's it! You should smile often. You look handsome when you're smiling and you look totally wasted if you don't, seriously. I gotta go. See you later, handsome!" Hinatid ko siya hanggang sa gate ng apartment ko bago siya kumaway sa akin and said her goodbye. Para akong tuod na pumasok sa loob ng apartment ko. Hindi ko alam kung paano ako magcecelebrate ng graduation day ko kung ganito na ang daming dahilan para maging malungkot ako.
The graduation ceremony will start at seven in the evening. Wala akong balak na kumain pero nakita ko ang inihandang hapunan ni Emmy para sa akin. I just find myself sitting and starting to eat.
Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko, tinawagan ko si Mama na kasalukuyang nagluluksa pa rin sa pagkamatay ni Papa. Alam ko na hindi siya makakapunta sa graduation ko at naiintindihan ko siya. Mahirap nga naman para sa kaniya ang magsaya gayo'ng nalulungkot siya ng sobra.
"Hello, Ma. Papunta na ako sa school para sa graduation namin. Will you come?" I asked even if I knew already that she won't come.
"Sorry, son but I can't." Sadness was so obvious in her voice.
"Okay, mom. Take care of yourself. Siya nga po pala, naghapunan na ba kayo? 'Wag po kayong magpapalipas nang gutom ha?" I said. Iniisip ko kasi na kung ako ay sobrang apektado sa pagkawala ni Papa, paano pa kaya si Mama?
"Okay, son," she replied.
"Sige po. Ibababa ko na 'to. I love you, Ma," I said before I ended the call. Sinabi sa akin ni Emmy na 'wag ko na siyang sunduin pero nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila.
"Mom! Hurry up! I'll be late!" I heard Emmy's voice. Halatang natataranta na siya sa tono ng boses niya. Ang kupad kasing kumilos.
"How can you not be late? You just spent 2 hours in your bathroom!" I smiled whenever Emmy and Tita Len were having a cat fight. Maybe that's their way to show how much they love each other. Noong binuksan ni Emmy ang pinto ng bahay nila, nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
BINABASA MO ANG
Without Her (Edited/TagLish)
Teen FictionLahat tayo, may minamahal. Minsan, sila ang nagiging dahilan natin kung bakit tayo nagiging masaya. Kung bakit tayo ngumingiti. Madalas pa nga, nangangarap tayo dahil sa kanila.Madalas nating ma-imagine ang future na sila ang kasama natin. Masaya na...